Chapter Five

8.3K 148 5
                                    


NAG-UMPISA na akong mag empake ngayong umaga. Maya maya kasi ay dadaan na dito ang sundo ko papuntang beach house ang sabi kasi ni Manager Chris ay ipapahatid niya daw kami sa driver niyang si Mang Carding at magsasama kami sa iisang sasakyan ni Blaze. Sinabi ko ng na hihiwalay ako at sasakyan ko nalang ang gagamitin ko at mag co-convoy nalang kami pero hindi pumayag si Manager Chris baka daw maligaw pa ako.

Hindi ko alam pero magmula nung manguari yung sa Bora ay natatakot na ako kay Blaze kaya nga gusto ko na siyang layuan pero ganito pa ang nangyari pagsasmahin pa kami sa iisang lugar. Hay naku naman Lord, ano bang plano mo sa buhay ko at bakit parang gulong gulo ako.

Halos buong laman ng closet ko ang inilagay ko sa maleta ko. Isa pa hindi ko naman alam kung hanggang kailan kami doon.

*beep*beep*

Napatayo ako sa kama ko ng marinig ko ang busina ng sasakyan. Siguro ay ayan na anh sundo ko, mabuti nalang nakaligo na ako. Ayoko namang paghintayin si Mang Carding at baka kasama na niya yung lalaking iyon.

Hindi nga ako nagkamali nang makalabas ako ay sina mang Carding na at nasa loob na ng SUV si Blaze prenteng nakaupo at nakatitig sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

Sa harap sana ako uupo kaso may nakalagay doon na malaking box kaya no choice ako kung hindi tumabi kay Blaze. And thanks to Mang Carding anyway dahil tinulungan niya akong mailagay ang gamit ko sa loob ng SUV. Buong byahe lang ako tahimik at medyo malayo ang kami sa isa't isa ni Blaze.

"Doon kana pala nakatira ?."

Eh ?.

"I mean, doon ka pala nakatira.?" Pagtatama niya sa tanong niya. Napakunot kasi ako ng noo sa unang tanong niya bakita alam niya ba namayaman din ang mga magulang ko at sa Herritage Village ako dati nakatira. At saka bakit ba siya feeling close ngayon sa akin ?. Naiilang pa nga ako dahil sa huling nangyari sa amin sa Boracay.

"Oo .!?"

Sagot ko nalang at isinaksak ko ang earphones ko sa tenga ko para hindi na humaba pa ang usapan namin. Wala naman kasi akong balak na mapalapit sa kanya dahil nandoon parin sa akin ang takot. Takot na hindi ko alam ang dahilan.

NAGISING ako ng marinig ko ang lakas ng hampas ng alon at lamig ng simoy ng hangin. Palubog na ang araw at kararating lang namin dito sa Batangas. Grabe wala akong ibang masabi. This place is amazingly beautiful. WOW !. Akala ko ay magiging boring ang pagpunta ko dito pero binabawi ko na ang sinabi ko, mukhang mag eenjoy ako sa ganda ng tanawin dito sa beach house ni Manager Chris. Talagang pribado ang lugar na ito dahil wala kaming nakikitang ibang bahay dito kung di ang malaking bahay na gawa sa bato dito sa dalampasigan. Marami ding puno ng niyog sa paligid at puno ng mangga. Nakakatuwa parang excited na akong maglakad lakad.

"Maa'm Jackie, Sr. Blaze, babalik na po ako ng Manila. Sila nga pala ang makakasama niyo dito si Manang Joy at si Mang Nestor."

Pakilala ni Mang Carding doon sa dalawang matandang sumalubong sa amin. Ngumiti lang ako kay Mang Carding bago ito sumakay pabalik ng SUV.

"Mag iingat po kayo. Salamat po.!"

Pahabol ko sa kanya. At pagkatapos ay tinignan ko ang dalawang matanda siguro ay mag asawa ang dalawang care taker na ito. Nagpakilala pang muli ang dalawang matanda sa akin. Bumati din ako sa kanila at nagmano pa pero si Blaze ay tumango lang. Walang modo talaga hindi man lang nagmano. Pero napansin ko na lang magmula kanina na parang may gusto siyang sabihin sa akin na ewan pero hindi ko na iyon pinansin lalo na nung bumulong siya ng 'I'm sorry' baka guni-guni ko lang at mapahiya pa ako pag tinanong ko pa. Ay isa pa bakit naman siya mag so-sorry sa akin ?. Dahil ba sa nangyari sa Boracay na alam ko namang binibiro niya lang ako at hindi ko din alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko ?. At isa pa nag sorry naman na siya sa akin ng ilang beses. Mas okay nalang siguro yung layuan nalang namin ang isa't isa para maiwasan ng maulit iyon.

Virginity Destroyer (SUPER DUPER ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon