Epilogue

137K 3.3K 686
                                    

Thunder's POV

"He loves me, he loves me not, he loves meeee! Kyaaaaaaaahhh!" napapikit na lang ako sa sabay na pagtili nila Yesha at Miyu. Ang dalawang babaeng pinsan ko.

"Twiniiie! He loves meee!" ayaw papigil na tili ni Yesha.

"Oo nga Kambal! Meant to be talaga kayo!" gatong ni Miyu.

Nandito kami ngayon sa isang table, dito sa loob ng school namin, yes .. we all grown up now.

Lahat kami ay nag aaral sa iisang school, all  the boys are taking up Business Management while me? I'm taking up, Medicine. Just like my Dad.

Nasa third year college na kaming mga lalaki, kasama sila Dara, Venice, Venus and Chinchin, and that made me smile.

"Magtigil na nga kayo kakatili! Kitang may nag aaral dito oh?"  sabi ni Storm sa kanila. Ang kambal ko.

Tinapik ko si Storm sa balikat nya para kumalma.

"Sunget! hihi .." sabi ni Miyu.

Nagsidatingan na yung iba,nauna sila Clinton at Clifford.

"Nasaan na ang HoneyMyLoveSoSweet ko?" hanap agad ni Clinton kay Venus.

"Baka nasa library.." sagot ni Yesha.

"Anong ginagawa sa Library?"

"Baka tuma tumbling, alangan nagbabasa! Shunga!" sagot ni Miyu.

"K.Fine. Thanks.Bye." irap ni Clinton.

Si Clifford naman ay tumabi sa akin at agad tumungo, matutulog na naman yan.

Di pa nakakalayo si Clinton ay dumating na sila Venice,Venus at yung isa pang kambal, sila Elo at Iko.

"Hi Princess!" bati nila Elo at Iko kay Miyu, at ginulo pa ang buhok nya.

"Hello mga gwapo kong Kuya!" bati din naman ni Miyu.

Naupo sila sa pabilog na upuang semento, konti na lang kumpleto na kami.

"HoneyMyLoveSoSweet!" takbo ni Clinton patungo kay Venus.

"Wag kang lalapit sakin, sasaktan talaga kita!" pairap na sabi ni Venus. Napatingin naman kami kay Clinton na dahan dahan umupo sa tabi ni Venus, yung may space dahil alam nyang masasaktan talaga sya kay Venus dahil bukod sa Dyosa sya ay isa ring Karate Kid.

Nagvibrate yung phone ko, notification from twitter, yung sa mga nilagyan ko lang ng notification. At ang Tweet?

ZeusClinton: ajujuju LQ kami ng aking #HoneyMyLoveSoSweet ..

Ganyan lang naman sya ka OA at nagtweet agad ng nangyari sa kanila ng kanyang HoneyMyLoveSoSweet.

Tss ..  napalngon.l ako sa ibang direksyon,  at napangiti naman ako ng makita sila Dara at Chinchin.

"Hi Guys!" ngumiti si Chinchin sakin, awtomatik na umusod ako pasiksik kay Storm.

"Ano ba yan Thunder! Makasiksik wagas!" inis na sabi ni Storm. Di ko na lang sya pinansin at ngumiti kay Chinchin. Agad naman syang naupo sa tabi ko.

She gently flip her hair, mahaba at straight ang buhok nya, lagi din syang amoy strawberry, ayun kasi yung favorite nyang pabango.

Ginagamit kaya nya yung perfume na gift ko sa kanya last valentine? I ask to my self.

"Kamusta?" tanong ko sa kanya at agad na tinaas yung braso ko para akbayan sya.

Ngumiti ulit sya sakin. "Ok lang, ang daming nagpapasa ng form para sa next batch of student council."

Cassadra's Big Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon