Street Cab

98.1K 2.3K 25
                                    

Cass' POV

Andito kami ngayon sa bahay.

Kagagaling lang namin sa mall at namili ng kung anu ano lang.

Kasama ko sila Art, Karla at Ate Dianne.

At ang mga bruha ayun nasa taas nagsusukat na ng susuotin nila.

"Ay! Karla! Bagay na bagay! Havey ka girl! Pasado ka ng kolakalike ni Carla Abellana!" rinig kong sigaw ni Art.

"Korak ka girl! Ikot ka nga couz! Yan ganda!" rinig ko naman na sabi ni ate Dianne.

Ay kaloka tong mga to! Si ate nahawa na sa lenggwahe ni Art.

Nilabas ko na lang yung phone ko at tinext ko si Bhie.

To: Bhie

'hi bhie! Kamusta? Don't forget SC tayo later.'

*message sent*

*riiiiinngg*

Calling..

Bhie

Sinagot ko yung tawag nya.

"Hello Bhie?" ako.

"Yes Bhie magtetext na lang ako pag papunta na ko. Dito na ko sa training center e. May dala naman akong damit pampalit" dire-diretsong sabi nya.

Kawawa naman Bhie ko! Halatang nagmamadali. Baka mamayat yun ah ?!

^_______^

"Ok Bhie! Text ka na lang!" sabi ko.

"Alright. Wag ka magsuot ng masyadong sexy ah." paalala nya.

Naku ! Conservative talaga si kuya!

"Yes Bhie! Love you!" sabi ko na lang.

"Love you too. Bye" sya.

Then binaba nya na.

Umakyat ako sa taas at sinilip ang mga bruha.

Nakita kong inaayos na ni ate Dianne yung hair ni Karla while si Art naman ang nagme-make up.

Lumapit ako dun sa mga paper bag na pinamili namin kanina sa mall.

Nilabas ko yung mini skirt at sleveless blouse na binili ko kanina.

"Oh ano pang tina tanga tanga mo jan? Hala! Magbihis ka na at ng maka gora na tayo!" sabi ni Art sakin.

"Eto na nga!" sabi ko.

Pumunta ko sa kwarto ko at nagsimula ng mag ayos.

Tiningnan ko yung mini skirt at yung sleeveless blouse.

At dahil masunurin akong girlfriend.

Naghanap ako ng bagong isusuot.

Bakit naman kasi ang sexy ko kahit na anong suot ko!

In the end. Nagshort na lang ako at nag three forths sleeve blouse.

Ewan ko lang kung may masabi pa si Bhie sa suot ko.

Nagpahid lang ako ng lipstick at blush on. Nilugay ko lang yung long hair ko. Tapos!

Gora na!

Paglabas ko ng kwarto ko nakaayos na din sila.

Si ate naka skinny jeans at tube blouse. Pero nakita kong may dala syang blazer.

Si Art kahit pusong babae e nakadamit panlalaki pa din.

Karla is pretty on her maroon dress and messed up hair look.

Cassadra's Big Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon