Chapter One

29 1 0
                                    

Dexter's POV

Sa sobrang gulat ko hindi ko alam kung saan ako napadpad. Ang alam ko lang ay kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan ko at nagpaikot-ikot sa buong kaMaynilaan. Hindi ko lubos maisip na mangyayari to sa’kin. Ilang beses akong tinawagan ng mga magulang ko ngunit iniignore ko lang sila at nung nakulitan na talaga ako, pinatay ko na yung cellphone ko. Oh! Nakalimutan ko palang magpakilala. How rude of me. Tsk.Tsk.Tsk.

Ako nga pala si Dexter Ryle Diez. GWAPO, nasa tamang edad at pag--iisip na ngunit isa akong dakilang BADBOY, CHICKBOY, BADASS, at kahit anu-ano pang katangian nasynonymous sa mga salitang ‘yon. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ‘yon, hindi maikakailang may naitatagong talino pa rin naman ako at ako ang klase ng lalaking may sariling limitasyon. Alam ko pa rin naman ang tama sa mali. Sadyang pasaway lang ako sa harap ng mga magulang ko.

Masisisi nyo ba ako kung gawin ko man ‘yon? 

Ninais ko lang naman makuha ang atensyon nila. Oo, nagtagumpay nga ako ngunit masyado namang sira-sira ang image ko sa kanila. Ah! Bahala na nga sila. Makapunta na nga lang sa bar ng matalik kong kaibigan at makapagpalamig naman ako sa mainit kong ulo.

Pagkarating na pagkarating ko ‘don, sinalubong naman ako ng maingay na tugtog at syempre ng mga sexyng babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa sa sobrang ikli ng mga damit na animo’y naubusan ng tela. Napapailing na lang ako. Hindi na talaga ako magtataka kung mabastos man sila ng mga manyak na lalaki dito. Tsk. Tsk. Tsk. Napabalik lng ako sa diwa ko nang may brasong lumingkis sa braso ko. Ngunit bago paman ako nakatingin sa kanya, nagsalita na siya.

“Hey! Tumigil ka na! Walang tayo! Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Nakikita mo naman sigurong sinusundo na ako ng boyfriend ko. You better back-off be---” -chic 

“Yeah dude! Better back-off at nang hindi ka na manghihiram ng mukha sa aso! Nananahimik na kami ng girlfriend ko, ginugulo mo pa.”

Sumingit na ko kahit na gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari. Sa tingin ko naman, walang masama tumulong, lalo na sa isang seksing chic na katabi ko.hahaha

“I guess wala na kaming kailangan sa’yo. We better go. Ciao!” -chic 

Hinila ako ng chic na ito palabas ng bar. Wala naman akong nagawa. Nagpadala na lang ako sa kanya. Kung iisipin, siya ang nagdala sa akin sa sitwasyong ito. Paano na lang kung sundan ako ng gagong lalaking ‘yon at mabasag pa ang mukha ko. Hindi naman sa takot sa kanya, of course not! Sa gwapo kong ito, mababagsak ako ng ungas na ‘yon? Mas nakaktakot pa nga akong tingnan kaysa sa patpating ‘yon. Isang kamao ko lang siguro ang gagamitin ko, tiyak tumba ‘yon kaagad. Hahaha. Tiyak---

“Thank you ha? At nakisabay ka sa mga pinagsasabi ko. Wala na talaga akong ibang nagawa kanina pagkat nais ko ng paalisin ang pangit na ‘yon” -chic

“Hahaha. Nakakatawa ka talaga. Totoo namang pangit ‘yon. NO offense ha, pero ewan ko ba kung bakit ka pumatol dun. Hahaha. Ano ka ba? ok lang ‘yon no. Karangalan kong maging boyfriend ng isang magandang dilag na katulad mo. *winks*”

“Hahaha. Ikaw rin. Nakakatawa. Pangit nga talaga ang isang ‘yon. At excuse me, hindi ko sya type noh. Siya lang naman ang obsess sa ganda kong to.hahahah. Anyways, I need to go. I just sneaked out from home kasi eh. Thanks again kuya. Au revoir!” -chic

MAKE ME WANNA SAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon