Kinabukasan ay alas otso pa lamang ay nasa Asia's Infinite na ako. Kasama ko si Kesha ng pumunta ako doon. Naisip ko kasi na mas maganda kung iiwan ko si Kesha sa secretary ni Ninong. Kaysa naman maiwan mag isa si Kesha sa condo ni Julia. Atleast kung iwan ko siya sa secretary ni Ninong ay alam ko na may mag aalaga sa kaniya.Hindi ko rin mapigilan na mangamba lalo na at kasama ko si Kesha. Nangangamba ako na baka makita siya ni Daniel. Ngunit naisip ko na hindi naman pupunta si Daniel sa office ng secretary ni Ninong at hindi rin naman lalabas si Kesha sa silid na iyon kaya kahit papaano ay nawala ang pangamba ko.
"Alfred, sigurado ka bang ok lang sa iyo?" Tanong ko sa secretary ni Ninong.
Pumayag na kasi si Ninong sa naisip ko. Ngayon naman ay tinatanong ko si Alfred kung ok lang talaga sa kaniya. Baka kasi may gagawin pa ito. Pwede ko naman sigurong ipabantay si Kesha sa isa sa mga architects na kilala ko dito.
"Nako Ma'am ok lang po. Tutal po ay wala naman po akong gagawin ngayong araw." Nakangiting sambit nito.
Napatingin naman ako kay Kesha na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko. Nakatitig si Kesha sa paborito nitong doll. Naisip ko kasi na dalhin na lamang ni Kesha ang doll niya nang sa ganoon ay may gawin ito kahit papaano.
Muli kong itinoon ang tingin ko kay Alfred. Nanlaki ang mga mata nito ng makita nito ang inabot ko. "Ikaw na ang bahala kay Kesha ah. Ito pala iyong cake. Birthday nung doll ni Kesha. Sakyan mo na lamang iyong trip niya." Sabi ko sa mahinang boses.
Bakas ang gulat sa mukha nito. Binigyan pa nga ako nito ng tingin na parang nag sasabi na seryoso ka ba? Tinanggap rin naman ni Alfred ang cake na inabot ko. Nakita kong inilagay niya ang cake sa table nito.
Lumuhod naman ako para pantayan ang tangkad ni Kesha. "Baby." Agaw ko sa atensyon nito. Mula sa laruan nito ay umangat ang tingin sa akin ni Kesha. "May mi-meeting lang si Mommy ah. Sasamahan ka naman ni Kuya Alfred na i celebrate ang birthday ni Kendall. Gusto mo mag invite pa ako?" Saad ko sa kaniya.
Umiling naman ito. "Nibilisan mo Mommy ah. Tira kita ng cake." Nakangiting sabi nito.
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Maingat na hinalikan ko ang noo nito. "Susubukan ko baby." Malambing na saad ko tsaka muli siyang hinalikan sa noo.
Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod tsaka inayos ang suot ko, may kunting gusot na kasi ito. (Multimedia)
Matapos kong maghabilin kay Alfred ay nagtungo na rin ako sa silid kung saan magaganap ang meeting. Ilang beses kong pinaalala kay Alfred na hindi maaaring lumabas ng silid si Kesha. Nang makapasok ako ng silid ay nandoon na si Ninong maging si Julia.
"Pumayag ba si Alfred?" Bungad na tanong sa akin ni Julia.
Tumango naman ako tsaka naupo sa tapat ni Ninong, katabi ko naman si Julia. "Yup. Pumayag naman siya. Pero kung maaari sana ay bilisan natin ang contract signing na magaganap. Ayoko namang paghintayin si Kesha." Sambit ko.
"Good morning Mr. Padilla."
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita kong tumayo si Ninong mula sa pagkakaupo nito. Mabilis na napa hinga ako ng malalim bago tumayo at lumingon sa likod ko.
"Good morning Mr. Padilla." Halos sabay na bati namin ni Julia.
Halos manlambot ang tuhod ko ng magtama ang tingin namin. Pakiramdam ko ay nahirapan akong huminga ng tumagal ang ppagtitig nito sa akin. Nakaramdam rin ako ng hiya ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang gusto ko tuloy na ibalot ang sarili ko ng matakpan ko kahit papaano ang mga parte ng katawan ko na nakalantad.
Mabilis na nag iwas ng tingin si Daniel ng marinig namin ang pag ubo ni Julia na sa tingin ko ay scripted. Tumango lamang si Daniel atsaka nagsimulang maglakad patungo sa upuan na nasa dulo. Which is masasabi ko ring katabi ko.
BINABASA MO ANG
Take A Chance (KathNiel)
FanfictionIt's hard to forget someone from the past when that person has been the one you ever wanted in your future.