Chapter 3- Divina Ursula Bukbokova Smash

824 25 8
                                    

MAINE


"Anak?"


"Yes, mudra? Come in!" sigaw ko kay mama pagkatapos niyang kumatok sa pinto ko.


"Anak, kanina pa naghihintay yung mag iinterview sa'yo sa baba." sabi sa akin ni mama. Ang kulit din ng lahi ni mama eh, sinabi na ngang ayoko.


"Ayoko, 'ma."


"Dali na, anak. Nakakahiya naman. Puro host yung nasa ibaba, kasama yung mga director ng show." pamimilit pa sa akin ni mama.


"Ma, ayoko nga sabi. Gusto kong mag artista, pero host? Nevah! Tsaka comedian ang ganap ko pag tinanggap ko yung kontrata!"


"Anak, bagay naman sa'yo eh..."


"Ewan ko sa'yo ma!"


"Anak... alam mo ba, nasa sala rin si Alden?"


Pagkasabi ni mama nun, kumaripas ako ng takbo sa cr at nag ayos ng mukha. Nag lip gloss pa ako tapos tumakbo agad ako pababa ng bahay. DUmiretso ako sa sala kung saan ang daming tao ang nandoon.


Nilibot ko ang mata ko, pero... wala?


"Ay nako hija, buti naman at nandito ka na. ready ka na bang pag usapan yung kontrata?" tanong sa akin nung isang organizer nung show.


"Hindi ko pa nga tinatanggap eh." sagot ko naman.


"Huh? Eh bakit may pirma na dito?" gulat na tanong niya. Iniabot niya sa akin yung kopya ng kontrata at may pirma ko nga... Aisssshhhh!!


Kinuha ko agad ang phone ko at tinext si mama.


Ako: Ma naman, bakit kinopya mo pa yung pirma ko? Tsaka ang baduy ha, nilagyan mo pa ng heart. So not professional!

Mama: Ang cute nga eh! Hihi.

Ako: WALA NAMAN SI ALDEN!

Mama: Ang sabi ko, nasa sala rin si Alden.

Ako: Wala nga!

Mama: Nasa sala ng bahay nila. 


Sa sobrang asar ko kay mama dahil niloko niya ako, hindi ko na siya nireplyan.


"Ang ganda mo naman pala, Maine." sabi sa akin ni Ate Pia. Mas maganda siya, pero sige, magpapasalamat ako dahil alam ko namang maganda rin ako.


"Bakit, akala niyo po ba hindi?" sagot ko. bakit imbes na thank you ay ganun ang singot ko? Bibig ko talaga!


"Hindi naman sa ganun... pero kasi..."


"Kasi pangit ako sa video?" ako na ang tumapos sa sasabihin niya.


"No, hindi ganun." nakangiti pa rin si ate Pia sa akin.

Aldub You, Maalden KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon