Pagdating namin dun sa restaurant, ginuide na kami ng receptionist sa pinareserve nilang table.
Wala pa pala yung kameet namin.
Nagpaalam muna ako kay eomma na maglalakad lakad lang sa paligid.
Maganda kasi yung view, hindi ako maboboring.
At saka, siyempre, picture picture na din! ^____^
"Eomma, maglalaad lakad lang po ako. Babalik din po ako agad."
"Sige Dara, bilisan mo lang ha? Baka mamaya, dumating na sila."
"Sige po.."
Naglakad na ako palabas ng restaurant.
Ang sarap ng hangin dito.
Medyo malapit kasi sa may beach, maririnig mo rin yung hampas ng alon.
Nakakarelax maglakad dito, lalo na pag ganito katahimik.
Madilim dahil gabi na, ngunit ibang liwanag ang dala ng buwan. Sobrang nakakakalma.
Nang medyo nakalayo na ako, yung alon at hangin na lang ang naririnig ko.
Umupo ako dun sa may bench malapit sa may buhangin.
Pumikit ako, lalo kong naramdaman ung feeling na para bang wala kang problema.
Nagulat ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Nagtext pala si Sanghyun.
" Noona, bumalik ka na daw. Nandito na sila. "
Naglakad na ako pabalik ng restaurant.
Hinanap ko ulit yung table na pinareserve nila.
Nakita ko na sila eomma pero iba yung pumukaw ng atensyon ko.
Yung mga dumating, isang matandang lalaki at isang lalaking medyo matanda lang siguro sa akin ng konti.
Ang taas ng buhok nung lalaki.
Parang ang weird nung hairstyle niya.
Nang mapalapit na ako sa lamesa namin, binati nila ako.
Ngumiti naman ako at umupo na sa upuan ko na halos katapat lang nung upuan niya.
Bakit ganun? Parang mejo pamilyar yung mukha niya.
Hindi pa rin umaangat yung ulo nung lalaki, kanina pa siya nakayuko, parang nagtetext.
Nagsalita na si ahjussi, mukhang kausap niya yung lalaki.
"Oh iho, kamusta ka naman ngayon? May business ka na ba?"
Pagtingala nung lalaki,
Omo!
*faints*
--
A/N: Hi, mini chappie oh. ~ HAHAHA. XD
Sa mga naguguluhan po pala sa characters, (kasi actually ako rin naguluhan nung una, haha)
Jin Hwan - tatay nila Dara.
Chanwoo - tito ni Jin Hwan na umampon sa kanya ever since the accident, so parang lolo nila Dara.
Gets na po ba? XD
Let me know pag may other questions pa. :) Ayun oh, may comment box :))
Till next chapter. ~

BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...