Chapter IX

76.1K 1.6K 250
                                    

“There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.” 
― Albert Einstein


*Her Last POV*

Cass' POV

Today is our Reunion Day. Nandito lahat kami sa bahay ni Dad.

Everyone has their own pasalubong. Ang mga bata ay nagkakasiyahan habang kami ay naghahanda ng pagkain.

Kami ni Biboy ang nasa harap ng ihawan, habang sila Veronica at Sachi ang naghahanda ng mga plates, sila Art at Ate Dianne ang nakatoka maglabas ng mga food galing sa loob ng bahay, sila Karla at Michael ang nag aayos ng mga upuan at pagkain sa mesa.

Su Tita Malou, Tita Amanda at Mama Amee ang nasa loob at nagluluto ng pagkain. Habang sila Tito Simon, Tito Martin, Papa Jay at Daddy ay nasa mga bata. Sila ang nagbe-baby sit.

"Lolo!" umiiyak na kumandong si Yesha sa lap ni Dad at umiiyak na sumiksik sa braso nya.

"Why Baby?" tanong ni Dad sa kaisa isang Prinsesa ng Aragon.

"Ruki told me, he can't be my boyfriend." nagkatinginan kami ni Ate sa matatas na pagsasalita ni Yesha, she's just four years old. Napalapit din naman si Veronica sa amin  at nakinig sa sumbong ni Yesha.

"Baby, you can't be he's Girlfriend, because your too young." amo ni Dad sa umiiyak pa din na si Yesha.

"Anong meron?" lapit ni Asha samin kasunod si Karla.

Naglapitan na din ang mga barako namin na anak. From Thunder, Storm, Clifford, Clinton, Angelo, Angelico and Ruki.

"Stop crying Honey." lumapit si Art sa anak nya at binuhat. Kinarga nya ito at inamo.

"Ini-spoiled nya talaga." bulong ni Ate Dianne at naglakad palapit kay Art.

"Hayaan mo syang umiyak para malaman nyang mali yung iniiyakan nya, paano yan matututo, kung lagi mong kakampihan." mahinahon na sabi ni Ate at binaba si Yesha sa pagkakarga ni Art. Agad naman na tumakbo si Yesha kay Dad.

"Dianne, Baby pa si Yesha so hindi nya pa yun  maiintindihan."

"Hindi lahat ng gusto nya ay tatanguan natin. Ayoko palakihin syang sinusunod natin ang lahat ng gusto nya."

At nagtatalo silang pumasok ng bahay. Echoserang ate to, gusto lang nyang magsolo sila ni Art eh.

"Psst ..mana sa Nanay no? " natatawang nguso ni Veronica kay Yesha.

"Oo nga. Bata pa lang ang harot na." gatong ni Karla.

"Pero wala namang masama diba?" tanong ni Asha.

"Wala naman talaga. They're not really blood related." sagot ni Veronica.

Ang tinutukoy namin ay ang namumuong ugnayan sa anak nila Art at Ate Dianne na si Ayesha, nagpapakita na ito ng iterest kay Ruki ang anak ni Veronica. Kaya namin nasabing mana sa Nanay dahil ina-acclaimed nya ng sila ang bagay ni Ruki.

Totoo nga ang sabi nila, ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Kaya ayan galit na galit sya sa tuwing sasabihin ni Yesha na sya ang magiging Girlfriend ni Ruki.

Bata pa man ang mga anak namin ay alam ko nang magiging magkaibigan din sila katulad namin. Sobra silang maalaga at protected kay Yesha na nagiisang babae at bunso pa. Pinakapilyo ang kambal na sila Clifford at Clinton, lahat ng kalokohan alam, mana sa tatay. Sila Angelico at Angelo  naman ay magkaibang magkaiba, isang suplado at isang palakaibigan, mapababae man o bakla, ang kambal ko ay ang dabest, tipong negative at positive. Si Ruki ang nagsisilbing leader nila, at si Ayesha ang prinsesa.

Cassadra's Big Love (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon