Chapter Five

7 0 0
                                        

Dexter's POV

Natapos rin ang gabi ko ng matiwasay. Akala ko talaga bad vibes na talaga ang araw ko. Buti nalang nandyan yung friends ko na naging karamay ko sa gabing ito. May bonus pa. Limang naggagandahang chiks. Hahah.

Naks!

Chumichiks na ako ngayon. Huwag nyong sabihin sa mga kumag (mga kaibigan ko) ang sinabi ko ngayon lang. Kasi for sure, kahit pustahan pa tayo, aasarin lang ako ng mga yon. Ako pa? Eh kilalang kilala ko yung mga yon eh. Sanggang dikit kaya kami ng mga yon. Kung baga, "We're siblings from different parents." Hahahha

Naputol yung pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng dis oras ng gabi? Buti sana kung si Jaze Riel to. Ang ganda talaga ng babaeng yon. Halatang kutis at laking mayaman. Plus mabait pa. All in one yung babaeng yon. Halos wala ka ng maipintas. Biruin nyo rin, ayaw pa magpahatid sa kanila? Eh gabi na kaya. Babae pa rin kaya siya. Kahit pa sabihin natin na safe yung lugar nila. Hindi ko kayang mag risk at baka mapano pa cya. Ako kaya yung huling kasama nya. Tsaka pinalaki kaya ako ng parents ko na tratuhin ng mabuti ang mga babae nang bukal sa loob.

Anyways, ang dada ko naman masyado. Baka nababagot na tong tumatawag sa akin ngayon. Ang ganda pa naman pakinggan ng ringback tone ko. Hahahaha. Kinuha ko na lang yung phone ko kahit hindi tiningnan yung caller.

"Hello? Sino to?"

"Lanya! Sa wakas sumagot ka rin! Pagkatapos mo akong paghintayin at pinapakinig sa ringbacktone mo,yan lang ang sasabihin mo? Ano bang title nun?" -Eldon

"Hahahahah. Ayaw raw pero tinatanong ang title. Hahaha. Hanap-hanap ang title nun tol. Anong-"

"Di ko alam mak-JaDine ka pala. Ang bakla mo tol." -Eldon

"Tumahimik ka Eldon. Hindi ka nakakatuwa. At tsaka, pinsan ko ang may pakana non. Ano nga bang sadya mo?"

"Pupunta ang barkada sa resort bukas ng umaga at napag-usapang dalhin mo raw si Jaze Riel. Yun lang. Kbye!" -Eldon

"Wha- toot-toot-toot"

Binabaan pa ako ng kumag. Alam na alam talagang magrereact ako. Alam naman nilang kakakilala pa lang namin. Baka hindi yon sumama. Nararamdaman kong maypagkastrict pa naman ng parents non. Eh mayaman yun eh. Gaya rin namin pero iba pa rin kaya ang pagkastrict ng parents ko sa kanya lalo na't, sa tingin ko lang naman,unica ija siya. Hay! Bahala na nga. Itutulog ko na lang to at ipapanalangin na sana sumama siya sa akin. Sana.

....

Ewan ko ba. Ako lang ba o sadyang maaga lang akong nagising ngayon? Late na akong tulog ngunit maaga pa rin akong nagising. May gagawin ba ako ngayon? Wala naman siguro. Itutulog ko na lang ulit to.

*tulog*tulog*bangon*

Nakalimutan ko! May gagawin nga pala ako ngayon. Nagyaya nga pala ang barkada at susunduin ko pa si Jaze Riel. Wew! Muntik na ko don. Buti nalang nakaidlip lang ako. Tsk.tsk.tsk

Nang mahanda ko na ang sarili ko, pinuntahan ko muna ang mga magulang ko sa silid nila upang magpaalam. Ganyan talaga dito sa amin. Kahit nagdrama ako kagabi, magulang ko pa rin sila. At kahit san man ako pupunta, dapat alam nila. Ganyan ka protective yung mga magulang ko lalo na siguro kung may kapatid akong babae. Pero sadyang hindi kami nabiyayaan eh. Magsusulat na sana ako ng note upang makapagpaalam na sa kanila ngunit bumukas angbpintuan ng silid nila at lumabas ang butihin kong ina.

"O baby Ryle, ang aga yata natin ngayon?"-mama

"Ma! I'm not a baby anymore."

MAKE ME WANNA SAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon