Chapter Two

23 1 1
                                    

Jaze’s POV

Sa sobrang lungkot ng nararamdaman ko, nagmukmok ako sa kwarto ko. Ngunit sadyang mapagbiro ang pagkakataon dahil naramdaman kong masyado akong nalulungkot dito. Labag man sa gusto ng mga magulang ko, pasimple akong umalis palabas ng kwarto ko. Mabuti na lang masyado ng malalim ang gabi at alam kong tulog na silang lahat.

Tinawagan ko na lang ang mga besties ko at nang magkita-kita kami. Napag-usapann naming pumunta sa bago at kabubukas lamang na bar malapit-lapit sa amin na siyang boyfriend pala ng isa sa mga besties ko. Oh by the way, allow me to introduce myself. I’m Jaze Riel Enchavez. Sabi nila na sa akin na daw ang lahat. Ganda, Katawan, Pamilya, Talino, at Mga kaibigan. Kung tutuusin, maswerte na ako sa lahat ng ito ngunit hindi nila alam na hindi talaga ako maswerte, na sadyang nilikha ng Panginoon upang patunayang ako’y hindi perpekto.

Pagdating na pagdating ko sa bar, sinalubong ako ng makukulay na ilaw at maingay na tugtog. Naku! Naku! Naaninag ko na rin yung mga mahaharot na babae’t lalake. Napapailing nalang ako. Tumingin ako sa kaliwa ko ngunit agad ko ring binawi. 

Akalain mo nga namang nasaksihan ng virgin kong mga mata ang make-out session ng dalawang nilalang na nasa sarili nilang mundo. Ang sarap tuloy sigawan ng “Get a room!” Er, Gross! Hindi ko talaga maisip ang sarili ko na gumaganon.

Mabuti pa hanapin ko nalang yung mga besties ko rito. Base sa huling text na nareceive ko sa kanila, nandoon lang daw sila VIP room # 1. Madali lang malaman yun kasi hindi naman ako mangmang upang hindi makabasa. Pero ang tanong, asan ang room na ‘yon? Hindi ko talaga masyadong maaninag ang anumang nakasulat pagkat hindi ako sanay sa ganitong klaseng ilaw.

Itinext ko na lang yung mga besties ko na papasundo ako sa kanila sa baba pagkat nahihirapan na akong makakita sa ganitong klaseng ilaw. Pasensya naman. First time ko lang kaya makapasok sa isang BAR. Take note, CAPS LOCK yan para INTENSE. Hahahahah. Anyways, habang naghinintay, napagpasyahan ko na lang na umupo muna sa upuan malapit sa nag e-exhibition na bartender. Cool! Pa’no nya kaya nacocontrol yung mga boteng yan sa dami ng ginamit niya? Gusto kong matuto nyan. Makapagpatulong nga sa boyfie ni bestie. For sure kilala niya yan. Para san pa’t naging may-ari siya  kung di nya naman kilala ang mga employees nya? Diba? I mean, like duh? *roll eyes*

Sa paglibot ng mga mata ko, aksidenteng nakakita ako ng di kaaya-aya. Kung iniisip nyong kalaswaan na naman ang nakikita ko, pwes, nagkakamali ayo. Normal na kaya yan dito. Hindi na kaya yan maipagtataka o kaya nama’y maipagkakaila. Ang ibig kong sabihin, nakita kong napansin ako ng isang taong obssess na obssess sa’kin. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, sadyang biniyayaan ako ng hitsura na masyadong delikado sa mga stalkers at kagaya ‘nyang obbsessed. Pa’no ko nalamang napansin ‘nya ako? Simple lang, papunta na kaya siya sa gawi ko. In fact, malapit na malapit na siya ng maisipan kong tumayo at maglakbay patungo sa lalaking kakapasok pa lamang. Cliche man tong nangyayari sa’kin pagkat palagi ko itong nababasa sa stories, wala na akong choice. Gipit na ako sa sitwasyong ‘to. 

“Hey! Tumigil ka na! Walang tayo! Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Nakikita mo naman sigurong sinusundo na ako ng boyfriend ko. You better back-off be---” 

Sorry kuya. Kailangan ko lang talagang gawin to. Sana makisabay ka na lang. Ito ang mga sinabi o sa isip ko. As if on cue, nagkaroon kami ng unconscious mental telepathy. 

MAKE ME WANNA SAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon