Two

305 13 0
                                    


"Besties." Napatigil ako sa pagpupunas ng mesa ng marinig ko ang pag tawag ni Julia sa akin.

"Ako na diyan. Kuhanin mo na lamang iyong order doon sa table nine." Sabi nito.

Napatango naman ako tsaka nagpunas ng kamay. Kinuha ko ang isang pirasong papel sa counter. Pagkatapos ay kinuha ko ang ballpen na naka ipit lamang sa likod ng tenga ko. Nakangiti akong lumapit sa table nine. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng makilala ko kung sino ang nakaupo sa table na iyon.

"Daniel." Mahinang bigkas ko sa pangalan niya.

Paano ko siya hindi makikilala samantalang kaibigan siya ng dati kong kasintahan.

Nginitian ako nito ng malapad tsaka muling itinoon ang tingin nito sa hawak nitong menu book. Binanggit nito ang order nito kaya naman mabilis ko itong isinulat sa papel na hawak ko. Pansin ko na pang dalawang tao ang inorder nito. Siguro ay may hinihintay ito dahil imposibleng maubos niya ang ganoong karaming pagkain.

"Iyon lang po ba sir?" Tanong ko dito. Gusto ko itong batukan nang sa ganoon ay mawala ang kakaibang ngiti nito. Ngunit alam kong hindi maaari dahil customer ito. Kahit papaano ay dapat ko itong igalang.

"Maaari ko bang makausap ang manager ng restaurant na ito?" Nakangiting sabi nito.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Ho? Bakit ho sir? May nagawa po ba kong hindi niyo gusto?" Mabilis na tanong ko dito.

Bahagya itong tumawa na siya namang nagpakunot ng noo ko. "Nope. May gusto lang sana akong sabihin. Don't worry hindi naman kita ipatatanggal sa trabaho mo." Natatawang sambit nito.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Ngunit hindi ko ikakaila na may parte sa akin ang natatakot sa maaari nitong sabihin sa manager ng restaurant.

Sa huli ay pagkatapos kong ibigay sa counter ang order niya ay tinawag ko ang manager ng restaurant na kasalukuyang may kung anong ginagawa sa office nito.

Binigyan pa ako nito ng kakaibang tingin ng sinabi ko sa kaniyang may isang customer na nagpapatawag sa kaniya.

"Ano bang ginawa mo sa kaniya?" Mahinang sabi ni Ms. Guzman ngunit halata sa boses nito ang galit na nararamdaman. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa table nine. Dala dala ko ang tray kung saan nakalagay ang order ni Daniel.

"Wala naman po akong ginawang masama." Mahinang sagot ko dito. Paulit ulit na inisip ko kung may ginawa ba ako na maaaring hindi nagustuhan ni Daniel. Natatandaan ko naman na nakangiti ako kay Daniel habang kausap ko ito. Kaya naman nakaka pagtaka kung ano man ang nagawa ko na hindi nito nagustuhan.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Ms. Guzman dahil naka lapit na kami sa kinauupuan ni Daniel.

Sinigurado kong nakangiti ako habang inilalapag sa mesa ang pagkaing order nito. Tumango sa akin si Ms. Guzman matapos kong ilagay sa mesa ang mga pagkain. Yumuko ako bago nagmamadaling lumapit sa counter.

"Oh bakit pinatawag si Ms. Guzman?" Iyan ang bungad na tanong sa akin ni Julia habang pinupunasan nito ang mga basang tray.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko nga alam eh. Wala naman akong ginawang masama dun sa customer." Sagot ko sa tanong ni Julia.

Mabilis naman na tumigil kami sa pag uusap ng makita naming yumuko si Ms. Guzman kay Daniel, tanda ng pag alis nito. Mabilis na lumapit ako sa bakanteng table at nagkunwaring nagpupunas ng mesa. Samantalang kita ko sa gilid ng mata ko na inilalagay na ni Julia ang mga tuyong tray sa lalagyan.

"Ms. Bernardo."

Halos mapatalon ako sa gukat ng bigla kong marinig ang boses ni Ms. Guzman sa likod ko.

"Puntahan mo iyong table nine. Binayaran niya ang oras mo, basta gusto ka niyang kasamang kumain."

Napakunot ang noo ko sa tinuran ni Ms. Guzman. Wala sa sariling napatingin ako sa kinauupuan ni Daniel. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kong nakagingin ito sa akin habang may ngiti sa labi.

Nabalik ako sa katinuan ko ng may maramdaman ako na pumisil sa kamay ko. Napatingin ako kay Julia. Pilit na nginitian ako nito. "Sigurado ka ba sa desisyon mo besties?" Tanong nito.

Huminga ako ng malalim bago tumango. Kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng byahe patungo ng Manila. Nag presenta si Julia na siya na lamang ang mag maneho. Pumayag naman ako basta kapag pagod na ito ay ako naman ang mag mamaneho.

Napatingin ako sa rearview mirror ng sasakyan. Agad kong nakita si Kesha na tahimik na nakatanaw sa bintana ng kotse habang yakap yakap nito ang paborito nitong laruan. Nakita ko ang paghikab nito tsaka pag pungay ng mga mata nito, takda na inaantok na ito.

"Kesha, halika dito." Tawag ko sa kaniya ng saglit na tumigil ang kotse dahil red light.

Inalalayan ko ito hanggang sa makaupo na ito sa kandungan ko. Pinahiga ko ito sa kandungan ko tsaka tulad ng nakaugalian ay hinimas ko ang tenga nito hanggang sa makatulog ito.

"Ipapakilala mo ba sa kaniya ang anak niyo?" Rinig kong tanong ni Julia.

Pinatili kong ituon ang tingin ko sa mahimbing na natutulog sa kandungan ko. Maingat kong sinusuklay ang buhok nito gamit ang kamay ko. Tahimik kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Kesha.

Natatakot ako sa maaaring mangyari kung malaman ni Daniel ang tungkol kay Kesha. Natatakot ako na sa oras na malaman niya ang tungkol kay Kesha ay ilayo niya sa akin ang anak ko. Natatakot ako na baka kunin niya ang anak ko.

Minsan na niyang kinuha ang kasiyahan ko. Minsan na niya akong sinaktan. At hindi na ako makakapayag na maulit pa ulit iyon. Ayoko ng maramdaman ang sakit na naramdaman ko noon.

Mabilis na itinoon ko ang tingin ko sa itaas para sa ganoon ay mapigilan ko ang pag agos ng luha ko.

"Stop worrying, if it is meant to happen. It will happen." Makahulugang saad ni Julia.

"Natatakot ako." Pag amin ko sa kaniya. Kasabay ng pag amin ko ang pag patak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. "Natatakot ako sa maaaring mangyari. Paano kung paglaruan niya muli ako? Paano kung kunin niya sa akin si Kesha? Besties, hindi ko kaya. Hindi ko makakaya sa oras na mawala sa akin si Kesha." Umiiyak na saad ko.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid tsaka maingat na niyakap ako kahit na nasa kandungan ko si Kesha.

"Shh. Wag mo munang isipin ang mga bagay na iyan. Kung maulit man ang inawa nito sa iyo dati, mas mabuti ng umiwas ka." Sambit nito. "Never get too attached to him again unless he also feel the same towards you, because one sided expectations can mentally destroy you again." Payo nito bago ako inabutan ng tissue.

Tinanggap naman ang tissue. Matapos akong umiyak ay inayos ko ang make up ko. Paniguradong magtataka si Kesha kapag nakita niyang namumula ang ilong at mata ko.

Masyado pa siyang bata para malaman ang lahat ng nangyayari. Hindi pa siya handa para malaman ang katotohanan. Ayokong kamuhian nito ang sariling ama nito. Darating din ang tamang panahon kung kailan niya malalaman ang lahat.

Muli kong sinuklay ang buhok ni Kesha gamit ang kamay ko. Napaka bata pa nito para malaman ang masamang ugali ng ama nito. Alam ko darating yung time na hahanapin niya ang Dad niya. Ayoko namang sabihin sa kaniya na may iba ng pamilya ang ama nito. He doesn't even know you exist, Baby Kesha. Maingat na hinalikan ko ang noo ni Kesha.

Take A Chance (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon