Chapter Three

8.9K 195 8
                                    


MAAGANG natapos yung photoshoot at pagkatapos namin mag pack out ay namasual muna ako sa Boracay mamimili ako ng pasalubong para sa pamangkin kong si Chu ~ anak ng pinsan kong si Valen. Magkapatid ang mama ko at ang papa niya at siya ang pinakaclose kong pinsan sa lahat. Sa kanya kasi ako nagsasabi ng mga problema ko kaya nga sobrang nalungkot ako noong umalis siya para magtrabaho sa Japan tapos pagbalik niya ay buntis na siya. Sa tuwing ikenukwento niya sa akin kung paano siya nanganak noon kay Chu ay hindi ko ma-take kasi parang ang sakit sakit manganak.

Nakakita ako ng isang maliit na T-shirt at nakalagay dito ang word na Boracay good for three years old ata yung shirt at mukhang kakasya kay Chu kaya binili ko. Bumuli pa ako ng keychains, thumblers at ipang pwedeng idisplay ko sa bahay ko. Yung iba naman ay ipapasalubong ko kila mama pag uwi ko sa mansion. Napabuntong hininga ako, nakakamiss din pala tumira sa masion kasama ng mga magulang mo. Pero pinaninindigan ko pa din ang simpleng buhay na gusto ko at masaya ako na payag naman ang mga magulang ko sa desisyon ko.

Acctually nakatira lang ako ngayon s di kalakihang bahay sa loob ng Elena Homes village din siya pero hindi ganoon kaso-syosal ang mga tao doon hindi katulad sa Herritage Village na puro mga bussiness man or mga kilalang tao ang mga nakatira doon. Gusto kong maranasan maging simple dahil noong bata pa ako ay hindi ko naranasan maging simple. Tanda ko pa kung gaano kaingat si mommy sa akin dahil ayaw niyamg magasgasan ang mga tuhod ko. Hindi ko na masyadong matandaan kung bakit pero alam kong may pinanghuhugutan si mommy noon kaya sobrang pinangangalagaan niya ang balat ko.

Sa sobrang pagod ko kakaikot dito sa Boracay ay napagpasyahan ko munang kumain sa isa sa mga open fast food dito. Gusto ko kasi ng pork BBQ at para diretso tulog nalang ako pagdating sa hotel. Umupo ako sa bandang gilid na katabi ng isang puno ng niyog habang hinihintay ko ang inorder kong pork barbeque fifteen minutes pa daw kasi ang hihintayin ko bago nila i-serve ito.

Kinalikot ko ang iphone ko para hindi ako maboring. Ramdam ko ang lamig ng hampas ng hangin sa balat ko. Pagabi na din kasi at malakas na ang hangin dito sa beach. Iniisip ko kung nasa hotel suit na ang mga kasama ko or tulad ko ay nag lilibot pa din sila. Napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin sa buong kapaligiran.

"Wag .. tama na !"

"Please .. wag .!"

Agad akong napamulat at kinilabutan sa mga tagpong nabuo sa isipan ko. Ano nanaman kaya iyon ?. Kamakailan lang ay madalas akong makakita ng di magandang tagpo sa isip ko pero agad ko rin iyong nakakalimutan. Siguro ay nasosobrahan lang ako sa kakapanood ng drama series kaya kung ano anong pumapasok sa isip ko minsan nga ay napapanaginipan ko pa. Napailing lang ako at sakto namang pagdating ng order ko. Nagpasalamat ako sa waiter bago ito umalis.

"Jackie ?." Nag angat ako ng tingin sa tumawag sa akin at napakunot ako ng noo ng makita ko si Aicel sa harap ko. Anong ginagawa nito dito ? Akala ko ba ay magkasama sila ni Sr. Ervin.

"Anong ginagawa mo dito 'day ?. Bakit hindi mo kasama ang fubu mo ?"

Walang ganang tanong ko kay Aicel. Sa tuwing kasama ko kasi siya ay si Sr. Arvin lang ang bukang bibig niya. Nagulat ako ng bigla siyang tumili, yung pigil na tili.

"What the hell ?. Ang sakit sa tenga Aicel!." Reklamo ko ng humiyaw siya. Hinampas niya ako ng mahina at kumuha ng grilled pork na inorder ko at saka isinubo.

"Kasi naman 'day !. Inaya na akong maging girlfriend ni Ervin my loves.."

Halos mabilaukan ako sa kakasubo ko lang din na grilled pork dahil sa sinabi niya. Agad naman niya akong binigyan ng tubig para maibsan ang bumara sa lalamunan ko.

"Okay kana 'day ?. Ang OA naman ng reaksyon mo.!" Komento niya ng makahuma ako sa sinabi niya. Hinampas ko ang noo niya.

"Aray !."

Virginity Destroyer (SUPER DUPER ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon