•2•

13K 261 3
                                    


"Sold to Mr.Vergara"

"Umph Uhmp"

Bigla akong nakarinig ng mga ungol at hikbi,tumingin ako sa aking katabi na si Leila na nagwawala at nagtutubig na ang kanyang mga mata at parang may galit at hinagpis ang mga ito.

Pinakawalan na si Abigail at dinala na siya sa lamesa kung nasaan si Mr.Vergara, na ngayon ay mayroon mapaglarong ngiti sakanyang labi. Hindi ko malamam ang nararamdaman ngayon ni Abigail dahil walang ekspresyon ang kanyang mukha.


"Next is The Lady in Black, Ms. Leila De Guzman, she's a little bit aggressive and I know you want that kind of woman" sabi ng lalaking nagsasalita 

"Starting in 15 million" panimula niya 

"20 million" 

"25 million"

"35 million" sabi ng lalaking nasa mid 60's ata ang nag sabi  niyan. makikita mo ang pagkadiri sa mukha ni Leila. Hindi niya rin siguro inaasahan ito


"Okay going once, going twice, sold to Mr.---" 


"45 MILLION" singit ng isang lalaking kasama ng lalaking bumili kay Abi


"WOW! last minute surprise Mr. Lee" 


" Okay going once, going twice, Lady in black sold to Mr. Lee"

Ang nakabili kay Leila na si Mr.Lee ay nakaupo rin sa lamesa na itinutukoy ko. Si Mr. Lee ay nakasalamin at mukhang seryoso


Ako na ang susunod na ibebenta nila. Bigla akong nasilaw dahil itinutok nila saakin ang ilaw na nang gagaling sa itaas. 


Kaming tatlo nila Leila at Abigail ay nagsusuot ng bestida. Si leila ay naka itim kaya "lady in black" ang tawag sakanya. Si Abigail naman ay naka asul kaya naman "lady in blue" ang tawag sakanya.

Ako naman ay naka pula kaya ang tawag nila sa akin ay " lady in red " kami ba ang power puff girls na adult version? ..... natawa ako saaking sarili, kaya lang sandali lamang iyon dahil biglang may nagsalita na nagpabalik saakin sa realidad 

--
A/N:
Don't forget to vote and comment, Iloveyou guys. be safe

The Baddest BidderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon