Veronica's POVNag labas ako ng soda and nagtimpla din ako ng juice
Balak ko na rin sanang kunin ang cake na nasa ref
"Uhm, excuse me, pwede bang ituro mo saakin ang papuntang pool?" Saad ng babaeng nagtanong saakin
"Ay si--" naputol ang aking sasabihin dahil pagkaharap ko ay nakita ko ang aking matalik na kaibigan noong highschool na maliban kay gayle na bestfriend ko.
"Angela?!" "Veronica!" Sabay naming sigaw.
"Ikaw nga!" Sabi ni Angela sabay yakap saakin. Niyakap ko na rin siya.
"Mommyyyy!" Iyak ng isang batang lalaki habang pinupuntahan niya si Angela
"Baby Mommy's here, pasensiya ka na ha? Iyakin talaga itong baby boy ko eh" sabi niya sabay karga sa anak niya.
"Ano ka ba, Ok lang. Cute nga niya eh" sagot ko naman sa kanya
"Ano nga palang ginagawa mo rito? Kung di mo mamasamaain" tanong niya na ikinabigla ko
Sasagutin ko na sana ang kanyang tanong ng may ingay na nagmula sa labas.
Nabigla kaming dalawa ni Angela kaya mabilis kaming tumakbo sa kinaroroonan nila. Habang karga karga niya ang kanyang anak.
"Anong nangyari?!"sigaw ko
At nakita ko nalang silang lahat na pinagtatawanan si abi at cass na nahulog sa pool dahil naglalaro sila nung laro na sasampa ang babae sa balikat ng lalaki and vice versa sa kabilang team then dapat mahulog ang kalaban para manalo ka.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay para kumuha ng twalya para saknila.
"RONI!!!" Sigaw niya
A/N: Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Baddest Bidder
Ficción Generalfind out who's your baddest bidder! Hindi naging maganda ang takbo ng buhay ni Veronica pagkatapos mawala ng kanyang magulang at pagkatapos gastahin ng kanyang kapatid ang kanilang pera. Ipinagbili siya sa isang organisasyon para sa mga mayayaman.Ma...