Chapter 14

8 0 0
                                    

Sholo's Pov


Ang bilis ng panahon, 4 months na agad kami ni Trisha at bukas 5 months na kami eto pa malapit na din ang pasko haha wala lang magbabakasyon na ulit eh, kaya lang this past few days parang ang cold na sakin ni Trisha, ako?? pangit man pakinggan pero parang nawawalan na din ako ng amor sa kanya,,hindi ko alam kung bakit,,siya naman kasi ihh parang wala na siyang time sakin...


BUZZTTT!!


Trisha <3 : punta kang starbucks nandito na ako ngayon, may sasabihin ako sayo.


----end---


Huh ?? ano kayang sasabihin niya.


Syempre ako pumunta na agad ng starbucks.


Pagdating ko dun nakita ko agad siya.


"Trisha !!" tawag ko sa kanya sabay lapit ,,si Trisha napatingin naman sakin pero ang seryoso ng muka niya. "ano sasabihin mo ??"


Si Trisha huminga muna ng malalim, ewan ko parang kinabahan ako bigla.


"Sholo, ayoko na, pagod na ako sa sitwasyon natin, taposin na natin to Sholo."


Napatigil naman ako sa pag-inom ng milk tea ko sa sinabi ni Trisha,,tama ba narinig ko nakikipagbreak na siya sakin.


"nakikipag break ka na ba sakin Trisha??" tanong ko. Tumango naman siya.


"AYOKO, di ako payag" sagot ko sa kanya, sabay tayo


"pero Sholo, pag----" di ko na siya pinatapos, lumabas na ako ng starbucks at umuwi na sa boarding house.


Ewan ko, ayaw kong makipagbreak kay Trisha di dahil sa mahal ko pa siya kundi dahil kapag break na kami ibig sabihin matitigil na namin ni Yra ang pagppretend namin. Ayoko!! Ayokong matigil !!! siguro nga mahal ko na si Yra!! Di ko alam kung kelan at pano nangyari, basta ang alam ko masaya ako kapag kausap at kasama ko siya kesa kay Trisha. Ang selfish ko na ba kasi ayaw ko makipagbreak kay Trisha dahil lang ayaw ko matigil yung samin ni Yra.. HHHAAAAAYYYY di ko na din maintindihan sarili ko.



Yra's Pov


Siguro nga dapat itigil na namin ang pagpapanggap namin ni Sholo,,ayoko naaaaaa!!! Baka kapag tinuloy pa namin to matuluyan na talaga akong ma-fall sa unggoy na yun!!! Ayoko !!! pero paano ko sasabihin sa kanya, di ko naman pedeng sabihin yung dahilan ko, aasarin lang ako nun,eh sabi ko nga di ako magkakagusto sa kaniya!!! Waaaaaahhhhhhh !!


Para na akong tanga dito sa kwarto ko, pagulong-gulong sa kama....


"anak!!! Yra !!" si mama


"po!!"


"si Shy nasa baba"


So ako bumangon na para harapin ang bestfriend ko haha


"oh babae bakit??"


"tara sa mall, maggagala!!"


Aba himala at nagyakag ang bruha


"sige bihis lang ako"



*mall*


Gusto lang palang manuod ng movie ng bruha,,sabagay namiss ko din namang gumala kasama siya,,bonding na din to,,naging busy kasi kami sa school eh.


"teka Shy !! si Trisha yun diba?" sabay turo ko sa may mga bench, nakita ko kasi si Trisha may kasamang lalaki


"oo nga no,,sino kasama niya??" sagot naman ni Shy


"di mo kilala kasama niya??" tanong ko naman


"hindi ihh,,hala Yra ang sweet nila!!"


"oo nga,,break na ba sila ni Sholo?? Parang boyfriend niya oh" tanong ko naman


"di ko alam eh,,pero sa boarding house kasi di na sila nagpapansinan, baka nga break na"


"talaga ?!?!"


"oh bakit parang ang saya mo ?? di ko pa naman sure"


"ehhh kasi kapag break na sila ibig sabihin matitigil na din namin ni Sholo yung ginagawa namin"


"hmmmm yan talaga ang rason??"


"oo!! Ano pa ba, gusto ko na kayang matigil yun"


"talaga lang ha!! Tara uwi na tayo,,tatanungin ko nalang si Sholo tungkol diyan"


At ayun umuwi na kami. Totoo naman ah kapag break na nga sila matitigil na atsaka di na ako mag-iisip pa ng rason para lang matigil na namin to. ayaw ko na eh.



To be continued in next chapter, thank you for reading, hope you like it !!!! leave a vote and comment hehe thank you :*


Ang Boyfriend ko sa Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon