17. Ice candy or Eye Candy

1K 60 39
                                    

Chapter Seventeen
Ice Candy or Eye Candy

"Manang Tess, pabili nga ng ice candy, tatlo!" sigaw ni Reg sa tinderang imbes nagbabantay ng tindahan ay nasa loob at nagco-computer. Nasisilip kasi niya ito habang nilalaro ang bigas na nasa kanyang harapan.

Kasalukuyan siyang nasa kalapit nilang tindahan at hindi na naman naiwasang kausapin ang sarili.

Lahat na lang nagmamahal. Bigas, tubig, kuryente-- ako na lang hindi. Napatigil siya sa pag-iisip nang sumigaw si Aling Tess buhat sa loob.

"Anong flavor?"

"Nanloloko yata kayo Manang, e chocolate flavor lang naman ang tinda niyo!" sigaw n'ya pabalik.

Matapos n'yang magbayad at makuha ang binili ay naglakad na siya palayo habang sumisipsip ng ice candy.

"Ay kabayong bundat!" sigaw na naman n'ya. Sa gulat ay muntik pa niyang mabitiwan ang dalawang reserbang ice candy na dala-dala niya. May bumusina kasi sa kanya buhat sa likuran.

Nilingon niya ang kotse at napangiwi ang nguso niya nang salubungin ng liwanag ng ilaw ang mata niya. Hindi tuloy niya mapagsino ang nasa loob nito.

Tumabi siya't huminto sa bangketa. Huminto na rin ang sasakyan na katabi n'ya lang.

Habang subu-subo ang ice candy ay napasimangot s'ya nang makita ang taong unang lumabas ng sasakyan.

Si Brent.

Nakangiti itong isinara ang kotse atsaka tinungo ang lugar niya. Lumabas na rin si Toto na tinapunan lang ng tingin ni Reg. Ngumiti lang naman ang bunso niyang kapatid sa kanya saka naglakad na papunta sa bahay nila na hindi kalayuan sa pinagparadahan ng sasakyan.

Umikot ang mata ni Reg pakanan habang nasa kanyang kaliwa naman ang binata.

"P'wede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang. May sasabihin lang ako and it won't take long."

Tila nagustuhan naman ni Reg ang tonong iyon ng binata na para bang sinusuyo siya. Pero bakit? She scratched the idea that he's courting her. Sa tingin kasi niya ay hindi 'yon mangyayari.

"Ano 'yon?" wala sa loob na tanong niya sabay sandal sa gilid ng sasakyan ni Brent. Busy siya sa pagkain ng ice candy kaya naman hindi na niya nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi ng binata na kalauna'y tumabi na rin sa kanya at nakisandal.

"Ice candy?" pang-aalok niya rito nang hindi tumitingin sa mukha nito.

"Sige ba." Kinuha ni Brent ang isang ice candy na mabilis nitong nabuksan gamit ang ngipin. "Salamat."

Naubos na ni Reg ang una n'yang ice candy kaya binuksan na niya ang isa pa. Magkasabay sila ni Brent na ngumangasab ng malamig na pagkaing iyon.

"P'wede ka ba? Ayain sana kita magbakasyon?" walang anu-ano'y tanong ni Brent.

Ano raw?

Hindi pa mag-sink in sa kanya ang biglaang pagtatanong ng binata kaya tinapunan na niya ito ng tingin. Nakita pa niyang nakasubo ito ng ice candy at nilingon din siya.

Parang eye candy si Brent sa tingin niya.

"Seryoso ka ba? Ako, yayayain mong magbakasyon? Bakit ako?" seryoso pa sa lahat ng seryoso na tanong ni Reg.

Hininto niya sandali ang pagkain ng ice candy. Ibinaba ang dalawang kamay. Umalis sa pagkakasandal, dumako at tumayo sa harapan ng binata. Dumeretso naman nang tayo si Brent habang nanatiling nakasandal sa sasakyan.

"Gusto kong may kasamang nakakatawa. At isa pa naisip ko, we're both broken. So, might as well go somewhere else at sabay na mag-move on..."

"Ba't hindi ka magsama ng clown! And for your info Mister, I'm not broken-- just bent," sagot na bigla ni Reg at nang makitang nalulusaw na ang ice candy na nasa kanyang kamay ay agad na niya iyong inubos.

I Got You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon