21. I'll Make Love To You

1K 53 63
                                    

Chapter Twenty One
I'll Make Love To You

IPINILIG ni Reg ang ulo saka bumulong.

Teka ano ba naman itong pinag-iisip ko? Hindi naman ito pagnanasa, hindi ba? Katunayan lang ito na babae pa rin ako at attracted pa rin ako sa lalaki. Hay! O siguro, lasing lang ako. Pero, tama na, okay? Magbabago ka na Reg, hindi ba? Tama na ang kay Liam, okay? 

Pilit niyang iwinawaksi ang masamang isiping iyon para sa kaharap at salamat na lang at ito na ang nag-umpisang muli ng usapan.

"Kaya hindi lang ikaw ang nagre-reflect ngayon, Reg. Ako rin. I know something is wrong between Candice and me at iyon ang pinag-iisipan ko ngayon. I was thinking, gano'n ba talaga 'yon-- na hindi talaga batayan ang mahabang panahon para magkasundo ang dalawang tao? Lalo kung hindi na kayo nagkakaintindihan o ang isa ay sumusuko na--? Ang pisi pala kahit gaano kahaba ay may katapusan din."

"Yes, and even the road has an end-- dead end!" salo n'yang agad sa sinabi ni Brent.

Nagkatinginan ulit sila.

"Alam mo, Brent. Lasing ka lang siguro kaya mo nasasabi 'yan o 'yan nga ba talaga ang gusto mong sabihin?"

Nakangisi pa siya nang magtanong pagkatapos ay uminom siya ng wine pero nagulat siya nang biglang tumalon si Brent paupo sa mismong bato na nagsisilbing harang mula sa taas pababa.

"Hoy! bumaba ka riyan!"

Napasigaw na nga siyang talaga dahil sa takot.

"Bakit? Bawal ba maupo rito?" takang tanong naman nito. "Concern ka?" pilyong tanong pa nito na prenteng-prente sa pagkakaupo, na isang maling galaw lamang ay tiyak na pupulutin ito sa ibaba. Swerte na kung ito ay mabubuhay o mababalian lamang ng buto.

"Hindi ako nagbibiro! Bumaba ka sabi! Hindi mo ba alam na delikado 'yang ginagawa mo tapos nakainom ka pa!"pagmamando niyang muli na galit nang inilapag ang baso sa balkunaheng bato.

"E kung ayoko?" pagmamatigas naman ni Brent na nakuha pang bahagyang lumiyad saka nagbiro. "Tulong! Malalaglag ako! Tulooong!"

Naningkit ang mga mata ni Reg. "Bwisit kang lalaki ka!" Agad na siyang lumapit dito at buong lakas itong hinila matapos kwelyuhan. At nang dahil sa pwersang pinawalan ay magkasabay silang lumagapak sa sahig. Patihayang sumayad ang katawan ni Reg una ang pwet.

Hindi naman ito akalaing gagawin ni Brent kaya dala nang labis na pagkagulat kaya napatangay ito sa dalaga.  

Padagan itong lumanding sa ibabaw ni Reg.

Nakapikit silang pareho na sabay ding nagmulat nang maramdaman ang kanilang posisyon. Takang napatitig sila sa isat-isa. Isang thumb finger lang ang pagitan ng mga labi nila.

"O-okay ka lang? Ang ulo mo?" Ang may pag-aalalang tanong ni Brent. Gamit ang kamay ay kinapa nito ang likurang ulo niya.

Hindi pa rin sila tumitinag.

Nagustuhan ba nila ang posisyong iyon?

"O-okay lang," kinakabahang sagot ni Reg. Nagregudon na naman ang puso n'ya. Parang halimaw na gustong makawala sa hawla.

Tinakasan ba siya ng lahat ng uri tapang ngayon?

Isang anghel ba naman ang nasa kanyang harapan. Paano siyang titinag? Walang magandang gawin kundi tumitig sa maganda nitong mata na para siyang hinihipnotismo.

Pero, chorus ng isang pamilyar na awitin lang pala ang magpapabalik ng kanyang ulirat.

 I'll make love to you
Like you want me to
And I'll hold you tight
Baby all through the night
I'll make love to you
When you want me to
And I will not let go
'Till you tell me to

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon