My Love is A Dragon
[ A/N : So, ang setting, sa Korea pero nagtatagalog sila. Parang ang gulo no o.O Pero imaginine nyo na lang :)) Hi Ms. Tincampy! Eto na yung storyyyyy. XD]
Chapter 1: First Meeting
Annyeong~! Ako nga pala si Dara. 14 years old. 3rd year high school. Ako yung tipo ng babae na hindi masyadong mapag–ayos. Kahit nakaponytail lang, okay na sa akin.
Kasama ko sa cafeteria ngayon yung tatlo kong kaibigan, Si Bom, Minzy tsaka si CL.
Si Bom, maganda, mahaba ang buhok,tsaka maputi. Mahilig siyang mag make up. Lapitin siya ng mga lalaki. Sa amin, siya agad ang napapansin ng mga lalaki. Pano ba naman kasi, hindi niya tinatago yung legs niya na asset nya talaga. Proud siya dun. Okay lang naman, bagay naman sa kanya.
Si Minzy, siya yung pinakabata sa aming magkakaibigan. Maiksi ang buhok niya. Siya rin ang pinakacute. Dahil siya nga ang pinakabata, madalas siya ang sinesermunan naming tatlo. Ewan ko ba. Ang kulit din kasi nito.
Si CL, siya yung pinakamatalino sa amin. Medyo boyish siya, minsan naman, kikay na kikay. Nadadala niya kahit anong damit. Mayaman din yan! Parang siya nga yung leader sa amin eh.
“Nakakainis naman! Binanggit pa talaga yung mga scores natin kanina! Alam na tuloy ng lahat na ako ang may pinakamababang score sa buong 3rd year!”
At bakit nga ba ako ang pinakamababa sa exam namin? Pano ba naman kasi tong tatlo, pinagblind date ako kahapon. Ayaw ko nga sana kasi magrereview pa ako sa exam namin, eh pinilit nila ako.
*flashback*
*ring ring*
Tumunog yung phone ko. Tumatawag pala si Bom.
“Park Bom is inviting you for a conference.“ Conference? Ano na naman kayang sasabihin nitong mga to sa akin?
“Yoboseyo?”
“Dali na Dara, pumunta ka na. Sandali lang kayo.”
Kaibigan daw kasi ng pinsan ni Bom kaya payag na payag siya.
“Oo nga, Dara. Ang narinig ko, madali lang daw yung exam bukas. Stock knowledge na lang yan!”
Tignan mo tong si CL. Palibhasa, matalino -__-
“Sige na unnie, sandali lang yun promise. Lagot sa amin yun pag may ginawa siyang masama sayo.”
Hala, Minzy, nakisali ka na rin :o
“Ya! Ang ingay nyooooo! Oo na, pupunta na ako. Mag-aayos na ako. May magagawa pa ba ako? -__-“
At pumunta nga ako. Nakita ko na yung kablind date ko, simple lang siya pero naboringan po talaga ako -.- Ang tagal namin dun sa resto tapos nanood pa kami ng movie. Action movie pa -.- di po ako mahilig sa bakbakan. Ano ba naman yan? Ngayon lang talaga ako naexcite umuwi.
*end of flashback*
“Kayo kasi eh! Pinilit nyo pa ako eh! Ayan tuloy -.-“
“Okay lang yan. Sama ka na lang sa amin ngayon,”, hirit ni Bom.
“Ayoko. Pass muna ako. Next time na lang.”
“Sigurado ka ha?”
“Oo, CL. Bantayan niyo ng maayos si Minzy ha.”
“Oo naman. Sige, mauna na kami. Annyeong~”
“Sige. Ingat!”
Naglakad na ako pauwi.
"Ano ba naman to? Nakakahiya talaga! Arrghhh!!!"
Nakakita ako ng lata ng softdrinks sa kalsada. Dito ko na lang ibubuhos ang galit ko.
*yahhh!!* (eh pano ba kasi yung sound effect ng sipa? -.- )
Tinuloy ko na ang paglalakad ko pauwi.
* ??'s POV*
This is the LIFE!! I can do whatever I want with all of my parent's money ;)
Ako nga pala si GD.Well, my parents are the owners of one of the most successful companies here in Korea. And for my birthday, sasakyan ang niregalo sa akin. 2012 Mercedes Benz SLK200. Hayyy, maigala nga muna tong bago kong alaga.
Nagsstroll ako sa medyo maliit na kalsada, malapit sa isang exclusive for girls na school.
Nagulat na lang ako nang may tumamang kung ano sa mukha ko. Nawalan tuloy ako ng control sa manibela, kaya ayun, nabangga ang sasakyan ko sa pader. Yung sasakyan kooo T___T
Pinulot ko kung anong tumama sa mukha ko. Isang lata ng softdrinks?? Lagot sa akin ang gumawa nito!!
Isa lang ang nakikita kong may kasalanan nito. Itong babaeng naka school uniform dahil ito lang naman ang tao dito.
Agad ko siyang nilapitan.
" Hoy miss, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Uhmmm, naglalakad?"
"Wag ka ngang pilosopo! Ano to?"
"Lata ng softdrinks! Ano pa ba?"
"Ikaw ang bumato nito no?"
"Di ko yan binato no!"
"Sinipa mo?"
"Ne."
"Aish!!! Paano na yung sasakyan ko? Tignan mo, ang laki ng gasgas! Alam mo bang mahal yan? 2012 Mercedes Benz SLK200 yan!”
"Eh ano naman ngayon? Di ko naman sinasadya eh.Mahirap lang po ako, mukhang mayaman ka naman po eh. Kaya mo na yan,,"
"Wow ha. Akin na 30,000 , bayad mo sa pagkagasgas nito! Ppali"
"Wala po akong ganun no!"
"Eh mahal yung sasakyan ko eh. Akin na sabi."
"Uyy ano yun? May pulis!"
"Saan?"
Pagkalingon ko, wala na yung babae. Kumaripas na ng takbo.
"Yah!"
Tumalikod siya, at nag make face pa!
"Bleh!! Annyeong! Hahaha!"
"Aish! nakatakas pa! Ano ba naman yan!"
Napatingin ako sa kalsada at may napansin.
May naiwan yung babae.
Yung wallet nya.
Binuksan ko yung wallet nya at nakita ko yung school ID nya.
"Haha, Pabo."
*GLOSSARY :))*
*Annyeong - Hi/Hello/Goodbye (informal)
*Yoboseyo - Hello (used when picking up phones)
*Unni/Unnie/Eonnie - tawag ng isang babae sa mas nakatatandang babae
*Ya - Hey
*Ppali - Quickly
*Pabo - stupid
Para may idea po kayo nung sasakyan, ayun po oh, sa kanan ^___^
BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...