Jaze's POV
Edi wew! Gagala pala ako! Ipagpapasalamat ko rin pala to sa mga kaibigan ko.
At para naman hindi ako mabagot, ichichika ko na lang tong katabi ko. Pangisi-ngisi lang eh. Ewan ko lang kung ano ang iniisip ng isang to. Baka naman may sayad na ito sa utak. Buti pa kausapin ko na ito bago pa ako mapagkamalang aning kasi kinakausap ko ang mga readers na hindi naman ako kinakausap.
"Hey! Dexter, anong iniisip mo?"
"Ikaw---Este, wla. Wla. Tama, wla naman akong iniisip. Hehe" –Dexter
"Talaga lang huh? Eh bakit pangisi-ngisi ka. Sige ka, baka mapunit ang labi mo"
"Ngumisi ba ako? Hindi naman ah. Ikaw talaga Jaze. Kung anu-ano nakikita mo. Masyado mo namang pinahahalata. Tsk. Tsk. Tsk." –Dexter
"Excuse me?"
"Aminin mo na kasi. Hindi naman ako mang-aasar"-Dexter
"Aminin na ano?"
"Aminin na kanina mo pa ako tinitingnan." -Dexter
Kung may iniinom man ako ngayon, tiyak na mababasa ko ang sasakyan ng mokong na ito. Lakas makapagtrip eh. Joker yata ang lahi nito eh
"Hahahahaahhaaah."
"Oh? Bakit ka tumatawa? Kung makatawa ka naman, wagas eh" –Dexter
"So kanina mo rin pala ako tinitingnan?"
"Hinda ah!" –Dexter
"Oh chill! Masyado ka namang defensive. Napaghahalataan."
"Hin---Teka nga. Iniiba mo naman ang usapan eh. Ano na?" –Dexter
"Eh sa nakakatawa naman kasi ang joke mo eh. Yung totoo, joker ba ang pamilya mo?"
"Hindi naman. Sadyang gwapo lang talaga ako." –Dexter
"Huh? Anong connect?"
"Wow! Ang tanda tanda mo na Jaze. Hindi mo pa pala alam kung anong ibig sabihin ng connect? May app ako dyan sa phone ko, gusto mo ibluetooth ko sayo? Oh di kaya idownload mo? May pocket wifi ako. Ang password ay---" –Dexter
"Spell pilosopo?"
"Mahina ka rin pala sa spelling? Baka matulungan kita Jaze. Champion pa naman ako sa Spelling Bee Eng---" –Dexter
"Ewan ko sayo. Nakakabobo kang kausap. Matutulog na nga lang ako. HMP"
"Ikaw naman. Nagjojoke lang ako eh. Jaze, huwag mo naman akong tulugan. Sorry na." -Dexter
Actually joke ko lng talaga ang tulug-tulugan part pero sadyang traydor ang katawan ko dahil nakatulog ako agad. Sorry Dexter. Hindi ko sinansadya. Pagod lng yata ako.
Dexter's POV
Mukhang nagalit ko yata. Hindi na kasi nagsasalita eh. Baka nga tinulugan na ako ng isang 'to. Matingnan nga. Baka nagtulug-tulugan lang tong isang to. Macheck nga. Baka magdada-dada ako ng kung anu-ano tapos gising pala tong isang to. Mahirap na. Baka mabuking pa ako.
Teka-teka... Mabuking na ano? Ikaw talaga Dexter. Naprapraning ka na naman. Kung anu-ano ang naiisip. Nakikipag-usap pa sa hangin. Malala na yan. Pacheck-up ka na kaya? Mahirap na. Baka hindi mo mapakasalan si---Hayz! Makapagdrive na nga lang.
Tahimik naman ang buong biyahe hanggang sa may sumigaw sa tabi ko. Buti na lang nka full stop ako, kung hindi baka naaksidente na kami. Mabuti nalang at hindi nagyari ang masamang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
MAKE ME WANNA SAY
RomanceHim: My life was normal. I do this. I do that. Everything around me was ordinary. Until I met you... Her: We've met each other. You and me. I believe it wasn't coincidental. 'Coz when I met you, my life turned upside down. Her: Fate? Ipinagtagpo tay...