30 minutes

79.8K 1.8K 21
                                    

Biboy's POV

Nilagyan ko ng food yung plate ni Cass.

Halatang pagod sya. Nakasandal sya sa upuan nya habang naka cross arms pa.

Pero yung paa nya nakapatong sa legs ko. Masakit daw yung paa nya. Hinayaan ko na lang.

"Kain na Bhie." sabi ko saka inilapit sa kanya yung plate nya.

Umiling sya.

"I'm tired Bhie! Uwi na tayo!" parang batang sabi nya.

'tayo' di ko pa pala nasasabing uuwi din ako pagkatapos ng dinner. Pati nga yata ang paghatid sa kanya e, di ko na magagawa.

Sobra akong male late sa duty ko nito.

Hayyss. Yaan na nga mahal ko naman e!

"You need to.." pilit ko pa.

Tiningnan nya lang ako. Tapos tumango sya.

Hinawakan nya yung tinidor saka inumpisahang iikot yung carbonara. Hinintay kong isubo nya yun kaso 5 minutes na ata. Ganun pa din yung ginagawa nya.

Tssss. Kinuha ko yung tinidor sa kanya. Agad naman syang yumakap sa braso ko.

"Eat."sabi ko saka nilapit yung tinidor na may carbonara.

Kinain naman nya yun. Pero naka pikit sya habang nginunguya.

"Ayiiiee nakakalanggam naman kayo." sabi ni Ate Dianne na katabi ni Cass.

"Hoy babae! Wag ka ngang ma arrts jan! Aalis pa yang jowa mo! Kaya bilisan mo!" sigaw ni Art.

Bigla naman napamulat si Cass at napatingin sakin.

"Sorry Bhie." sabi ko habang nilalagay yung buhok sa likod ng tenga nya.

Nag pout sya. Saka nakita ko yung mata nya na maiiyak na ewan.

Na-guilty naman ako. Niyakap ko sya.

"Sorry talaga Bhie." sabi ko.

Pinakiramdaman ko sya.

Di naman sya umiiyak.

Maya maya kumawala sya sa yakap ko.

Saka tumayo at naglakad palabas.

Dahan dahan akong tumayo. Naiiling na lang ako.

Tiningnan ko yung mga kasama ko sa table.

"Ako na maghahatid kay Cass pauwi. Wag nyo na syang hintayin." sabi ko sa kanila.

"Male late ka lalo Biboy." sabi ni Ate Dianne.

"Ok lang Ate." sabi ko.

"Aww.. Truly, Madly, Deeply nga naman." sabi ni Art.

"Go kuya!" sabi ni Karla.

Napangiti ako.

Nakita ko naman si Michael at nagtanguan kami.

Bigla naman dating ni Dale.

"Oh bakit nasa labas si Ate Cass?" tanong nya."Wow! Food. Tamang tama gutom na ko!" sabi pa nya.

Saka naupo dun sa upuan ni Cass.

"San mo sya nakita?" tanong ko.

"Sa labas. Dun sa garden." sabi nya.

"Sige. Thanks!" sabi ko at tumalikod na.

Narinig ko pa yung boses ni Art.

"Hoy! Maghugas ka muna nga ng kamay mo! Kadiri ka!" sabi nito na malamang kay Dale.

Cassadra's Big Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon