Six

216 6 0
                                    


"Bro."

Nabalik ako sa katinuan ko ng may tumapik sa balikat ko. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni David. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko tsaka sinabi sa bartender ang alak na order nito.

Muli kong itinoon ang tingin ko sa baso ng alak na hawak ko. Hindi ko alam kung may karapatan ba ako sa nararamdaman ko o wala. Ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong maguluhan. Maraming mga katanungan ang bumabagabag sa isip ko. Na hindi ko sana mararanasan kung hindi kami muling nagkita ni Kathryn.

Nakakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit si Kathryn pa ang naisip kong kunin para sa resort na balak kong ipatayo. Sa katunayan nga ay may nirerekomenda si David na architect and engineer ngunit hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko that time at tinake down ko ang offer nito.

"Problem?" Rinig kong tanong ni David.

Napalingon ako kay David ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kong may babaeng naka upo sa hita nito at malayang hinihimas ni David ang binti ng babae. Napailing na lamang ako at muling itinoon ang tingin sa baso ng alak na hawak ko.

Hindi parin siya nagbabago. Kahit na kasal na ito ay nagagawa parin niyang mambabae. Palibhasa ay kung hindi nito nabuntis ang babae ay hindi pa nito iyon pakakasalan.

"Sht. Mukha kang problemado sa lovelife." Rinig kong muling sabi ni David kasunod ng malakas na pagtawa nito.

Umayos ako ng upo. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakaharap na ako kay David. "Remember Kathryn?" Mahinang tanong ko ngunit sapat na para marinig niya.

Nakita ko kung paano siya natigilan at paano mawala ang ngiti sa labi nito. May binulong siya sa babaeng kandong kandong niya. Maya maya ay umalis na ang babae dahilan para maiwan kaming dalawa. Mabilis na nag order ito ng alak sa bartender. Pagkatapos ay tsaka lamang siya humarap sa akin.

"Of course." Tanging sinabi niya.

Mula sa librong binabasa ko ay napaangat ang tingin ko ng makarinig ako ng pagkalampog. Padabog na inayos ni David ang isang upuan sa harap ko bago sumalampak sa upuang iyon.

"That girl." Rinig kong bulong niya. Halata sa itsura nito ang galit na nararamdaman niya.

Natawa naman ako ng mapansin kong namumula ang kanang pisngi niya. Sinamaan naman niya ako ng tingin ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Nasampal ka?" Natatawang tanong ko sa kaniya kahit na halata naman ang sagot sa tanong ko.

Inis na nag iwas ito ng tingin sa akin tsaka maingat na hinawakan niya ang namumulang pisngi.

"Sino sa mga babae mo ang sumampal sayo? Hanep sumampal ah. Hanggang ngayon namumula pa rin." Pang aasar ko sa kaniya bago muling tumawa.

Mabilis na dinampot niya ang libro na nakapatong sa table at buong lakas na itinapon sa akin. Mabuti na lamang ay mabilis kong nakuha ang balak nitong gawin kaya naman naka iwas ako.

"Naaalala mo iyong pustahan namin ni Jason?" Asar na sambit nito.

Napatango naman ako. Ang tinutukoy nitong pustahan ay tungkol doon sa isang third year college na babae, kailangang mapasagot ni David ang babae at kailangan ring tumagal ang relasyon nila ng tatlong buwan. Pagkatapos ng tatlong buwan ay saka lamang niya hihiwalayan ang babae. Nagpustahan sila kung magagawa ba iyon ni David o hindi.

"Ano namang meron dun?" Kunot noong tanong ko. Sa pagkakatanda ko ay wala pang isang buwan mula ng mapasagot niya ang babaeng iyon.

Iritadong hinampas ni David ang mesa. "Bwisit na babaeng iyon, hiwalayan ba naman ako sa harap pa mismo ng maraming tao. Ang malala ay sinampal pa ako." Galit na sambit niya.

Napangisi naman ako. "Ibig sabihin ay talo ka sa pustahan?" Tanong ko.

Iritadong tumango ito. "Sht talaga. Malalagot ako nito kay Dad sa oras na malaman niyang wala na sa akin ang bagong sports car na binili niya noong nakaraang linggo." Problemadong sambit niya.

Ipinagpusta niya kasi ang bagong biling sport cars kay Jayson. Malakas kasi ang loob niya na mananalo siya sa pustahang iyon kaya naman ganoon na lamang ang galit niya dahil hindi siya nanalo sa pustahan.

"Paniguradong kukunin na ni Jayson iyong kotse mamayang hapon." Saad ko.

Problemado ang buong itsura ni David matapos niyang marinig ang sinabi ko. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay malamang tinatawanan ko na ito sa itsura niya.

Iritadong ginulo ni David ay buhok niya. "Fck. Baka palayasin ako ni Dad pag nagkataon. Kinuha pa naman ni Dad lahat ng credit card ko." Mahinang saad niya.

Kinuha ni Tito ang credit card niya noong isang araw lamang. At sa pagkakatanda ko ay ibabalik lang ni Tito ang credit card ni David kung nagtanda na si David. Paano ba naman mag uuwi na nga lang ng babae iyong araw pa na nasa mansyon ang Dad niya. Isama pa na bumagsak ito sa dalawang subject niya.

Ngumisi naman ako tsaka inayos ang mga libro na nasa mesa. "Problema ba iyon? Sa dami ng mga babae mo paniguradong may kukupkop sa iyo noh." Nakangising sambit ko.

Mabilis naman niya akong sinamaan ng tingin. "Sa tingin mo may tatanggap pa sa akin kung kumakalat na sa buong university iyong kaguluhang ginawa nung babaeng iyon. Ang lakas ng loob niyang sampalin ako sa harap ng maraming tao. Hindi lang iyon, tinuhod pa niya ang pagkalalaki ko. Tang'na niya." Asar na sambit nito.

Mahinang napatawa naman ako. Ito kasi ang kauna unahan na may gumawa ng bagay na iyon. "Ano nga ulit pangalan nung babae na tinutukoy mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Kathryn." Tanging sagot nito.

Napakunot naman ako ng noo. "Iyong magaling sa pagpana?" Muling tanong ko.

Bahagyang tumango si David bilang sagot sa tanong ko. "Bwiset. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Dapat makabawi ako." Seryosong saad niya.

Napailing naman ako tsaka umayos ng upo tsaka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro.

"Malabong mangyari ang gusto mo. Iyong tipo pa naman niya ay iyong maangas. Hindi iyong basta basta iiyak kung physical pain lang. Emotional pain baka pwede pa." Wala sa sariling sabi ko.

Nagulat na lamang ako ng bigla akong yakapin ni David. Malawak ang ngiti sa labi nito. Hindi alintala sa mukha nito ang ptoblemang kinakaharap niya.

"Napaka talino mo talaga bro!" Nakangiting sabi niya. Maya maya ay napalitan ang ngiti sa labi nito ng ngisi. "I need your help bro." Nakangising sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko. "Ano namang maitutulong ko sa iyo?" Tanong ko.

"You will make her fall in love with you." Nakangising sambit nito.

"She's back." Hindi tanong kundi siguradong sigurado na saad ni David.

Bahagya akong tumango tsaka nag iwas ng tingin. Mabilis na ininom ko ang alak na hawak ko. Agad kong naramdaman ang pait sa lalamunan ko.

"Anong balak mo?" Maya maya ay sabi ni David.

Muli akong uminom ng alak. Bago lumingon sa kinauupuan ni David. "I will make her mine again." Sagot ko.

Sunod ko na lamang naramdaman ay ang mahinang pagtapik ni David sa balikat ko. "Goodluck bro. Just remember, never give up on anything that you wanted for so long." Nakangiting sabi niya.

Take A Chance (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon