"Break na kaya kami nun !!"
"Break na kaya kami nun !!"
"Break na kaya kami nun !!"
Aaaarrrrggghhh !!! bakit ba kasi pinoproblema at iniisip ko yun !!! Yra pakelam mo ba na break na sila, di ko na maintindihan sarili ko dapat ba matuwa ako o malungkot. Kasi kung break na nga talaga sila ibig sabihin titigil na kami sa pagpapanggap namin, dapat matuwa ako kasi kasi matatapos na to!!! aaaaahhh ano ba to !! ??!
Itetext ko na lang si Sholo para malinawan ako.
To : Sholo :P
Sholo !
----end---
Buzzztt!!
Sholo :P :
Oh bakit gising ka pa? siguro di ka makatulog no?? iniisip mo yung sinabi ko kanina ?? haha
---end---
Ay leche ! h*yup talaga to !!
Me:
Hindi ko iniisip yun!! Naguguluhan lang ako, linawin mo kasi , tunay ba?!?!
---end---
Buzztt!
Sholo :P :
Hahahah sabi ko na nga ba eh !! kung tunay sasaya ka ba??
---end---
Me:
Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko !! daming paligoy-ligoy!!
---end---
Buzztt!!
Sholo :P :
Ako muna ang sagutin mo, sasaya ka ba kung break na kami?
---end---
Nakakainis ka talaga Sholo !!!
Me:
OO !! sasaya ako ! kasi kung break na nga kayo ititigil na natin tong kalokohan na to!
---end---
..........
Nag-antay ako ng reply nya pero walang dumating, kaya natulog na lang ako,wala naman akong pasok bukas may seminar daw kasi karamihan ng prof ko kaya ok lang na napuyat ako, kaya lang wala akong napala sa pagpupuyat ko, hindi ako sinagot ng matino ni Sholo, nakakainis !!
*kinabukasan*
*tok ! tok ! tok !*
"Yra anak nandito si Sholo may sasabihin daw sayo"
*mulat mulat*
"ano ma?!!?"
"sabi ko si Sholo nandito!!"
Huh?!?! 6 palang ah !! anong ginagawa ng lalaki na to dito !!
"Yra anak ??!?!"
"ma papasukin nyo na lang dito after 5 mins"
"talagang dyan pa sa kwarto huh!! Kaw bata ka na talaga, sige papapasukin ko na lang dyan mamaya"
"ma!!!"
Agang aga ayoko pang lumabas ng kwarto,tsaka nararadar ko na kasi kung anong pinunta dito ng mokong kaya dapat sa kwarto namin pag-usapan, mag-aayos lang ako sa cr. Paglabas ko ng cr naka-upo na sa kama ko si Sholo.
"hoy di pa 5 mins ah !!"
"ang tagal tagal ng 5 mins kaya pumasok na ako "
"bakit ka ba pumunta dito agang aga!!"
"gusto ko lang kasing linawin sayo na tong ginagawa natin ay hindi kalokohan"
"pwede namang itext mo na lang ah"
"ayoko, gusto ko personal ;)"
"oh makakaalis ka na nasabi mo na"
"di pa ako tapos,,sasaya ka ba talaga kapag nagbreak kami dahil matitigil na natin to o sasaya ka dahil single na ulit ako at may pag-asang maging tayo??"
Nagulat naman ako sa tanong nya,,hindi sya nang-aasar ng lagay na yan kasi ang seryoso ng muka nya,at nakatitig lang talaga sya sakin, pero bakit kailangan nya pa itanong yun. Napapaisip ba ako?? hindi dapat wala dapat akong iisipin.
"diba nga sabi ko sayo sasaya ako kasi matitigil na to, bakit naman ako sasaya dahil lang sa single ka??"
"talaga lang huh, aba kamalayan ko na na-fall ka na sakin, tsaka alam kong mamimiss mo din ang kasweetan ko sayo kapag natigil na natin to"
Nanggigigil na talaga ako sa lalaki na to!! kaya lumakad na ako sa kanya papalapit para damang dama nya ang sasabihin ko.
"alam mo Sholo hindi ko alam kung san ka humuhugot ng kayabangan mo, hindi ako na-fall sayo,hindi ako na-fafall sayo at lalong hinding hindi ako mafafall say----- WAAAAHHHHHH !!!"
Galing nga pala ako sa cr kaya basa ang paa ko at ayun na nga nadulas na ako sa ?? hindi pala natuloy kasi nasambot ako ni Sholo.
"ayan hindi sumang-ayon sayo ang tadhana, na-fall ka na sakin oh," sabi nya sabay ngiti
Pandalas ko namang inayos ang sarili ko,
" na-fall ako sayo ng literal kaya wag kang ambisyoso!!" Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya.
"sabi mo eh !! sige alis na ako may klase pa ako"
Lalabas na sya ng pinto ng biglang umimik ulit.
"sya nga pala, di pa kami break ni Trisha kaya hindi pa tayo tapos" sabay sarado nya ng pinto
Sinilip ko naman sya sa bintana, si mommy nasa labas nagdidilig.
"tita alis na po ako"
"oh? may klase ka ba?? Ano bang pinag-usapan nyo ni Yra?"
"opo may klase po ako eh,,ah wala naman po pinakilig ko lang po ang anak nyo haha"
"ay naku kaw talaga haha,sige na mag-aral ng mabuti anak huh"
"opo sige po alis na po ako"
Nainis ako!! hindi ako kinilig. Hindi naman talaga ako nafafall sa kanya ihh, ano ba to?!?!
Halos maghapon lang akong nasa kwarto, nalabas ako kapag kakain lang, ewan ko ba dapat hindi ko iniisip si Sholo at yung mga sinabi nya!! Hindi pwede!! Ayokong ma-fall lalo na kay Sholo!! WWAAAAAAAAAAAHHHHHHHH !!!