26. Goodbye and Surrender

888 50 8
                                    

Chapter Twenty Six
Goodbye and Surrender

"BAKIT ba kasi pinipilit mo na namang umakyat mag-isa? Kagabi ka pa, ha!" naiinis na bulyaw ni Brent kay Reg.

Nakatayo silang pareho sa unang baytang ng hagdan. Nakapamewang si Brent na animo'y may pinapagalitang bata na  mahigpit na nakahawak sa gabay ng hagdan.

"Kukunin ko nga sabi ang mga gamit ko. Ang kulit mo naman e!" tugon naman ni Reg.

Ngayon ang araw na ipinangako nitong uuwi sa Kuya nito.

"Ako na nga lang ang kukuha."

Akmang sasampa na si Brent paakyat pero pinigilan siya ni Reg sa braso.

"Hibang ka ba! Hindi p'wede 'no. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko. Lalo na ang mga personal na gamit ko. Hindi naman ako papayag na hawakan mo ang mga undies ko ano!" umuusok ang ilong na paliwanag ni Reg.

Napabuga na lang ng hangin si Brent. May point naman kasi si Reg.

"Fine. Pero hindi ka aakyat ng ganyan," aniya at pagkatapos ay dali-dali ng binuhat si Reg bago pa man ito magsalita na muli.

"W-wait! Hoy! A-anong-- ibaba mo nga ako ulupong ka. Kung hindi sisipain kita pababa. Hoy!" hiyaw ni Reg.

Pero wala na itong  nagawa pa at kesa malaglag ay kumapit na lang ito nang mahigpit sa kanya.

Tumigil ang bibig ni Reg sa kadadaldal kasabay nang pagtigil ng paghinga nito habang sila ay pataas nang pataas.

Hindi sinasadyang magkatinginan sila. Pero kung noon na parang allergic sila sa pagtatama ng kanilang mga mata ay iba ngayon, isama pa ang background music na malamang ay si Tiffany na naman ang may gawa.

Take me to your heart,
Show me where to start,
Let me play the part of your first love

~~

KAY gandang mga mata ang nakikita ni Reg. Minsan lamang ito mangyayari kaya bakit siya iiwas?

Gumana na naman ang isip n'ya. Pakiwari n'ya ay para silang bagong kasal na tinutungo ang kanilang silid.

Hindi niya alam kung ano ba ang nakikita ni Brent sa mga mata niya. Wala siyang ideya.

Kaya bago pa niya pahiran ang mga mata na iniisip niyang baka may muta ay nag-mental note na siya.  Tatandaan ang tinging iyon ng binata sa kanya. Tingin na nakapanghihina, tingin na nagsusumamo. At kung bangag man siya sa gamot kaya niya naiisip ang mga ito ay wala siyang pakialam.

She only wants to savor the moment. Dahil alam din niya na may katotohanang naghihintay sa kanya pagdating niya sa Maynila.

Kumalas na siya sa pagkakakapit kay Brent nang sila ay makapasok ng silid. Inilapag na rin s'ya ni Brent sa kama. Naupo siyang ang mga paa ay nakasahod sa sahig saka tinignan si Brent na tumalikod na.

"Thank you," usal niya.

Lumingon sa kanya si Brent at ngumiti bilang tugon. "Pasensya na, may kabigatan na 'ko. Hindi na ako nakakapag-gym e. Kaya nga ayaw ko sanang magpabuhat sa'yo," paliwanag n'ya pa. Tuloy ang nasa pintuan ng si Brent ay napaharap na bigla saka nagsalita.

"Oo nga e. Ang bigat mo. Bayaan mo, sasamahan kita mag-gym kapag okay ka na."

"Sorry rin kasi nang dahil sa akin mapapauwi ka ng Manila nang 'di oras. Alam ko namang gustong-gusto mo pa sanang mag-stay."

"No. Actually, it's not that I want to stay. Inaalala ko lang ang paa mo. Baka kailangan pa ng ilang araw para tuluyang gumaling."

At ito'y tuluyan nang tumalikod. Naiwan naman siyang nakatingin sa lumalayong likod ng binata saka bumuntonghininga.

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon