Chapter 1- Dubsmash

2.1K 38 0
                                    


MAINE

"Maine, anak kumain ka na ng breakfast." sabi sa akin ni Mama.


"Ma, next time na lang." sabi ko sabay takbo palabas ng bahay. Nagmamadali na ako kasi late na ako sa unang subject ko,  Math pa naman yun.

Pagkahatid sa akin nung driver namin, tumakbo agad ako papasok ng gate ng school, kaso kung minamalas ka nga naman... nadulas pa ako.


"Maine, okay ka lang?" tanong sa akin ni kuya guard, tropa ko 'to kaya kilala ako.


"Try mo madulas kuya, tignan natin kung okay ka lang."


"Ay nako kang bata ka, may masakit ba sayo?" tanong sakin ni kuya guard habang inaalalayan akong tumayo. Masakit lang yung pwet ko, di na kailangan magpa clinic.


"Oh siya, dumiretso ka na sa klase mo. Late ka na."


Nagbabye ako sa kanya at tumakbo ulit papuntang klase ko... kaso kung mas minamalas ka nga naman... nadulas ulit ako... sa hagdan naman.


"Hija, anong nangyari sa'yo?" tanong nung janitress na nakita sakin. Buti na lang siya na lang ang tao dito dahil lahat ay may klase na.


"Wala teh, nag eexhibition lang ako. Ge, babye!" sabi ko sabay takbo ulit. Late na kasi talaga ako. Ang sakit pa ng tiyan ko dahil nagugutom ako, tapos yung pwet ko pa, pati binti ko masakit. Umagang kayganda!


"PU#$%^&*(! BEAST MODE NA AKO TAPOS TATAPUNAN MO PA AKO NG KAPE? NAPAKA SWERTE KO NGA NAMAN OH. I LOVE MY LIFE DUDE!" sigaw ko doon sa lalaking nakatapon sa akin ng malamig kape. Mukha tuloy akong basang sisiw. 

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ko ang uniform ko  kahit wala na akong magagawa, mukha akong gusgusing bata!

"Sorry miss, nagmamadali din kasi ako." sabi nung lalaking nakatapon sa akin ng kape... pag angat ko ng ulo ko para tignan kung sino siya...


HOLY MOTH#$ FU%^*#$ SHI*!


Bakit nandito sa school si Alden?


Si Alden na gwapo, si Alden na sikat, si Alden na magaling na artista, si Alden na hunk, si Alden na yum---


"Miss okay ka lang? Sorry kung natapunan ko ng coffee yung uniform mo. If you want, I'll just give you a new set of uniform. Sorry talaga." sabi niya sabay ngiti. Yung ngiti na nag aalangan, pero nakakalaglag panty? Mga ganun, oh shiz.


"Si Alden ka ba talaga? Mannequin? Maskara? Picture mo lang ba yan? Ano ka ba---"


"Kalma lang, miss. Yes, I'm Alden. And I'm here to study for the mean time." sabi niya habang kumakaway sa akin yung dalawa niyang dimples. Oh my freakin' gosh!


"Bakit ka mag aaral? I mean, diba artista ka? Tsaka ano dib---"


"Sorry miss, pero nagmamadali na ako kasi pupunta pa ako sa Admin's office. I'm sorry ulit." sabi ni Alden sabay talikod sa akin.


Aldub You, Maalden KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon