Chapter Seven

13.5K 244 94
                                    

"Ano ba naman kayong mga bata kayo. Kung kailan may bagyo saka niyo naisipang manguha ng mangga sa manggahan.!"

Panenermon ni Mang Nestor ng makabalik kami sa loob ng beach house. Mabuti nalang at hindi niya nakita yung kababalaghang ginawa namin ni Blaze sa kubo. Naligo kami agad para hindi magkasakit at saka bumalik dito sa sala.

Inilapag ni Manang Joy ang mainit na sabaw sa harap namin ni Blaze na pareho ng nakapaligo at nakabihis. Nakabalot pa rin sa akin ang puting tuwalya dahil nilalamig pa din ako. Malakas pa rin ang ulan at gaya ng sabi ni Mamg Nestor ay may bagyo nga daw.

"Humigop muna kayo ng sabaw hijo. Para mainitan naman kayo.!"

"Thanks !."

Pati ako ay nagpasalamat kay Manang Joy bago ako humigop ng mainit na sabaw.

"Mauuna na kami hija. At walang bantay ang mga baka doon sa balay.,!" Paalam ni Manang Joy.

"Ihahatid ko na po ulit kayo.!"

"Hindi na hijo. Kaya na namin." Pagtanggi ni Mang Nestor sa alok ni Blaze na ihatid sila.

"Siya nga pala, baka hindi kami makapunta dito ni Nestor bukas dahil manganganak na iyong alaga naming baka.! May mga stock na na pagkain diyan sa ref hija. Iluto niyo nalang.!?"

Tumango lang ako sa sinabi ni Manang Joy kahit ang totoo ay wala ang maintindihan dahil bukod sa sobrang lamig ay hindi mawalansa isip ko ang tagpong nangyari kanina. Hindi ko mapigilang hindi mamula.

Nagpaalam na ang mag asawa at kahit na tinanggihan nila ang alok ni Blaze ay nagpumilit pa rin itong ihatid sila sa kanila. Sa huli ay wala ng nagawa ang mag asawa at nagpahatid na kay Blaze. Mabuti na iyon lalo na't medyo madilim na at malakas ang hangin at ulan baka mamaya ay mapano pa ang mag asawa sa daan.

Inubos ko na ang sabaw na inihanda sa akin ni Manang Joy kanina. May isang oras na ang nakararaan at hindi pa nakakabalik si Blaze kaya nagsimula na akong kabahan. Sinilip ko ang binatana at malakas pa din ang hangin at bayo ng ulan. Iniisip ko kung napano na kaya si Blaze at hindi pa nakakabalik. Hindi ako mapakali hanggang sa mapagdesisyunan ko na lumabas. Nag suot ako ng rain coat at saka kinuha ko ang malaking itim na payong sa gilid ng pinto bago ako tuluyang lumabas.

Paglabas na paglabas ko palang ay nanginginig na ako sa sobrang lamig dahil sa pinagsamang lakas ng hangin at ulan. Nakakailang hakbang palang ako ng matanaw ko si Blaze na wala ng dalang payong at basang basa na ito kaya nagmadali akong lumapit sa kanya para payungan siya.

"Ano ka ba naman Blaze, bakit hindi ka nag payong ?."

Pasigaw na saad ko sa kanya dahil hindi niya ako maririnig kapag mahina o normal lang ang pagkakasbi ko, sa lakas ba naman ng ulan ay talagang hindi kami magkakarinigan.

"Nilipad ng hangin, I'm sorry.!"

Hindi na ako sumagot at inalalayan ko na siya papunta sa loob ng beach house. Pinaupo ko muna siya sa isa sa mga upuan sa may dining area.

Dumiretso ako sa taas para kumuha ng tuyong tuwalya pamunas niya. Minamadali ko ang kilos ko dahil baka nilalamig na si Blaze sa baba.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan kong mapalapit ako sa isang lalaki gayong alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako kailap sa mga tulad nila. Kaya nga never pa akong nagkaroon ng kasintahan kahit kailan.

Inabot ko kay Blaze ang tuyong tuwalya at nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Tinanggal niya ang basang shirt niya sa harap kaya naman agad akong nag iwas ng tingin.

Bakit ba kasi ang hot tignan ni Blaze kahit na sobrang lamig ng panahon ?. Ugh ! Jackielyn tigilan mo nga iyan.

Napailing nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Virginity Destroyer (SUPER DUPER ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon