[ DARA ]
WOW.
Hello, Mr. Not So Mystery Guy.
Ibalik mo na lang yung shades mo.
You look better with that.
I mean, pogi naman siya.
Pero parang mas nagustuhan ko siya nung hindi ko pa siya "kilala."
Yes. Kilala.
Yung bagong dating na lalaki, siya lang naman yung pinakamasungit na lalaking nakilala ko at pilit nagpapabayad sa akin ng 30,000 para sa napakaliit na gasgas sa sasakyan niya.
Siya lang naman si GD. My one and only master GD.
Sayang no? Halos pagpantasyahan ko na siya eh.
Pero parang may nagbago sa kanya.
2 years din kaming hindi nagkita ah?
Bakit nga pala 2 years siyang biglang nawala at hindi na kumontak?
Nakakapagtaka naman yun.
Pero okay lang :D :D
Tinignan ko siya ng maigi.
Ang daming nagbago sa kanya.
Nagmature yung mukha niya.
Lalo siyang gumwapo...
Wait, Dara! Bakit mo siya pinagpapantasyahan?
Galit ka sa kanya di ba?
May "utang" ka pa diyan!
Tsss! Nakakainis talaga!
Pero ang gwapo niya talaga eh. Di ako makapili sa kanila ni Min Ho...
Ano ba Dara??!! Erase, erase! Nakalimutan mo na ba? Di yan makatao! Tumigil ka na nga!
Aishhhh!! >____< *facepalm*
Nagulat ako nung bigla akong kinalabit ni Sanghyun. Unti-unti siyang lumapit sa may tenga ko na akmang may ibubulong.
"Noona, para kang baliw. Umayos ka, nakakahiya sa kanila oh. Ano bang problema mo?", sabi ni Sanghyun na halos magkadikit na ang dalawang kilay.
"Mamaya ko na ikkwento," sagot ko naman.
"Ngayon na! Naccurious ako! Ayoko ng naccurious, napapaisip ako ng sobra eh! Dali na, kwento kwento kwento ppali ~~"
"Ssshh Sanghyun wag kang maingay, baka makita tayo nila eomma. Mamaya na kasi, wag kang makulit."
"Tss. Ano ba yan! Sana di mo na lang sinabi para di ako napapaisip -___-"
"Dapat kasi di mo na tinanong, loko ka rin eh."
"Malay ko ba. Ako pa may kasalanan??"
"Oo. Manahimik ka na lang kasi."
Natawa ako nung biglang siyang umayos ng upo, naghalukipkip, sumimangot at tumahimik. Parang batang naagawan ng candy. Ano kaya yun. Hahaha!
Kinulit ko siya at tinusok-tusok ko ng daliri ko ang tagiliran niya.
Ang epic lang ng itsura nya! Para siyang uod na nalagyan ng asin kung makiliti at halatang pigil na pigil ang pagsigaw niya.
"Noona, ano ba! Nakikiliti ako, wag kang magulo!"
"Awww wawa naman si bebe Sanghyun, gusto mo lollipop? Bibili ako sa labas. Hahaha! Umayos ka nga para kang bata! Hahaha"
"Che!", at inirapan niya ako.
WOW. INIRAPAN AKO NI SANGHYUN??
Napatingin ako sa kabila nung may tumapik sa balikat ko. Nakita pala kami ni eomma, at pinapatahimik niya na kami.
BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...