Four

206 3 0
                                    


Matapos kong makipag usap kay Ninong ay umalis rin agad ako. Kung maaari sana ay ayokong manatili doon, ang sinabi ko kasi kay Kesha ay saglit lang ako. Ayoko naman na paghintayin siya ng matagal dahil paniguradong magtatampo iyon.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Naisip ko kasi na isama si Kesha tutal ay pupunta ako ng mall. Kailangan kong bumili ng mga damit dahil ilan lamang ang damit na dinala ko. Hindi ko naman kasi akalain na magtatagal kami dito.

Nang makababa ako ng taxi ay agad akong dumeretso sa condo ni Julia. Hindi ko na kailangang kumatok dahil binigay naman na ni Julia sa akin ang pin ng condo nito.

"Mommy!" Masiglang sigaw ni Kesha ng makita niya ako.

Binitawan nito ang doll na hawak nito tsaka dali daling lumapit sa akin. Nakangiti lamang sa akin si Julia.

"Where's my ice cream mommy?" Kunot ang noo ni Kesha ng mapansin nitong wala akong ibang dala maliban sa bag ko.

"Bihis ka na baby, pupunta tayo sa mall. Doon na lang kita bibilhan ng ice cream tapos bili tayo ng damit mo." Sambit ko dito.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa sinabi ko. Mabilis ako nitong hinalikan sa pisngi tsaka tumatakbong pumunta patungo sa kwarto. Naupo naman ako sa tabi ni Julia.

"Bakit kayo bibili ng damit?" Kunot ang noo ni Julia habang nakatingin ito sa akin.

"Wala akong nagawa. Napapayag ako ni Ninong na tanggapin iyong offer." Mahinang sambit ko tsaka hinilamos ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Narinig ko ang mahinang pag singhap ni Julia. "Besties." Mahinang sambit ni Julia.

Tinignan ko ito tsaka mahinang tumango. "Alam ko besties. Kaya nga nais ko sana na habang ginagawa ko pa lang naman iyong mga plates ay kung maaari ay dito na lamang. Nang sa ganoon kahit papaano ay maiwasan ko siya." Sambit ko sa idea ko.

Maaari naman kasi na sa bahay na lamang ako gumawa ng plates. Iyon nga lang may mga araw parin na kailangan kong makipag kita kay Daniel. Kailangan ko rin siyang tanungin sa mga desenyo na naiisip nito. Ayoko naman kasi na basta basta na lamang gumawa ng plates. Atsaka kailangan ko ring makita iyong site. Kailangan kong malaman kong gaano kalawak iyon. Atsaka kailangan kong makita iyong site para naman magkaroon ako ng idea kahit papaano.

"Iyon ay kung papayag si Daniel." Mahinang sambit ni Julia.

"Mommy nibihis na ako." Sabay na napatingin kami ni Julia kay Kesha ng magsalita ito.

Nagpalit ito ng simpleng shirt atsaka short. May hairband din sa ulo nito. Naka rubber shoes ito.

Nakangiti itong lumapit sa amin ni Julia kaya naman hindi ko rin mapigilang mapangiti. "Hindi sasama si Ninang Ganda?" Tanong niya ng mapansin niyang nakapambahay parin si Julia.

Ngumiti naman si Julia tsaka mabilis na hinalikan ang pisngi ni Kesha. "Hindi ako sasama baby. Magwo work pa ako mamaya eh." Sambit nito kay Kesha.

Pupunta ito mamaya sa Asia's Infinite para kausapin si Ninong. May project kasi siya na katatapos lang nung isang araw. Balak niya sana na mag take muna ng leave. Nais niya daw kasing magpahinga. Pero ang sabi naman niya kapag daw natapos na niya ang dapat tapusin dun sa project namin with Daniel dun lang siya mag lileave.

Tulad nga ng naisip ko ay kasama ko si Kesha sa pamimili ng damit. Binilhan ko ito ng mga shirts at shorts na magustuhan nito. May ilan ilan ring dress ang nagustuhan ni Kesha kaya naman wala akong nagawa kundi bilhin din ang mga iyon. May mga hairbands din itong pinabili sa akin. Mahilig kasi itong magsuot ng hairbands.

Samantalang sando at shorts ang karamihan sa binili ko. Hindi na ako nag abalang bumili ng mga pants dahil naisip ko na sa bahay ko na lamang gawin ang mga plates. Bumili ako ng mangilan ngilan na dress nang sa ganoon ay may maisuot naman akong matino kung sakaling magkaroon kami ng meetings about the plates.

Matapos naming bumili ng damit ay dumaan kami ni Kesha sa isang ice cream parlor. Labis ang tuwa ni Kesha habang sinasabi niya sa waiter ang flavor ng ice cream na gusto nito.

