Chapter 5- Aldub Nation

408 9 0
                                    

MAINE

"Meng! Look at this!" tumakbo sa sala yung kapatid ko na si Coleen habang hawak hawak niya yung cellphone nya. Malamang, alangan namang cellphone ko? Hindi ko ipapahawak yun sa kanya dahil baka makita niya yung mga kalokohan ko doon.

Oy ha! Walang scandal!

"Ano ba yan?"

"Kaya nga tignan mo diba?" sagot niya pero patanong. Isa pa 'tong magulo eh! Ako na lang matino dito sa bahay namin, ano ba yan.

Binasa ko naman yung nakalagay sa screen ng iPhone niya (syala 'tong si sister eh)

Aldub updates:

Guys! Ang official number of likes ng official facebook page ng Aldub Nation ay nasa dalawang milyon na! And the official twitter followers are 1.5 million! Iba talaga ang Aldub Nation. Keep on loving Maine and Alden! Soon, they'll be real. -Admin N.

What the? Ganun na karami?! Seryoso ba 'to?

Oo, alam ko namang sumikat ako... kami ni Alden. Ikaw ba naman makakita ng kakaibang love team na di pa nagkikita (well, medyo di na kami pwedeng magkita kahit sa school) at nagpapabebe lang sa split screen.

"Menggay, sikat ka na oh. Look at your twitter." sabi ni Col kaya naman na-curious ako. Hindi na kasi ako nagbubukas ng accounts at nag-off ako ng notifications kasi busy ako sa school at sa work.

Pagbukas ko, oh my freakin' dog!! Bakit ganito na agad karami ang followers ko? Two million? As in dalawang milyon na ang sumusubaybay sa buhay ko?

Syempre dahil nga curious cat ako, nag check na rin ako ng ibang accounts. My gahd! Nasa milyon na lahat. Hindi ko na kinakaya 'to kaya pinatay ko kaagad ang cellphone ko. Teka, totoo ba talaga 'to?

"Col, sampalin mo ako. Mahina lang huh!"

"Sira ka talaga. Alam ko na yung iniisip mo. Sis, you're not dreaming. You're famous. Besides, pangarap mo naman ito diba? Oh ayan, dream come true na. Tsaka deserve mo naman 'to kasi maganda ka at nakakatawa pa. But please Meng, keep your feet on the ground. Be humble always, and don't forget where you came from."

"Teh, nagpasampal lang ako dami mo nang sinabi, Syempre naninigurado lang ako. At saka, alam ko naman yun. Kailan pa ba ako naging mayabang?"

"Oo nga pala, introvert ka. Anyway, gwapo ni Alden huh!" komento niya na parang kinikilig pa. Kutusan ko kaya itong babaeng 'to?

"Nicoleen Mendoza, akin na si Alden okay?" paalala ko pa.

"Oo, joke lang. Seryoso ka na ba talaga sa kanya?"

"Asaran nga lang. Biruan nga lang."

"Biruan pero inaangkin mo? Yung totoo?"

Inirapan ko na lang si Coleen. As much as possible, ayoko munang pag usapan yung feelings ko para kay Alden. Alam ko kasing crush ko siya, pero hindi ko alam kung hanggang doon lang ba. I mean, hindi pa naman kami nagkikita at nakakapag usap ulit kaya hindi ko malaman kung may progress na ba...

Teka hindi ko naman sinabing kailangan ng progress... ang akin lang, kung mas lumalim ang nararamdaman ko para kay Alden, dapat iwasan ko na. He's a star... at kahit pa sabihin nating sikat na rin ako, alam ko naman na trabaho lang ito lahat para sa kanya. He's being professional.

Na na na na na, na na na na na
Wow, fantastic baby!~

Biglang nag ring yung phone ko. Nice yung ringtone diba? Ang angas. Nakaka hype kasi talaga ang fantastic baby ng Bigbang. Fantastic si bibi!!

"Hell, who's this? Nicomaine speaking..." medyo professional ako kunyari. Hahahahaha trip ko lang.

" Hi po... uh-uhmmm... sana po wag niyo ako babaan... I have something to say lang po Ms. Maine..." panimula ng boses ng babae na medyo nanginginig pa. Anong meron? Naririnig ko pang bumubulong siya ng Omg, omg.

"Sure... who's this by the way?"

"I'm Louise po, president ng Aldub Nation... hindi niyo po maiimagine ang hirap na dinanas ko para makuha ang number niyo. Jusko. Pero hooooh, worth it! Shet, boses mo pa lang Maine solb na ako. Anyway, maraming salamat po sa pagpapasaya sa amin. Uhmm... teka namemental block ako..."

Halos matawa ako kay Louise. President ng Aldub Nation? Wow! Tapos ang hyper niya pa kahit sa telepono lang pakiramdam ko para siyang kiti kiting inaasinan.

"Uhm, congrats po sa lahat Ms. Maine. Congrats sa Aldub. Bagay na bagay kayo ni Alden oh my goshhhhh! Tapos ano, teka... uhm wooooh, Aldub you! Sana po makapunta kayo sa event na ioorganize namin para sa Aldub Nation. Ms. Maine, you're so great. Mwa chup chup."

Napangiti ako sa kanya. Para kasing tubig yung sinabi niya. Tubig na gumising sa akin sa katotohanan. Ito na, totoo na nga... May mga fans na ako... may humahanga na sa akin. May nagmamahal sa akin. Hindi lang isa kundi isang Nation pa!

"Hello, Louise. Is it okay if I'll save your number? Para pagka free ako, tatawagan kita kung makakapunta ako sa event nyo... I mean, event natin. Okay lang ba?" tanong ko sa kanya kaya nagtititili siya.

"Oo naman po! Oh my gahd this is such an honor. Ipapalapa ko sa aso ang kukuha nitong phone at sim card ko!"

"Hahahaha. Anyway, salamat Louise for founding Aldub Nation. Maraming salamat sa suporta, salamat sa pagmamahal. Hindi niyo rin maiimagine kung gaano niyo kami napapasaya. Give and share tayo, papatawanin namin kayo at papasayahin niyo naman kami."

"Take note Ms, Maine, pinapakilig niyo rin kami!"

"Hahahahahaha nakakakilig ba talaga?"

"Shet the chemistry is overflowing like an waterfalls in the top of the mountain where the rainbow shows and... oh my gahd sorry ang oa ko na."

"Nako, Oa rin naman akong umarte!" sagot ko sa kanya dahil totoo naman, yung mga pa wacky ko napaka oa hahahahaha. Pero yun yung substance eh.

"Oa nga pero bagay naman sayo! Yung iba, trying hard."

"Yun nga Louise, salamat. I hope we can see each others soon and we can bond. Yun naman ang ginagawa ng magkaibigan diba? And call me Meng nalang, drop the formality." sabi ko habang nakangiti. Di ko alam kung bakit ako nakangiti kahit di naman niya nakikita... siguro kasi gusto kong maramdaman niya na masaya ako dahil merong isang tulad niya na nagmamahal sa amin.

"Yes Meng, salamat din. Always remember na nandito lang kami for you and Alden."

"Thank you ulit. Sige, gotta go. May shooting pa. Bye Louuu!"

"Bye din po."

Nag shooting kami para sa Coke ng sobrang lapad ng ngiti ko. Kaya hindi rin kami masyadong nahirapan dahil siguro, simula pa lang ay genuine na lahat ng emosyong pinapakita ko. I am not dreaming. This is me... Meng, and I'm now a star. But without them, hindi ko rin mararating itong lahat ng ito...

Thank you Aldub Nation!

Aldub You, Maalden KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon