Nang patayin ko na ang makina ng sasakyan ay agad kong napansin na bukas pa ang ilaw sa sala. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Lumabas ako ng sasakyan dala dala ang suitcase ko.Nang makapasok ako ng bahay ay agad na bumungad sa akin si Sarah na masama ang tingin sa akin. Tulad ng inaasahan ko.
"Ginabi ka na naman." Narinig kong sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Inilagay ko ang suitcase na dala ko sa sofa tsaka dumeretso sa kusina habang niluluwagan ang neck tie na suot ko.
"Wala ka man lang sasabihin? Naghintay ako ng ilang oras tapos wala man lang pala akong mapapalala." Narinig kong sabi nito. Malapit lang ang boses nito kaya naman sa tingin ko ay sinundan niya ako hanggang sa kusina.
Tulad ng naka ugalian ko ay hindi ko siya pinansin. Itinoon ko na lamang ang atensyon ko sa pag inom ng tubig.
"Hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin?!" Galit na sabi nito.
Inilagay ko ang basong pinag inuman ko sa lababo tsaka naglakad palabas ng kusina. Ngunit bago pa ako makalabas ng kusina ay naramdaman ko na agad ang kamay nito sa braso ko.
"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" Galit na sambit nito.
Marahas na tinabig ko ang kamay nito na nakahawak sa kamay ko. Kasabay noon ang pagtingin ko sa kaniya ng masama.
"Ikaw ang may gusto nito diba? Magmula ng ipagkalat mo sa lahat na kasal na tayo ay binago mo ang pagtingin ko sa iyo. Hindi ko alam na ganyan ka kadesperada para sabihin sa mga magulang ko na nabuntis kita kahit na ang totoo ay wala namang namagitan sa atin. Napaka desperada mo." Mariing sambit ko bago ko siya talikuran.
"May balita na ba?" Tanong ko kay David.
Nakayuko itong umiling bago ito nag angat ng tingin. "Hindi rin daw alam ng mga kamag anak niya kung saan na siya nakatira." Balita nito.
Mariing napapikit ako. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng parang bula na nawala si Kathryn. Ni wala man lang itong dinabi sa akin bago ako nito iwan.
"Pero may nalaman ako na alam kung makakasagot sa iyo sa ilang katanungan na bumabagabag sa isip mo."
Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang sinabi nito. Nanatili akong tahimik, hinihintay na ituloy nito ang nais niyang sabihin.
"Isang blockmate ni Kathryn ang huling nakakita sa kaniya. Ang sabi nito ay nakita niya si Kathryn ng araw na iyon sa parking lot. Kausap pa nga daw ni Kathryn si Sarah. Ang tangi niya lamang daw narinig ay may lihim na ibubunyag si Sarah. Hindi na siya nag abalang makinig dahil wala siyang karapatang malaman ang lihim na iyon."
Pagkarinig ko sa sinabi nito ay mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo tsaka dali daling kinuha ang susi ng sasakyan ko.
"Teka bro, saan ka pupunta?" Maagap na tanong ni David.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay pinagpatuloy ko ang paglalakap ko palabas ng bahay.
"Sht."
Narinig ko pa ang malutong na mura nito bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Dali dali kong tinungo kung saan naka park ang kotse ko. Ng makasakay na ako sa kotse ay hindi na ako nag abalang mag seatbelt. Halos paliparin ko na ang sasakyang mina maneho lo sa bilis ng pagmamaneho ko.
Dumeretso ako sa isang mamahaling restaurant. Kung saan magaganap ang family dinner sana namin kasama ang magulang ni Sarah. Hindi na ako nag abalang pumunta sa salo salong iyon. Ngunit akalain mo nga naman dun din ang bagsak ko.
Nang mai park ko na ang sasakyan sa harap ng restaurant ay dali dali akong pumasok ng restaurant. Agad na sumalubong sa akin ang isa sa mga crew ng restaurant na ito.
Sinabi ko ang apelido ng magulang ko. At tulad nga ng inaasahan ay iginayad ako ng crew patungo sa table nila Mom. VIP ang kinuhang table nila Mom kaya naman malayo layo ito sa ibang mesa.
"There he is." Nakangiting sabi ni Mom ng makita ako.
Agad naman na napatingin sa akin ang lahat. Bakas sa mukha ni Sarah ang gulat. Ang alam kasi nito ay hindi ako pupunta. At ganoon din ang balak ko sana.
"D-Daniel." Bakas ang gulat sa boses nito habang sinasabi ang pangalan ko.
Inilang hakbang ko ang pagitan namin tsaka marahas itong hinawakan sa braso at pinatayo. Na siyang naging dahilan para mapa aray ito sa sakit. Narinig ko ang pagtawag ng mga kasama nito sa pangalan ko. Malamang ay nagulat sa ginawa ko.
"Anong sinabi mo kay Kathryn?" Madiing tanong ko sa kaniya.
Mabilis naman na naglandas ang mga luha mula sa mata niya. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mahinang pagtanggi nito ngunit mabilis itong nag iwas ng tingin ng titigan ko ito sa mata.
Muli itong napa aray ng mapadiin muli ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Damn you! Wag mo akong gawing tanga! Alam ko na kinausap mo siya bago siya umalis ng walang paalam! Now tell me, anong sinabi mo sa kaniya?!" Galit na asik ko sa kaniya.
Alam ko na nakaka kuha na kami ng atensyon mula sa iba pang customers ngunit sa mga oras na ito ay wala na akong pakialam sa bagay na iyon. Gusto ko lang malaman kung anong sinabi nito. Maaaring iyon ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang umalis si Kathryn.
"Cat got your tongue?" Mariing sambit ko tsaka muling diniinan ang paghawak ko sa balikat niya. Alam ko na mamumula ito ng husto sa oras ng bitawan ko. Pero wala akong pakialam. Sa katunayan ay kulang pa ang ginagawa kong ito kumpara sa sakit na idinulot nito sa amin ni Kathryn.
Mabilis kong naramdaman na hiniwalay ako ni Dad kay Sarah. Mabilis naman na dinaluhan ni Tita Vie si Sarah na ngayon ay umiiyak na habang hawak hawak ang brasong hinawakan ko kanina.
Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Dad. "Wag kang umiyak diyan! Wala kang karapatang umiyak dahil hindi naman ikaw ang biktima dito!" Sigaw ko sa kaniya habang nagpupumiglas parin mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Dad.
"Daniel! Tumigil ka nga! Baka ano pang mangyari sa ipinagbubuntis niya!"
Para akong binuhusan ng yelo ng marinig ko ang sinabi ni Mom. Binigyan ko ito ng kunot noo habang nagtatanong ang mga mata. "W-What?" Gulat na tanong ko.
"Buntis siya, Daniel. At ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya." Seryosong saad ni Mom. "Nakapag disesyon na kami ng Dad mo. Pakakasalan mo siya. Ayaw naming lumaki ang bata ng walang kinikilalang ama." Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Take A Chance (KathNiel)
FanficIt's hard to forget someone from the past when that person has been the one you ever wanted in your future.