Tulad kanina ay may mga napapatingin sa direksyon namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa maingay si Kesha habang nag kukwento o dahil sa kakaibang kulay ng buhok ko. Habang nasa Pangasinan pa kasi kami ay naisipan kong magpakulay ng buhok. Dahil may kaputian ako ay nagpakulay ako ng purple samantalang sa dulo naman ay pink. Ngunit dahil ilang buwan na ang nakalipas ay nagmukhang ombre ang buhok ko dahil sa tatlo nitong kulay. Black, purple and pink.

"Mommy you want?" Tanong ni Kesha sabay abot sa akin ng banana split na kinakain nito.

Umiling naman ako. Kumuha ako ng tissue tsaka pinunasan ang gilid ng labi nito. "No baby, busog na kasi si mommy." Sambit ko dito.

"Mommy birthday bukas ni Kendall. Bili kayo cake mommy, pwede?" Nakangusong sambit ni Kesha.

Natawa naman ako dahil sa tinuran nito. Kendall ang pangalan ng paborito nitong doll. Ilang beses na akong bumili ng cakes dahil daw birthday umano ng mga laruan nito.

"Ok, bibili si mommy bukas ng cake for Kendall." Nakangiting sambit ko.

Napangiti naman ito sa tinuran ko tsaka nakangiting niyakap ako. "I love you mommy." Sabi nito habang yakap yakap parin ako.

Niyakap ko rin ito pabalik. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng mapatingin ako sa glass wall ng ice cream parlor.

Kahit ilang taon na ang nakalipas ay walang pinagbago ang itsura nito. Kahit pa nag matured ang mukha nito ay hindi parin ipagkakaila ang pagiging gwapo nito.

Hindi ko mapigilang maluha ng makita ko kung sino ang kasama nito. Walang iba kundi ang asawa nito, si Sarah. Naka pulupot ang kamay ni Sarah sa bewang ni Daniel.

"Babe, kilala mo ba iyon?" Tanong ko kay Daniel habang palihim na tinuturo iyong babae na nakaupo sa hindi kalayuan sa table na kinauupuan namin ni Daniel.

Napatigil sa pagkain si Daniel tsaka nilingon ang babae na tinutukoy ko. Nakita ko na natigilan saglit si Daniel ngunit mabilis niya rin akong nilingon. "Ah o-oo. B-Blockmate ko siya sa ilang subjects." Sambit nito tsaka mabilis na itinoon ang tingin sa pagkain nito.

Napatango naman ako. "Ganoon ba? Ang wierd niya ah." Wala sa sariling sambit ko tsaka ipinagpatuloy na ang pagkain.

Napa angat ang tingin sa akin ni Daniel. Bakas ang pag aalala sa mukha nito. "B-Bakit? M-may ginawa ba siya sa iyo?" Tanong nito.

Natawa naman ako sa reaksyon nito kaya naman mas lalong kumunot ang noo nito. "Wala noh." Tanging nagawa kong sabihin.

Ayoko namang sabihin dito na lagi kong nakikita ang babaeng iyon tuwing may date kami ni Daniel. Tuwing lalabas kasi kami ni Daniel ay lagi kong nakikita ang babae. Kapag nagkasalubong ang tingin naming dalawa ay ngingisi ito sa akin o kaya naman ay iiling ito.

Wala sa sariling napatingin ako sa babae. Mabilis na nagtama ang tingin namin ng tumingin ako sa kaniya. Tulad ng lagi nitong ginagawa tuwing nakikita ko ito ay ngumisi ito sa akin bago umalis.

Nakita ko na pumasok sila sa bookstore na nasa tapat lang din ng ice cream parlor kung nasaan kami ni Kesha.

Mabilis na humiwalay ako kay Kesha tsaka nagmamadaling kumuha ng pera sa wallet ko.

"Niaalis na tayo Mommy?" Kunot ang noo Kesha ng tanungin niya ako.

Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang isang libo tsaka dali daling kinuha ang mga paperbags na pinamili namin kanina.

"Halika na baby. Sumakit ang tiyan ni mommy." Pagpapalusot ko dito.

Nakita ko naman ang pag aalala nito sa akin. "Sinakit tiyan mo sa ice cream mommy?" Tanong niya kasabay noon ang pagtayo sa kinauupuan nito.

Tumayo narin ako sa kinauupuan ko. Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang kamay ni Kesha. "Oo baby, uwi na tayo ah." Sambit ko.

Tumango naman ito. Yumuko ako tsaka hinalikan ang noo nito. I'm sorry baby.

Take A Chance (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon