Status: Complicated

25.3K 902 24
                                    

Chapter Nineteen

"NAUUNAWAAN mo? Anong nauunawaan ang sinasabi mo d'yan? Bakit, nauunawaan mo ba kung ano talaga ang damdamin ko para pagdesisyunan ninyong dalawa ni Papa kung ano ang makabubuti para sa akin?" tuluy-tuloy na ratsada ng bibig ni Emilia matapos sabihin ni V ang napag-usapan nito at ng kanyang ama.

"Mahal ka lang ng Papa mo kaya niya sinabi 'yon."

"Talaga? At ikaw, ano naman ang dahilang masasabi mo, aber?"

"Wala."

"A-ano?" napamaang siya.

"Bakit ano ba ang inaasahan mong isasagot ko? I'm sure hindi ka nag-i-expect na may patutunguhan ang lahat ng namagitan sa atin."

Natilihan si Emilia. Pakiramdam niya ay maso ang mga salitang binitiwan nito at pinukpok ang kanyang puso hanggang sa magkagutay-gutay.

"Or...are you?"

Matagal siyang napatitig sa kausap, anhin na lang ay papaglahuin ito sa kanyang harapan.

Kinuha mo ang virginity ko, natural mag-i-expect ako na may patutunguhan tayo! gusto niyang ihiyaw sa pagmumukha nito. Subalit nanatiling pinid ang kanyang bibig.

Sa isip ay nakita ni Emilia na lumipad ang kanyang kamao at diretsong dumapo sa bibig ni V na may nakaguhit na ngiti. Gusto niya itong murahin mula ulo hanggang paa at pabalik. Kaso ay baka bumalik lang sa kanya ang lahat. Siya ang palay na lumapit sa manok. At ang tinamaan ng magaling, siyempre, isang tipikal na barako. Tatanggi ba naman ito sa grasya kung ang grasyang 'yon ay inihahain na mismo sa harapan nito?

Ang tanga-tanga mo kasi. Hindi ka pa nadala, galit na sermon ni Emilia sa sarili. Sinikap niyang pulutin ang nagkawatak-watak niyang puso. Hindi lang pala assassin ang walanghiya, mamamatay-puso rin. Lintek!

"Sa pagkakaunawa ko, we were both consenting adults," wika pa nito.

Adding salt and lemon to injury pa ang tinamaan ng magaling, ngitngit na naisaloob niya. "Oo naman. Matanda na ako at alam ko ang ginawa ko, huwag kang umakto d'yan na para kang nakukunsensya. Mahirap yatang paniwalaan 'yon. I'll charge it to experience, para sa susunod na magkamali uli akong pumatol sa mga kagaya mo, alam ko na kung ano ang gagawin ko."

Dama ni Emilia, babagsak na ang mga luha niya. Sa isang iglap, wasak na naman ang kanyang puso. At hindi kailangang sabihin na may pingas na rin ang kanyang pride. Pinilit niyang lunukin ang mapait na emosyong nais bumukal sa kanyang mga mata. Mukhang nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan...ngunit hindi sa pagkawasak ng kanyang puso.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga upang papagluwangin ang paghinga. Eksaktong tumunog ang cellphone ni V. Lihim siyang nakahinga ng maluwag nang magpasintabi ito upang sagutin ang tawag. Tumalikod siya rito at kunwari'y inabala ang sarili sa kung anu-anong mga gawain. Ngunit ang totoo'y tahimik ng namamalisbis ang kanyang mga luha.

***

"BORIS talked to Atty. Tobias in your behalf, naka-set na ang appointment ninyo bukas sa mismong tanggapan ng Polaris Resort," wika ni Rusty Chen nang sagutin ni Virgil ang tawag.

"Bukas?"

"Yes. Walang ideya ang abogado kung ano ang ipakikipag-usap sa kanya ni Boris. Kaya kung magagawa niyong makarating dito bago mananghalian ay mas mabuti."

Mabilis na nagkalkula ng oras ang utak ni Virgil. Nang tingnan niya ang kanyang diver's watch ay naisip niyang dapat ay nasa biyahe na sila sa loob ng tatlong oras upang makarating nang mas maaga sa Polaris.

"Bring Emilia with you and all the necessary documents na magpapatunay na siya nga ang lehitimong heredera at hindi ang babaing nagpapanggap na si Emilia sa tahanan ng mga Lianzares."

VirgilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon