Chapter Four

8.7K 161 3
                                    

Jackie POV

Tahimik lang ako ng makabalik kami sa Manila. Hindi sumabay sa amin si Blaze dahil after ng lastday shhot namin sa Bora kahapon ay nauna na siyang umuwi. Noong isang gabi ay kila France ako nakitulog dahil nanginginig pa din ako sa takot dahil sa ginawa ni Blaze. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng katawan ko gayong alam ko naman na binibiro niya lang ako. Hinalikan niya pa ako at hindi ko alam kung bakit feeling ko ay naramdaman ko na ang labing iyon noon samantalang first kiss ko iyon. Hindi ko na alam. Ang gulo na ng utak ko !. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito na parang takot na takot hawakan ng mga lalaki.

Kahit na di ko gustong pumasok kinaumagahan dahil ayaw kong makita si Blaze ay pumasok pa din ako dahil marami akong gagawin sa studio. Gusto ko sanang humingi ng leave kay Manager Chris ang kaso ay maraming gagawing shoot lalo na't mag su-summer season. Naglalakad ako papunta sa office ni Manager Chris, tahimik na nananalangin na wag sanang makasalubong si Blaze sa daan. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, hanggat maari ay iiwasan ko na yung Blaze na iyon. Nang marating ko ang pinto ng opisina ni Manager Chris ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy na sa pagpasok doon.

Napasinghap ako ng makita si Blaze na nakaupo sa harap ng office table ni Manager Chris habang masama ang titig sa kanya ni Manager na parang may ginawa itong kasalanan. Well mayroon naman talaga dahil ninakaw niya ang first kiss ko at tinakot niya ako nung nasa Boracay kami.

"Mabuti naman at nandito ka na Jackie at hindi na kita kailangang ipatawag pa.!"

Nalingon ko bigla si Manager Chris na mukhang seryosong seryoso kaya naman lumapit ako at kahit na ayaw ko ay naupo ako sa harap ni Blaze, ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Take a look on this Jackie.!"

Kinuha ko ang inabot ni Manager Chris na brown envelope sa akin at saka binuksan iyon. At nanlaki ang ulo ko ng makita ko ang mga pictures namin ni Blaze sa Bora noong nakaraan, ito yung hinalikan niya ako at natrap ako sa pader at nacorner niya ako. Tumingin ako kay Manager at handang magpaliwanag sa kanya.

"Manager, magpapaliwanag po ako."

"No need Jackie,kahit ano naman ang sabihin niyo ay lalabas pa rin ito sa media.! My God !"

Hinilot ni Manager Chris ang kanyang sentido at nagpipigil ng galit. Napayuko nalang ako dahil nahihiya akong tumingin kay Manger lalo na't hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon knowing na may pictures kami ni Blaze na magkalapat ang mga labi namin.

"My goodness Blaze !. Kababalik mo palang pero gumawa ka nanaman ng ikasisira mo !, sakit ka talaga ng ulo sa akin. Nakakasira ka ng beauty !"

This time alam kong galit na si Manager dahil hindi seryoso na siya at hindi siya bubbly katulad ng dati.

"What do you want me to do ?. I told you everything that I'm only teasing her. Let's just cut this crap. Makakalimutan din ng tao iyan kapag lumabas na sa media.!"

Napatingin ako kay Blaze na halatang boring na boring na sa usapang ito. Siguro ay kanina pa sila nag uusap ni Manager Chris.

"Hindi mo naiintindihan Blaze.!"

"No, I know everything Chris, and I know what are you trying to say. So don't worry, I can handle this."

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang dalawa parang may alam sila na hindi ko dapat malaman or should I say may hindi sila binabanggit sa akin. Well siguro nga ay hindi naman ako kasali sa usapang iyon at napanatag naman ako sa sinabi ni Blaze na kaya na niyang ayusin ang tungkol sa bagay na ito. Iniisip ko kung kakalat iyon sa media ay gugulo ang buhay ko. Ayaw kong mangyari iyon dahil gusto ko ng tahimik na buhay.

Virginity Destroyer (SUPER DUPER ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon