•4•

12.7K 202 2
                                    

Veronica's POV

At habang naglalakad kami bigla na lang akong nauntog sa likod niya. Alam kong siya yun dahil siya lang naman ang kasunod ko, pwera nalang kung may kasama kaming iba maliban kay Mr.Montesilva at yung isa nilang kaibigan na kasama din namin kanina na si Mr.Aragon

"Ehem" ang tunog na nagpa balik sa akin. Tumingala ako at nakita ko siya na nakatingin saakin hindi parin nag babago ang kanyang ekspresyon, parang galit at inis ang makikita mo saknyang mukha. Nakalimutan ko na ngang mag aray ng dahil nakita ko siya at dahil nga ina-alam ko pa kung may kasama kaming iba maliban kay Mr.Montesilva at Mr.Aragon

"I'm sorry" yan ang mga salitang lumabas saaking bibig at hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyan. Narinig niya ako pero wala siyang sinabi man lang.

"Sakay na" nabigla pa ako nang sinabi niya iyan dahil bigla bigla niya na lang sinabi iyan. Ang dalang naman nila kasing magsalita, hindi ko pa nga narinig ang boses ni Mr.Aragon eh.

Hindi ko alam kung saan ako sasakay kaya napag desisyunan ko na sa likod na lang ako uupo dahil baka magalit siya kapag ako ang makatabi niya. Hindi naman siya nagsalita at may sinabi lang siya or sabihin na natin na may ibinulong siya kay Mr.Aragon

Habang nagbyabyahe kami at sguro mga limang minuto na ang nakalipas at walang nagsasalita saamin kaya napakatahimik ng atmosphere baka maloka na ako dahil hindi ako sanay sa tahimik na lugar.

"Anong alam mo kay Terrence Montesilva?" saad ni Mr.Aragon

Darryl's POV

A/N: Darryl Blade Montesilva

"Uy ang gwapo ng nakabili sa atin noh? crush ko nga yung naka bili kay lei eh para kasing ang col niya and parang ang talino! kyahhh kinikilig ako! eh yung sa iyo? hindi ka ba na gwagwapuhan sa nakabili sa iyo? ano kaya yung ipapagawa o gagawin natin?"

"hindi ko nga rin alam eh, Abi. Uy ikaw ha! hindi mo ba type yung nakabili saiyo? cute naman siya diba? tinatanong mo kung na-gwa gwapuhan ako sa nakakuha saakin? pwede pero ang cute talaga nung nakabili saiyo pati yung isa pa nilang kaibigan noh? hindi yung nakabili kay lei ha?! yung isa pa nilang kasama.

Ha? Ano daw?! Ako pwede lang? Hindi naman ako dapat makikinig sa pinag-uusapan nila kaya lang narinig ko na pinag uusapan nila kami

Ewan ko ba kung bakit ako biglang nawala sa mood ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

Habang pabalik na kami ng sasakyan bigla na lang may nakatama sa likod ko o sabihin na nating natamaan siya ng likod ko, bakit kasi siya naka yuko eh.

"Ehem" yan na lang ang lumabas sa aking bibig dahil parang nawala siya sa kanyang sarili na parang may kausap sa hangin.

"Sumakay ka na" sumakay siya sa likod kaya naman binulungan ko si EJ na siya ang tumabi saakin dahil nasa likod nga si veronica.

A/N: EJ Aragon

"Anong alam mo kay Terrence Montesilva?"
Sabi ni Ej nabigla rin ako pero hindi ko pinahalata dahil gusto ko rin na malaman yung sagot niya.

Veronica's POV

"Anong alam mo kay Terrence Montesilva?"

Nabigla ako ako sakanyang tanong pero hindi ko pinahalata. Ayaw ko sanang sagutin iyon dahil ayaw ko nang maalala o makirinig ng kahit ano na kabilang si terrence

"S-si terrence montesilva?, kaibigan ko lang matalik na kaibigan" yan lang ang mga nasabi ko kay Mr.Aragon dahil kapag nagsalita pa ako baka maiyak lang ako.

"Ah ganun ba? Iba kasi ang nabalitaan ko eh" Nabigla ako sa sinabi ni Mr.Aragon. hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga nalaman niya, close ba sila ni terrence o baka dahil magkapatid sila terrence at Mr.Montesilva?

"Nalaman kong mag kapatid sila terrence at Mr.Montesilva nung second year college ako, habang nag uusap kami ni terrence biglang dumating yung ka kambal niya na si cassandra montesilva. Kilala ko si cassandra dahil sikat siya sa campus at dahil nga kapatid siya ni terrence, pero hindi ako kilala ni cassandra dahil tahimik lang ang buhay ko sa loob ng school hindi gaya nung bestfriend ko na si gayle velasco."



"Ayun na nga pinag pa-alam ni cassandra si terrence ang sabi ni terrence babalik din siya, hintayin niya ko raw dapat siya, dahil babalikan niya raw ako, naghintay ako ng isa't kalahating taon pero wala pa rin terrence na nag papakita saakin, hindi ko nga alam kung namatay o nakabuntis na yun ea."




"Siguro naging paranoid na lang din ako dahil tumatak saakin na babalikan niya ako, pinangako niya pa nga saakin na papakasalan niya ako kahit na more than best friends palang kami dati, hinintay ko siya, hindi ako nagboyfriend kahit may nanliligaw saakin dahil nag babakasakali ako na babalik siya, pero nung pina mukha saakin ni gayle na kailangan ko nang tanggapin na hindi na niya ako babalikan dahil daw baka may girlfriend na siya o di kaya naman ay nakalimutan niya na ako"




" oo inaamin ko nainis ako kay gayle nun hindi kami nag usap ng best friend ko ng isang buong linggo dahil sa kanya! Wala akong makasama at wala akong mapagsabihan ng problema dahil wala sa tabi ko si gayle, doon ko naisip na mas masakit mawalan ng kaibigan keysa mawalan ng lalaki,"


"Pero ang hindi ko kinaya ay nung binigyan ako ng sulat ni cassandra na ang nakasulat ay "hindi ko kayang tuparin ang mga pangakong nasabi ko saiyo, huwag mo na akong hintayin at masaya na ako sa buhay ko ngayon at siya nga pala di kita minahal" kaya nakipag-bati ako kay gayle at na-realize ko na tarantado ka, hanggang sa nag try ako maka move-on saiyo, nakaya ko naman hanggang sa nangyari itong mga nakakagulong bagay na hindi pa matangap ng sistema ko dahil na rin siguro hindi sanay ang katawan at utak ko sa mga ganitong sitwasyon yung puso ko naging immune na sa pagk-wasak. At dahip naka move-on na nga ako sa sakanya, sabi ko hindi na ako masasaktan kapag narinig ko ang pangalang "terrence montesilva" pero bakit nasasaktan ako ngayon?"

"Hindi ko pa mamamalayan na umiiyak ako kung hindi pa huminto ang sasakyan na sinasakyan namin at kung hindi pa ako binigayan ng tissue ni Mr.Montesilva"

"Hindi na muna kita tatanungin ngayon, pero sana sabihin mo saakin ang lahat sa susunod" narinig kong sabi ni Mr.Aragon bago naging itim ang lahat.

Darryl's POV

Bigla nalang nahimatay si veronica kanina at kailangan ko siyanv dalhin sa kuwarto niyo dito sa bahay ko.

Pababa na sana ako ng biglang may narinig akong boses na pamilyar saakin at pamilyar din kay veronica....


A/N: 200+ reads na po tayo and 20+ votes na. I'm so thankful and sana po keep on supporting :) Iloveyou po and Take care. Toodles•,• btw 1100+ words po itong chapter na ito XD

The Baddest BidderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon