Sholo's Pov
"oo Sholo, umuna na kami, sabi kasi ng ina ni Yra, para daw may moment kayo " sagot ni Trisha mula sa kabilang linya, halata mong malungkot sya...kawawa naman tong girlfriend ko, di ko na sya masyadong nakakasama, sa boarding house naman kasi konting oras lang, tapos nitong mga nakaraang araw puro practice kami sa pageant,,,pero promise babawi ako sa kanya.
"ah ganun ba, sige uwi na kami !! wag ka muna matutulog, kwentuhan tayo sa labas maya, bye!!"
"bye !!!"
"love you !!"
*TOOOOT TOOOOOT*
Ay walang response.
"grabe pinagkaisahan na naman tayo, ano may pupuntahan ka pa ba?? Uwi na din tayo !!" tanong ko kay Yra.
"wala na, uwi na tayo" sagot naman nya...
*Boarding House*
Pagdating ko sa b-house patay na yung kwarto nila Trisha...sinubukan ko syang tawagan kaya lang di nya sinagot..siguro nakatulog na...makatulog na din tutal pagod na din naman ako...
Trisha's Pov
Andito na ako sa kwarto,, nakakainis na tong araw na to, nakakainis si Shy !!! Yung mommy ni Yra at syempre si Yra !!! sawang sawa na ako sa sitwasyon namin ni Sholo, sa lahat ng naging boyfriend ko sa kanya lang ako naging boring ng ganito !! at syempre sa kanya lang din nagkaron ako ng sitwasyon ng ganito !!! nakakabadtrip !!
Maya-maya narinig ko na, na bumukas yung gate, si Sholo na yata yun, buti na lang pinatay ko na ang ilaw, alam kong pagod na sya atsaka ano naman ang pagkekwentuhan namin, yung tungkol sa nangyari kanina?? Wag na lang !!!!
Tumawag sya, pero di ko sinagot, kunyari tulog na ako, ok na to para matulog na din sya..
*Kinabukasan*
Yra's Pov
"AAAAHHHHHH" sarap talaga gumising lalo na kapag walang pasok !!
*Tingin sa phone* ow !! himala walang text galing sa unggoy.
Pagbaba ko sa kusina may foods na pero wala ang aking ina. Pagkatapos kong kumain nanuod ako ng tv, at syempre nag-instagram, magpopost lang ako ngayong umaga.
*scroll down*
Ooppps!!!! . ,muka ni unggoy, pinost nya picture nila ni Trisha...
*stalk* * stalk*
Sa comment may mga nagtanong kung girlfriend nya,,sinasagot naman nya, kaya lang napansin ko di nagcocomment si Trisha kahit naka-tag na sya, ni-like naman nya.....hmmmm pake ko ba, buhay nila yan bahala sila.
Pag-kapost ko ng picture ko, syempre madami na agad naglike, di naman sa pagyayabang, kakapanibago lang di nila-like ni unggoy, talang dati sya una nagla-like tapos may kasunod pa na comment na puro pang-aasar lang naman, sabagay maayos na to kesa nanggugulo sya sa maganda kong umaga..
At may isang pangalan lang ang nakapagpasira ng umaga ko, si Jayvin ni-like yung photo ko tapos nagcomment ng heart. Tsssssss !!! di ko sya pinansin !!!
Manunuod na lang ako ng tv ,o kaya sa twitter na lang, wala dun si Jayvin !!
BUUZZZTTT !!!
Sholo :P : mahal mo pa sya no?? XD
----end ---
Nagulat naman ako sa text nito, at alam ko na kung sino ang tinutukoy nya,,bakit naman kaya nya naitanong ??
Me : hindi na no!?!?! tanong ng tanong !!!
----end----
Buzzzttttt!!
Sholo :P : sus !!! kung si Shy napapaniwala mo, ako hindi!! Halata kaya !! at kung nagtataka ka kung bakit ko naitanong, napansin ko kasi sa insta na di mo pinansin si Jayvin, seryoso na ata ahahhahaa
---end---
Me: pakelam mo ba huh !!! at kelan ka pa nagkaron ng interest tungkol samin ni Jayvin !!??
----end---
Buzzzttt !!!
Sholo :P : masama na ba malaman ang mga nararamdaman mo?? Ms. Yra ??? matagal na kong may interest senyo ni Jayvin no??
----end---
Me : oo masama, lalo na kung tungkol kay Jayvin !!! Wag ka na ngang magtanong !!!!
---end---
Buzzzttt !!
Sholo :P : nakakahalata na ako huh !! lagi ka na lang galit sakin ?? Crush mo ko no?? o mahal na,, baka naman nafafall ka na sakin !!! Wahahahah
----end---
Me: ano namang connect ng galit ko sayo sa pagkakaron ng crush sayo huh !!! eh sa badtrip ako magagawa mo !! atsaka ako ??!?!? mafafall sayo ??!?!? DUHHH !!! wag ka ngang assuming di ikaw ang tipo ko !!! mahiya-hiya ka sa balat mo !!!! :P
---end---
Ganun ba talaga yun ?? kapag galit ka sa isang tao may gusto na, eh sa nababadtrip ako eh !!!
Buzzzttt !!
Sholo :P : ganun daw kaya yun, lagi kang galit sakin ng walang dahilan eh pag ganun daw may gusto yung tao sayo !!!! ang sakit mo magsalita ah !! baka mamaya kainin mo lahat ng sinabi mo!!! Wag kang mag-alala di din ako magkakagusto sayo noh ?? ngayon palang binabalaan na kita :P PANGET !!!!
--end---
Ah !!! akala mo naman kung sinong gwapo !!! ang kapal !!! hinding hindi ako magkakagusto sa kanya no !! in his dreams !!!!!
Sa sobrang badtrip ko tinawagan ko sya !!!
Me: hoy unggoy !! kung makapagsalita ka dyan kala mo kung sinong gwapo ah !!! kapal mo, hinding hinding hinding hinding hindi ako magkakagusto sayo !!! tandaan mo yan !! unggoy ka !!
Sholo: owowowowo !! big deal sayo yung pagkakasabi ko nun !! hahahaha at tumawag ka pa,,affected ka no?? hahahaha hay naku Yra, sinasabi ko sayo baka kainin mo yang mga sinasabi mo, mag-ingat ka hahha baba mo na to may pagtawag tawag ka pa...at oo nga pala gwapo ako uy !!! hahahah-
*TOOOOOOOTT !!*
AAARRRRGGGHHHH di ako affected !!! letse ka talagang unggoy ka !!! mapapatay kita !!!!