Sholo's Pov
"Halika na Yra puntahan na natin sa school si Trisha papayag na akong makipagbreak sa kanya para maging official na tayo" sabay kindat ko kay Yra at hinawakan ang kamay nya.
Nung pagbukas ko ng gate muka nila Tita at Tita Shirley ang nakita ko.
"San kayo pupunta Sholo??" Tanong ni Tita
"Po?? Sa school po" sagot ko naman
"May kailangan tayong pag-usapan nila Tita Shirley mo at Yra" sagot nya,,bigla naman akong kinabahan ang seryo-seryoso pa ng muka nilang 2
" tungkol po san??" Pagtatanong ko
"Tungkol sa inyong 3 nila Yra at Trisha" si Tita Shirley na ang nagsalita,,lalo akong kinabahan at napatingin naman ako kay Yra,,napakibit balikat lang si Yra pero halatang kinakabahan din.
"Dito nalang tayo sa labas" sabi ni Tita,,pagkaupo namin umimik na si Tita Shirley
"Wala ba kayong lilinawin samin,,ha Yra?? Ikaw wala kang aaminin??" Imik ni Tita Shirley
"Ma?? Ang alin??" Tanong naman ni Yra
"Sholo didiretsuhin na kita,,bakit kailangan nyong magsinungaling samin at ginamit mo pa tong si Yra mapagtakpan lang ang relasyon nyo ni Trisha??"
Nagulat ako sa tanong ni Tita, paano nila nalaman,,sinong naglaglag samin,,imposibleng si Trisha.
"Sino pong nagsabai Ti--"
"Di na mahalaga kung sino at paano namin nalaman,, ang gusto naming malaman paano nyo nagawa samin to?? Sholo di ko maisip na magagawa mo to" sagot ni Tita,,di na nya ako pinatapos ng pagtatanong
"Ano po kasi natakot po ako na baka mapaalis nyo kami dito" sagot ko.
"Ayun na nga,,alam nyong lahat ang patakaran ko dito sana simula palang di mo na niligawan si Trisha pati tong si Yra dinamay mo pa"
"Pero Tita ang totoo po nyan makikipagbreak na po ako kay Trisha dapat ngayon kasi si Yra na po talaga ang mahal ko at gusto ko na pong maging official kami." Pagpapaliwanag ko
"Pasensya na Sholo,,di na ako papayag sa gusto mong mangyari,,dahil simula ngayon di na kayo pedeng magkita ni Yra,,ayoko ng makikitang magkasama kayo,,sinira nyo tiwala ko,,ginamit mo pa ang anak ko sa kalokohan mo."
"Pero ma, wag naman ganun, ma di na mauulit ma wag naman umabot sa ganun." Pagmamakaawa ni Yra
"Anong wag ganun Yra,,nagsinungaling ka sakin,,kayong 2 at alam mong yan ang pinaka-ayaw ko,,halika na uwi na tayo,,at tigilan nyo na kung anong meron kayo ni Sholo ha, halika na." Utos ni Tita Shirley
Hindi ko alam,,bakit nangyayari samin to ngayon ok na kami ni Yra kung kelan nagpakatotoo na ako sa nararamdaman ko tsaka naman nangyari to. Ayun umalis na sila Yra at Tita Shirley, si Tita pumasok na ng bahay nya ng walang imik. Gulong gulo ako ,paano na kami ni Yra,,kasalanan ko nga lahat, ano ba naman yan.