A Night to Remember

93.7K 2.6K 94
                                    

Cass' POV

May Dinner Party daw kami sa isang resto dito.

So pinagbihis nila kami.. Hawaiian ang motif.

"I'm so tired na talaga mga ateng, gusto ko na talaga sana mag beauty rest e, nakuu.. Siguraduhin nyo lang maraming boyslalu jan, ng di masayang ang outfit ko!" malanding sabi ni Art.

"Wag ka ngang malandi Baby A." sweet na sabi ni Ate Dianne.

"Lumayo ka sa akin Diannera! Pepektusan talaga kita!" sabi ni Art at binuo pa talaga ang first name ni Ate.

Tinigilan ko na makinig sa paglalandian nila Art at Ate Dianne.

"Ate eto isuot mo bagay sa damit mo." sabi ni Karla sakin sabay abot nung bilog na hikaw.

Naka dress lang ako na mahaba hanggang sakong.

*tok* *tok* *tok*

Narinig naming may kumatok.

"Yesh?" malanding bukas ni Art at lumantad samin ang isang lalaking staff ng resort.

"Pinabibigay po nung organizer ng party, sumunod na lang daw po kayo sa kanila. Ako po ang mag eescort sa inyo." sabi nung lalaking staff.

Inabot ni Art yung parang pang hawaiian necklace na puro bulaklak.

At saka umabrisyete sa lalaki.

"Oh gora na kuya! Escortan muna aketch." malanding sabi nya.

Biglang lapit naman ni Ate Dianne.

"Malandi kang bakla ka!" sabi ni Ate with matching pingot pa.

"Aray naman Baby D! Di ka naman mabiro! Tara na nga.. O kuya i-sketch mo na lang yung daan, we can manage na." sabi ni Art.

I really don't know what's going on between them.

Napakamot na lang si kuya.

"C'mon kuya.. Samahan nyo na po kami." sabi ko na lang.

Kami ni Karla ang magkatabi na naglalakad at nasa unahan namin yung lalaki. Sila Art naman ay nasa likuran namin.

Nakarating kami sa isang resto na wala gaanong tao.

Nakita ko sila Dad kasama sila Tito Martin at Tita Amanda (parents nila Dale and Karla) at Tito Jay and Tita Aymee (Biboy's parents)

Cassadra's Big Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon