Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong sukuan ang pagtulog. Bukod sa hindi ako masyadong makagalaw at makaikot dahil sa sugat ko ay hindi rin ako pinapatahimik ng utak ko.
Accepting that I wouldn't be able to sleep any longer as it was already 4:27 a.m., I decided to step out of our room. Gusto ko sanang magsulat para naman hindi nasasayang ang oras ko pero baka magising sila kapag in-on ko ang ilaw sa sala. Ang tanging ilaw lang na bukas ay sa porch kaya sumilip ako sa labas at nakitang may iilan-ilang staff members ang gising na.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka lumabas habang dala ang tablet. Balak ko sanang sa camp store magsulat kaya tinanong ko ang isang staff member na dumaan kung puwede pero 5 a.m. pa raw magbubukas 'yon kaya naman nag-stay na lang ako rito sa porch kahit medyo nakakatakot.
Binuksan ko ang tablet at nagsimulang magsulat. I was in the zone for a few minutes and wrote about two paragraphs before I got distracted by the staff members shuffling around the camp. 'Yung iba ay may bitbit na weird costumes habang ang ilan naman ay may hawak na malalaking bagay na nakataklob ng tela para hindi makita.
Agad na napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga 'yon. Alam ko namang magiging under speculative fiction ang genre ngayon dahil nakapagpahinga na kami ng isang buong araw pero na-disappoint pa rin ako nang makita kong iyon nga ang mangyayari ngayon.
Wait, baka horror na naman 'to? I mentally remarked.
What if horror costumes pala 'yung bitbit ng staff members kanina at jumpscare props ang mga nakatakip?
"Uy, aga mo, ah?"
"Ay p—!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong boses sa likuran ko. Worse, may humawak pa sa balikat ko habang nag-i-imagine ako ng horror challenges.
Sunny's face came into my view as soon as I turned around. "Sorry," natatawang sabi niya.
I bit my lower lip in embarrassment. Natawa na lang din ako dahil ang OA ng reaksyon ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kahihiyan, to the point na parang gusto ko na lang pumasok ulit sa cabin at magtago sa ilalim ng kumot.
"Nagulat lang ako na ikaw ang unang nagising sa inyo," she remarked.
Grabe. Mukhang may reputasyon na ako bilang hindi morning person dahil lahat ng ka-group ko ay laging maagang nagigising.
"Ah, hindi lang nakatulog nang maayos," I replied.
Natawa naman siya sa sagot ko. She said she was expecting Arin, so she got curious when she saw me instead. Nagpaalam din siya after that dahil magj-jogging pa raw siya.
Napabuntonghininga na lang ako nang makaalis na siya. It was quite stressful earlier but at least I felt comforted knowing that some writers were already awake. I was about to go back to writing when the door creaked open.
Bumungad ang mukha ni Zion at nagtama ang mga mata namin. I was suddenly reminded of what happened yesterday and felt the blood rushing onto my cheeks.
"I thought I heard something," he murmured, his voice still groggy. "Gising ka na pala."
Afraid that he'd see my flushed face, I turned my gaze to the tablet in front of me, feigning indifference. "Halos kagigising ko lang din," I replied.
My shoulders stiffened when he sat right across me, and for a second, I felt a bit frustrated. Pakiramdam ko ako lang ang affected sa mga sinabi niya kahapon to the point na hindi ako nakatulog nang maayos, samantalang siya, parang wala lang.
...or maybe I just misunderstood his words and intention?
"Mukhang mahirap ang challenge ngayon."
Nakita ko namang nakatingin siya sa ilang staff members na naglalakad sa camp kaya napunta rin doon ang atensyon ko. Right, I needed to stop thinking about it.
BINABASA MO ANG
Challengers
БоевикElix just wanted a quiet summer after graduation, but an invitation derailed her plans. Despite her success as an online writer with quite a massive following, she has never shown her face and only enjoyed her reputation behind the screen. When her...
