Chapter 4- Ang Simula

444 11 3
                                    

MAINE

This is it. This is really iz it. This is official. Isa na akong dakilang chimay! Oh my goodness!

"Hello, Lola!" bati ng dabarkads kay Kuya Wally mula sa studio. Syempre, si Kuya Wally ay mukhang baklang matanda dahil siya nga si Lola Ni Dora DaExplorer. At ako, ang sidekick niyang alalay, muchacha, katulong, kiyeme, chenelyn, chorva,

"Hello sainyo... Hello Allan, Joey, Tito... Hello Marvic." bati pabalik ni Lola na inabot mg siyam siyam dahil sa kabagalang magsalita. Pasadyang mabagal at kalmado pero tunog mataray. Hanep diba?

"Lola, sino yang kasama mo?" tanong ni Bossing Vic na nakikita ko sa split screen. Kami yung nasa kabila, tapos sila yung nasa kabila.

"Iha, magpakilala ka na." sabi ni Lola kaya umirap ako kunyari at humarap sa camera. Sabi nila dapat medyo snob at mataray daw ako para match kami ni Lola.

Biglang nag-play yung kanta. Ano bang  role ko sa storyang ito? Eh di syempre nag-dubsmash ako!

Hey, what's that sound?
What's that thang that got you like wow?
Tryna' beat it up twelve rounds
Look at that body I just wanna play...

Start twerking like Miley... eh eh..
Twerk it like Miley...

"Ano daw sabi niya Lola?" naguguluhang tanong nung mga nasa studio. Malamang, sino ba naman makakaintindi ng introduction ko eh nag dubbing lang ako? Anak ng, kahit ako di ko maintindihan kung ano pinag sasasabi ko eh!

Ay teka wala pala akong sinasabi. Yung mukha ko lang naman ang may pinaglalaban. Yung facial expressions ko kusang nagpapakilala diba? Ewan ko nga eh, matic na sa mukha ko yung wacky kapag may tumutugtog na kanta.

"Ang sabi niya... siya daw si Divina Ursula Bukbokova Smash. Yaya Dub Smash." sabi ni Lola. Hanggang ngayon nawi-weirdohan ako sa pangalan ko dito.

"Ah ganun ba. Hi Yaya Dub!" bati nila sa akin kaya tinaas ko ang kilay ko pero nag wave ako sa kanila, yung medyo shy at pabebe ganun.

Nagsugod bahay na sila at iniinterview yung nanalo, ako naman nagpapaypay lang kay Lola pero gosh, bakit naman biglang nag-focus kay Alden yung camera sa studio? Nanonood siya! Nanonood siya! My God, nako-conscious ako!

Kaya nga tinanggap ko na rin yung kontrata. Akala ko kasi makakasama ko na si Alden sa trabaho. I mean, magkasama naman kami sa school pero madalas wala siya kasi Monday at Wednesday lang ang klase niya, tuwing umaga pa. Tapos pag Saturday naman, hapon lang. Syempre busy siya dito sa Eat Bulaga dahil host siya.

Kaso kung minamalas ka nga naman, sa Kalye pa ako nalagay. Sa All For Juan pa. Hindi naman sa ayaw ko dito kasi mababait naman yung buong crew, kaso si Alden kasi eh! Huhuhu Alden my crush so sweet. Chos!

"La, teka lang. May napansin lang ako."

"Ano 'yon Allan?"

"Tignan mo si Yaya, pag naka focus kay Alden yung camera eh parang nahihiya siya!"

Oh my God! Napansin ako ni Kuya Allan! Bakit naman kasi ang talas ng mata niya? Pigil na pigil na nga ako oh!

"Ayieeeeeee...." sigawan ng mga audience. Aba naman, nakiasar pa sila.

"Ayieeeeee, si Yaya nacoconscious kay Alden!" pangaasar pa nila lalo kaya nagtaray na lang ako kunyari pero shucks naman, nag focus ulit yung camera kay Alden na nakangiti at nakakangiti rin yung mata at dimples!

Alam nung staffs na magkaklase kami ni Alden sa ilang units sa school, pero wala sa plano 'tong asaran ah! Wala namang nakakaalam na crush ko siya eh! Bakit nila sinumulan 'to?

Nagpabebe wave na lang ako para medyo mapanindigan ko na yung pagiging maloko ko dito. Bahala sila, basta hindi ako aamin na crush ko siya! Nakakahiya!



"Hello ma!" pag uwi ko ay energetic akong pumasok ng aming bahay at binati si mama.

"Hi anak!"

"Oy, pa andyan ka na pala. Kamusta business?" bati ko naman kay papa na naka business attire pa. Serious mode si ama! Hahaha.

"Ayos lang. Ikaw, kamusta yang pa-tv tv mo?"

"Okay lang din. Kaso pa, inaasar nila ako kay Alden! Secret ko lang naman na crush ko yun eh!"

"Nako... yang paasar asar na yan baka mauwi sa totohanan." paalala pa ni papa. Sus, sana nga!

"Asaran lang nga!"

"Pero kahit na... wag ka munang magboboyfriend. Kung meron man, ipakilala mo agad sa amin." bilin pa niya at seryosong seryoso siya. Seseryosohin ko ba? Malamang, bilin ni papa yan eh!

"Pero bagay naman sila, hon ah?" sabi ni mama kaya pasimple akong ngumiti. Agree ako sa'yo mudra.

"Tignan mo nga oh, may love team na sila. Alden at Yaya Dub, AlDub!" sabi ni mama pero bago pa mag sink in sa akin ang lahat ay pinakita niya ang edited picture namin ni Alden na magkasama!

Oh my God!!

Hinablot ko ang cellphone ni mama at nagbasa ng comments...

Bagay na bagay talaga sila...

Shocking, ang tindi ng chemistry.

Nakakakilig kaya yung episode kanina.

Alden + Yaya Dub = Aldub

Pwede ring, Maine + Alden = Maiden. Para Maiden heaven!

Fan na agad nila ako. Bagong aabangang love team 'to!

Shitness, bakit may 100k likes agad? Anong nangyayari dito? Ano 'to? Anong ALDUB? Someone, explain this to me!!

---

note: nagulat ako dahil may 1k reads na siya hahaha kalokohan ko lang naman ito dahil wala akong magawa bukod sa manood ng kalyeserye. itutuloy ko pa ba? lol. salamat sa mga nag vote. aldub you.

Aldub You, Maalden KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon