Chapter 3: Master GD
“Tutal, nandito naman tayo sa condo KO ngayon, pwede kong ipagawa sayo ang lahat ng gusto ko, Kaya ganito, ang una mong gagawin…”
At aba, nakukuha niya pang magsmirk ha. Ano ba kasi yun, nacucurious ako o.o
“… ay maglinis! Susunduin ko si Daddy at darating kami dito ng mga 5 PM.”
Aba, gawin daw ba akong katulong??
Napatingin ako sa orasan. Hala, alas tres na! o.O
“Eh teka, alas tres na eh. Hindi ko to matatapos lahat! Sa nakikita ko sa sala mo pa lang baka isang araw na to eh!”
“Aalis na ako. 5:00 ha!”
“Pero, teka-“
Wala na. Naisara niya na ang pinto! Waaaaa! Kailangan ko nang magsimula!
Sobrang gulo naman ng unit niya. Bakit naman naging ganito dito? Parang dinaanan ng bagyo! Damit dito, mga pinagkainan diyan, yung mga remote na nakasalampak lang kung saan. Ang hirap nito -___- Sala pa lang yan ha!
Nakakita ako ng isang basket, at dun ko pinaglalalagay lahat ng mga damit nya.
Yung sofa, inayos ko pati yung mga unan.
May mga magazine sa sahig, bakit ganun yung mga cover, puro babae at kulang sa damit o.O Pinulot ko lahat yun at itinabi sa may shelf.
Lahat ng pinagkainan na disposable, tinapon ko sa basurahan. Lahat ng remote, inayos ko dun sa may table niya.
Pagdating ko sa kusina, pambihira!
Ang gulo rinnnn!
Tambak ang hugasin, pati balat ng mga instant noodles at junk foods, nandoon pa!
Pinagtatatapon ko lahat ang mga kalat niya sa basurahan at hinugasan lahat ng hugasin niya.
Yung sa may kwarto naman, parang naiilang ako kasi kwarto yun eh o.O
Lahat ata ng klase ng damit, makikita mo sa sahig nito.
Parang pagkahubad, hagis na lang eh.
Buti alam niya kung saan kukuhanin yung malilinis niyang damit.
Pero inayos ko na lang yung kama, nilagay sa basket lahat ng mga nakakalat na damit at tinapon lahat ng basura.
Eh maganda naman pala yung unit niya eh, basta lang, maayos. Hanggang kelan kaya tatagal ang ayos nito kay GD?
Sa wakas, natapos ko na lahat ng gawain. Napatingin ako sa relo, sakto, alas singko na.
Napatingin naman ako sa door knob kasi unti-unti ng bumubukas. Andiyan na ata sila o__O
“Wow, Jiyong. Ang linis na ng condo mo ha. Proud ako sayo..” sabi ng papa niya habang pinagmamasdan yung unit ni GD. Pero teka, Jiyong? Di ba GD ang pangalan niya? Bakit naging Jiyong?
“Aba’y teka? Sino to, Jiyong? Girlfriend mo?”
Nagulat kami ni GD at nagkatinginan.
“Girlfriend? Hindi po, Daddy! Ang bata-bata pa po niyan no. Tsaka, parang maid ko lang po yan. Wag po kayong mag-alala.”
“Pero maganda siya Jiyong ha.”
Nginitian ako nung daddy niya. Ngumiti din naman ako. Mukhang mabait, di tulad nitong si GD na sa tingin pa lang, alam mong suplado na.
Lumapit si Jiyong sa akin.
Nag-akmang siyang may ibubulong kaya lumapit ako.
“Ano ba yan, ang gulo gulo ng itsura mo. Sige, makakauwi ka na.”
“Sige, aalis na ako.”
“Teka, o eto, 200. Pamasahe mo man lang.”
Tinanggap ko naman yun at umalis na.
Pagkadating ko sa bahay, nadatnan kong naghahanda na para kumain sina Sanghyun, Umma tsaka Appa.
“O Dara anak, bakit ganyan ang hitsura mo? Anong nangyari?Tsaka gabi na ha, bilisan mong mag-ayos para makasabay ka na sa amin na kumain.”
Sino ba naman kasing hindi magq-question sa itsura ko, ang dumi ng damit ko, ang gulo ng buhok ko at pawis na pawis ako.
“Wala po, nagkaayaan lang po kaming magkakaibigan. Sige po Umma, maliligo lang po ako. Bababa po ako agad.”
“Sige, bilisan mo.”
Pero si Sanghyun tsaka si Appa, masama ang tingin. Anong ibig sabihin nun? O____O
Hala, mga maling hinala.
Pag-akyat ko ng kwarto, humagilap agad ako ng mga bagong damit, kinuha ang tuwalya ko at nagsimula nang maligo.
Alam mo yung feeling na habang naliligo ka eh parang ang daming pumapasok sa utak mo? Parang masosolve mo lahat ng problema mo?
Yun yung nararamdaman ko ngayon.
Wala talaga akong balak sabihin kila Umma yung nangyari dun sa sasakyan ni GD.
Alam ko naman kasing wala rin silang magagawa.
Lalo lang akong makakadagdag sa gastusin.
Eh dalawa kasi kaming nag-aaral ngayon ni Sanghyun. Tapos si Doorami, yung bunso namin, baby pa siya. Siyempre, maraming gastos kasi nga baby pa. Diaper, gatas, vitamins, bakuna, lahat na.
Eh hindi naman ganun kalaki yung sweldo nila.
Tapos hihingi pa ako ng 30,000 para sa gasgas lang sa sasakyan?
Baka pahintuin na nila ako sa pag-aaral.
Kaya ayun, siguro tulong ko na rin sa kanila yung pagtatago nito.
Paghihirapan ko na lang ito, ako rin naman ang may kasalanan.
“Dara, ang tagal mo naman diyan! Malamig na yung ulam!”
Ay oo nga. Medyo matagal na nga ako dito. Kung ano ano na kasi naiisip ko.
Pagkatapos kong maligo at kumain, dumiretso na agad ako sa kwarto ko.
Binuksan ko ang laptop ko at nag log-in sa facebook.
Aba, may 3 new messages?
Bom: Sandara Park!! San ka nagpunta kanina? Bakit ka umalis? Ikaw nagccutting class ka ha! Ganyan ka na pala. Magpaliwanag ka!!! Grrrr
CL: Dara, bakit nawala ka kanina? Okay ka lang ba? Hindi ka man lang nagsabi sa amin. Kung may problema, nandito lang kami ha.
Minzy: Unnie, asan ka ba kasi kanina? Sa akin nagbubuhos ng galit si Bom unnie.. Help me.. T__T
Ito talagang mga kaibigan ko, mga baliw. :)) Pero ang sweet lang, concerned sila sa akin :D Pero syempre, hindi ko pwede sabihin sa kanila kung saan ako nagpunta. Magagalit yung mga yun. Kaya sabi ko na lang, nagpunta ako ng clinic kasi sobrang sakit ng ulo ko tapos pinauwi na rin ako para magpahinga.
Nag-ayos na ako ng gamit at nagsimulang maghanda para matulog.
[3rd person’s POV]
Kinabukasan, pagdating ni Dara sa room nila, para siyang isang celebrity na iniinterview ng mga kaklase niya.
“Dara, ang pogi naman nung kasama mo nung isang araw! Sino yon?”
“San mo siya nakilala, Dara?”
“Ang yaman teh! Jackpot ~”
“Bagay kayoooo! Kaso mas bagay ata kami??”
Napa-smirk na lang siya sa mga sinasabi ng babaeng ito. Kung alam lang nila..
Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya. Tumingin-tingin sa paligid, para makasiguradong walang teacher na magcconfiscate ng phone nya.
Pagbukas nya,
1 New Message from: GD.
[ A/N: Ano na naman kaya ang ipapagawa ni Master? :)) Ay oo nga po pala,Inuulit ko po, fiction po ito kaya medyo messed up yung sa characters tulad ng ages nila.. ^^ ]
BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...