Chapter Six

8.3K 144 5
                                    


ALAS SAIS na ng gabi at tinutulungan ko na si Manang Joy sa pagluluto ng sinigang na hipon. Natutuwa ako at puro seafoods ang mga kinakain namin ngayon at fresh pa ito galing sa dagat dahil nangisda din si Mang Nestor kanina. Nasa may living room naman sina Blaze at Mang Nestor at umiinom ng lambanog. Kanina ay tinikman ko ang naturang alak pero hindi ko kinaya ang sobrang tapang mas gugustuhin ko pa ang gin kaysa sa lambanog na iyon.

"Alam mo hija, bagay kayo ni Blaze.!"

Agad naman akong napatingin kay Manang Joy dahil sa sinabi niya sa akin. Kasalukuyan niyang hinahalo ang niluluto naming sinigang na hipon

"Mapagbiro ho pala kayo Manang Joy.!"

Humarap naman sa akin ang matanda at ibinaba ang sandok na panghalo niya.

"Hindi ako nagbibiro hija., bagay talaga kayo !."

Ngumiti lang ako at sumulyap ng tingin kina Blaze na nasa living room. Bagay daw kami ?. Ni hindi ko pinangarap na maging kami kahit na sobrang gwapo niya.! At isa pa ayokong pumasok sa isang relasyon.

Nang matapos kaming magluto ay nagsalo-salo na kami sa hapag kainan. Tahimik lang akong pinapakinggan ang kwento ng mag asawa. Ganoon din naman si Blaze. At halata kay Manong Nestor na naparami na ito ng inom dahil namumula na ang mukha nito at may tono na ang pananalita nito. Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko na si Manang Joy na maghugas ng pinagkainan namin.

"Osige hija, uuwi na kami ni Nestor at lasing na siya baka hindi na niya kayaning maglakad pa kapag uminom pa sila.!" Nakangiting sabi ng matandang babae sa akin.

"Mag iingat po kayo huh,.!" Paalam ko.

"Ihahatid ko nalang po kayo.!"

Napatingin ako kay Blaze na di makapaniwala sa narinig ko. Naupo na ako sa living room at inaantay si Blaze na inihatid ang mag asawa. Nilalantakan ko naman ang manggang kinuha namun kanina dahil may natira pa. How I wish hindi masira ang tiyan ko dahil gabi na at malamig ito sa tiyan.

Sumubo pa ako ng isang hiwa ng mangga na isinawsaw sa bagoong na may siling pula. Hmm. Ang sarap. At saka binuksan ang malaking flat screen na TV dito sa living room. Nasa mini-table pa din ang lambanog na pinag inuman nila kanina at kulang na sa kalahati ang laman nito. Liligpitin ko na sana ng -

"Wag .!"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Blaze na may hawak na flashlight. Siguro ay ginamit niya iyon sa paghatid sa mag asawang katuwang namin dito sa beach house.

"Uubusin mo ?!." Tanong ko na isang tango lang ang sagot na nakuha ko.

Umupo na ulit ako sa isang sofa at tinabihan naman ako ni Blaze. Nakatutok lang ako sa TV habang sumusubo ng mangga. Habang siya naman ay umiinom ng lambanog at mukhang balak niya ngang ubusin.

"Wala ka ng stock ng mangga, kuha tayo bukas ?."

Nilingon ko agad siya sa sinabi niya at parang kumislap ang mga mata ko sa narinig ko. Kukuha kami ulit ng mangga bukas !?.

"Talaga ?. Omygad !. Thank you . Thank you !?."

Sa tuwa ko ay dinamba ko siya at niyakap ng mahigpit. Kukuha kami ng mangga bukas siguro ay okay na yung dalawang sako ano ?. Nakakatuwa hindi na ako ang aakyat dahil siya na ang aakyat. Hindi na ako mangangambang malaglag ulit sa puno. Nagulat nalang ako ng kumawala siya sa yakap. Doon ko lang narealize ang ginawa ko. Ang awkward lang. Pero naramdaman ko ang mainit niyang palad sa ilalim ng chin ko. At inangat niya iyon hanggang sa magkatitigan kami. I froze. Feeling ko ay tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. Is he going to kiss me ?. Nakapikit siya habang unti unting lumalapit ang mukha niya patungo sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napapikit na din ako at inaabangan ang labi niya na dumapo sa labi ko, hanggang sa ..

Virginity Destroyer (SUPER DUPER ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon