19. Bring It On!

1K 61 49
                                    

Chapter Nineteen
Bring It On!

HINDi pa rin tumitigil sina Brent at Reg sa katatawa dahil sa sumalubong sa kanilang kanta. Ano bang meron at parang tinutukso at pakiramdam nila ay pinaglalaruan sila ng pagkakataon?

"Grabe! Ayos din kayo mag-welcome ng guest, ano?" ani Reg habang nagtatanggal na ng sapatos.

"Wala akong alam d'yan 'no?" sagot naman ni Brent. Nagtatanggal na rin siya ng sapatos atsaka iniwan sa shoe rock sa gilid ng pintuan. "Pero sa tingin ko alam ko kung sino ang salarin," pagpapatuloy niya habang inaabot na kay Reg ang isang pares ng malinis na indoor slipper para gamitin nito habang ang musika ay patuloy pa rin sa pagtunog.

"Come in," ani Brent.

Sumunod naman si Reg na napapabuntonghininga. Dumeretso si Brent sa sofa upang ilapag doon ang mga gamit nila at kanyang agad na nilapitan si Reg na sinisipat na ang mga trophies and medals na maayos na naka-display sa isang istante. Na-curious si Reg sa mga iyon kaya ang mga ito'y pinagmasdang agad ng huli.

"E-tonics-- International Excellence Awards..." marahang basa ni Reg.

"Hey! What's up?" sansala ni Brent.

"Ano ang mga ito, Brent? Ang dami?"

"Uhm! Wala naman. Halo-halo na 'yan." Iniihipan ni Brent ang de salaming plaque, "'yong ilang awards na nakuha ni kuya no'ng nag-i-studies pa kami and'yan pati mga awards na nakuha ng kompaya nand'yan lahat."

"E-tonics?"

"Yup! Sa U.S. ang mother branch n'yan. Best leading electronics provider. Then, no'ng buhay pa si dad sinikap niyang kumuha ng franchise. Nakuha naman niya ang gusto n'ya at tinatrabaho ko hanggang ngayon-- ako ang nagpatuloy."

Naka-side view si Brent at matamang tinititigan lang ni Reg ang mukha niya habang siya ay nagpapaliwanag.

Biglang iwas ng tingin ang dalaga nang sandaling humarap na siya rito. Pero nahuli niya ang tinging iyon kaya bahagya siyang napangiti. Patay malisyang itinuloy niya ang pagku-kwento.

"E-tonics ang nagsu-supply sa karamihan sa mga call centers dito sa Pinas para sa mga audio communications equipment, mga gadgets like headsets at iba pa."

Humalikipkip si Brent matapos na magsalita pero ang pilyang si Reg na humarap sa kanya ay humalukipkip din at tumingin pa sa kanya. Waring sinasabing-- magkwento ka lang. Makikinig ako.

"We have two stores," pagpapatuloy naman n'ya. "Ang isa ay nasa Makati at si Uncle Rey ang nagma-manage. Si dad kasi pinili niya ang Pasay, so 'yon. Isa pa, ando'n din kasi ang business ni mommy so para isang building lang. It's a 6-storey building. The last floor which is the last floor is the recreational area. All of our events do'n na ginaganap. Fifth floor belongs to dad's office pero bakante lang iyon ngayon."

Nagsimulang maglakad si Brent katabi niya ang kasama pa rin niyang naglalakad na si Reg. Nakahalukipkip pa rin sila.

"Ayokong gamitin 'yon because for me, I know hindi ako worthy. I mean, hindi ko mapapantayan ang husay ng ama ko. Tapos, the 4th and the 3rd, 'yon, office na iyon ng E-tonics. Second floor naman is my mom's Dental clinic. And yes, she's an Orthodontist. Then, ang first floor pinaupahan ni mom sa bangko. That's all-- and I thank you. Bow!" pagtatapos ni Brent na kunwari pang yumuko.

"Wow! Bigatin pala kayo!"

"Hindi naman. Sapat lang. At isa pa, mas marami pa d'yan ang mas bigatin kesa sa'min, 'no?"

"But, where's your mom?" Naupo na si Reg. Tinabihan ang bag nito.

Tumabi naman dito si Brent bago sumagot. "She's in the States. Lumala kasi ang lagay ng kuya. He needs mom kaya... there. Five years ago namatay si dad and year after that kailangang lumipad si kuya sa States. So that's it. Get's mo ba? Pasensya na pagod at gutom na kasi ako."

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon