Chapter 2- Alden

865 21 0
                                    




MAINE

"Hello, Maine!"

"Hi Maine, nice vids!"

"Maine, tara dubsmash tayo!"


Aba bakit pati buong school namin ay binabati ako? Tungkol nanaman ba ito sa video na pinost ko?


"Hello earthlings. Good morning!" bati ko sa kanilang lahat. Syempre, alangan namang batiin ko sila isa isa diba? Hindi kaya ng ganda ko.


"Instant sikat, teh ah." sabi sa akin ni Kris. Hindi Kris Aquino ha? Kaibigan ko 'to.

"Oo nga, parang artista. Taray!" sabi naman ni Darla. Kaibigan ko rin ito.


"Ganun talaga pag maganda. Ay chareng!"


"Ay teeeeeeeeeeeeeehhhhhh!!"

"Ano ba Kris, ang arte ha. Bakit ba sigaw ng sigaw?" tanong ko sa kanya, rinding rindi na kasi ako sa boses niya, napaka ingay lang.


"Eh kasi naman, andyan na yung bago nating classmate. Guess who?"


"Wag na, tinatamad ako manghula. Hindi naman ako interesado." tamad kong sagot sa kanya.


"Ehhh kasi. Dali naaa! Gwapo siya, tapos hot, tapos fafa! Yiee emeged."


"Leche naman Kris, ang arte mo. Wag kang pabebe! Sabihin mo na lang kung sino." sabi ko sa kanya.


"Si Alden!" sabat naman ni Darla sa amin.


"Ah si Alden lang pala yu--- WHAAAAT?! AS IN SI ALDEN? ALDEN RICHARDS?" gulat na tanong ko sa kanila. Classmate namin siya?


"Oh teh, akala ko ba hindi ka interesado?" poker face na tanong ni Kris, binatukan ko nga. Napaka arte, hindi naman prettehhh.


"Ayan na siyaaaaaaaaaaaaa!!!" sigawan ng mga kaklase ko, nakakairita lang yung sigaw nila. Akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo. Bakit hindi nila ako gayahin? Sa utak ko lang ako sumisigaw at kinikil--- Oy joke ha! Hindi ako kinikilig! -_-



"Class, quiet." sabi nung prof namin na bagong dating lang. "We have here Mr. Richard Reyes Faulkerson Jr. We know him as Alden Richards. Of course, who wouldn't?" sabi ng Prof namin habang kinikilig pa at patatawa tawa pa. Ay ang harot harot naman nito.


"He's here to take his second degree program, and we all hope that he will enjoy your company." dugtong pa nung Prof. Si Alden naman, todo ngiti lang sa lahat. Yung mga alakdana ko namang kalase, aba todo pa-cute. Pabebe girls ganon?


"Thank you for the warm welcome." sabi ni Alden kaya naman nagtilian ang mga kalase ko. Hala beh, anyare? Kilig na kilig ang mga bruha, nag thank you lang naman.


"Alden, please take your seat beside Maine." sabi nung prof sabay turo doon sa upuan sa tabi ko. Habang naglalakad siya papalapit sa upuan sa tabi ko, nakatitig lang siya sa akin na para bang natatandaan niya kung sino ako. Malamang, ako yung tinapunan niya ng kape!


"Hi, I'm Alden. And you are?"

"Maine. Nicomaine Dei Mendoza." sagot ko sa kanya. Game face lang ako, kunyari wapakels ako, pero shiz, parang inaasinan yung atay ko!


"Beautiful name, for a beautiful girl like you. Nice meeting you, Maine." sabi niya sabay lahad ng kamay sa harap ko. Inabot ko naman agad yung kamay niya, baka bawiin eh!


Pero pagka dikit nung kamay ko sa kamay niya, habang nakatitig ako sa mga mata niya at naisislaw ako sa dimples niya, parang bigla na lang may tumunog sa utak ko...


"Cause darling I

will be loving you

'til we're seventy~


And baby my heart

could still fall as hard

at twenty three~"


WHAT THE H IS THIS?!


---

Aldub You, Maalden KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon