Chapter 19

5 0 0
                                    

*After 3 weeks*



Pasukan na ulit.


Nagtext si Shy kay Yra na daanan sya nito sa boarding house nila. Di alam ni Yra kung dadaan ba sya doon kasi simula ng nangyari sa kanila ni Sholo di na sya muling bumalik sa boarding house ni Shy,,wala na din syang balita kay Sholo kasi nga pinagbawalan sya ng mommy nyang makipag-usap don.



"Ma pinapapadaan ako dun ni Shy sa kanila,,pede po ba??" Pagtatanong nya sa mommy nya



"Sige anak" pagpayag nito



Ayun nga tumuloy na sya sa b-house nila Shy, pagdating nya don, ang tahimik. Saktong labas ni Jenny.



"Yra long time no see ineng,,kamusta ka na,,ni hindi ka pumunta dito ng pasko at new year ah" bungad sa kanya ni Jenny



"Eh tita nahihiya po kasi ako sa inyo eh simula nung nangyari nung samin ni Sholo" sagot nya



"Ayun ba?? Kalimutan na natin yon ha, bagong taon na haha, sya nga pala eto oh para sayo daw" sabay abot kay Yra ng isang papel.



Sakto namang labas ni Shy.



"Girl!! I miss you !! Ano tara na??" Yakag nito



Pagdating sa school napagdesisyonan ni Yra na dumiretso muna sa gym para basahin yun nakasulat sa papel di nya alam kung kanino galing,,tutal di pa naman regular class. Binuksan nya agad yung papel at binasa ang nakasulat.



Panget :P ,



Una sa lahat miss mo na ko no?? ;) sorry sa lahat ng nangyari ah,,kung nagalit sayo si tita at yung mommy mo ng dahil sakin,,alam ko kasalanan ko naman talaga eh,,kaya napagdesisyunan ko na umalis nalang ng boarding house nila tita para iwas gulo yun kasi gusto ng mommy mo tsaka lumipat na din ako ng school kahit mahirap baka kasi kapag nakita kita sa school di ko maiiwasang lapitan ka,,magkakasala na naman ako sa mommy mo. Miss na kita sobra pero titiisin ko,,aayusin ko muna buhay ko, papatunayan ko sa mommy mo na mahal talaga kita tunay yon,,sana maantay mo ko,,kasi babalikan kita promise. I miss you so much panget :*



Your night in shining armor,


Sholo <3



Masakit man kay Yra na wala na sa b-house si Sholo tsaka lumipat na sya ng school wala syang idea kung nasan to ngayon,,pero isa lang ang alam nya mag-aantay sya no matter what. Kahit miss na miss na nya to. Magfofocus na din muna sya sa pag-aaral para sa mommy nya.

Ang Boyfriend ko sa Boarding HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon