Simula

2.9K 107 84
                                    

Ano ba kasi ang love na 'yan, na kung wala ka ang pressure ay mas mataas pa sa height mo.

Nakakalunod!

Kung p'wede lang hanapin si Dora at hiramin ang map n'ya baka sakaling makita ko na ang the one ko.

LOVE is...

Naalala ko naman ang nabasa kong definition ng love sa internet kanina pero hindi ko siya masaulo.

Hay! Mamaya na nga, nagmamadali pa ako.

Papunta akong gym. Siyempre kahit naman single dapat papasang pang-jowa ang body ko.

At nang dahil sa labis na pag-iisip hindi ko namalayang napalayo na pala ako sa bangketa.

Hanggang sa...

Anak ng pitong baka na walang jowa!

"Aaaahhhh!"

Isang bisikleta ang paparating. Sobrang tulin! Sa tantiya ko ay mga dalawang dipa na lang ang layo nito sa akin at mabilis pang lumalapit.

Tarantang napaatras ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang sige pa rin ang pag-abante ng bisikleta na tila ako talaga ang tutumbukin.

"Aaahhh! Miss, tabi! Tabi!" sigaw ng nagmamanehong lalaki na nakasuot ng plain black fase mask.

Nawalan ba ito ng preno? Pero bakit sa 'kin n'ya napiling ibunggo ang bike n'ya?

At parang huli na ang lahat. Sa sobrang bilis kasi nito ay duda akong makaiwas pa.

Sinubukan kong pumikit habang nakatayo at hindi na makakilos. Naramdaman ko ang hangin na mabilis na dumaan sa magkabilang gilid ko. Mas lalo akong kinabahan sa pwersang paparating. Pero nang tila wala namang nangyari sa akin matapos ang dalawang segundo ay lakas loob akong dumilat.

Una ay kanang mata, sumunod ang kaliwa. At sabay na nanlaki ang mga iyon nang makita ko kung paano dumausdos ang bisikleta sa harapan ko.

Nakita ko naman din ang effort ng lalaki at kung paano nito sapilitang pinahinto ang bisikleta gamit ang mga paa nito na iginasgas sa lupa. Dahilan para ang unahang gulong nito ay huminto sa pagitan ng aking mga hita.

Halos tumama pa ang manibela nito sa bandang puson ko. Habang muntik naman kaming magkauntugan ng lalaking nagmamaneho nito.

Abot langit ang kaba na naramdaman ko! At walang parte ng katawan ko ang hindi pinagpawisan.

Ilang tao ang nakiusyoso sa amin pero nagsialis din kalaunan dahil wala ang sa amin ay nasaktan.

Nakasakay pa rin sa bike nito ang lalaki. Hinihingal itong nakatitig sa akin. Namimilog naman din ang mga mata kong nakatitig din dito. Ang malakas na pagtibok ng puso ko ay tila dumoble pa dahil sa mga tinging iyon ng lalaki. Tila ba't nakita ko na ang dalawang magagandang pares na mga matang 'yon.

"Are you okay?" tanong nito na halos hindi maintindihan dahil sa suot nitong mask. Saka ako sinuri ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mukha ba akong okay! Muntik mo lang naman kaya akong sagasaan at hatiin sa gitna!" singhal ko rito. "Ilayo mo na nga sa 'kin 'yang bike mo!"

Sa wakas nakatakas na ako sa mala-hipnotismong pagtitig nito.

Sumunod naman ang lalaki. Dahan-dahan itong umatras kasama ang bisikleta para alisin ang unahang gulong nito na pumagitna sa mga hita ko.

"Hindi ka ba marunong mag-bike? Huwag kang magbisikleta kung hindi ka marunong. Makakasagasa ka pa e!" sermon ko. Bad trip kasi. Kung minamalas naman talaga oh.

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon