Pagtanggal ko ng mga kamay ko sa mata ko,
Nagulat ako sa nakita ko.
Nandito kami ngayon sa isang parking lot.
Tumingin tingin ako ng mga posters o signage para malaman ko kung nasaan nga kami.
Sus.
Nasa isang mall lang pala kami.
Pagkatingin ko sa kanya, mayroon siyang isang ngiting nakakaloko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
"Bakit tayo nandito? Anong gagawin natin?"
"Magsshop-"
"Talaga? Ipagsshopping mo ako? Wowwww! Ang bait mo naman po :> Ano pong nakain mo? Tara na daliiii!!"
"Anong pinagsasasabi mo? Okay ka lang? Patapusin mo muna kasi ako. Magsshopping ako at ikaw ang magbibitbit. Tss. Kayong mga babae talaga.."
Wow. Strike 2. Wag nga kasing assuming, Dara. Hindi siya mabait, okay? Hindiiii!!!
Bakit kaya hindi na lang siya maghire ng body guard? Babae pa ang pagbibitbitin niya ng mga bibilhin niya. May kahit katiting ba na pagkagentleman sa katawan nito? -___-
"Ano pang ginagawa mo jan? Dalian mo!"
May magagawa pa ba ako? Hayyy.
Sumunod na ako sa loob.
--
Inisa-isa niya yung mga stalls. Ang dami dami niyang tinitignan na damit. Wala nang silip-silip sa price tag. Pag nagustuhan, kuha na lang agad.
Pag nakapili na siya, tatawag agad ng saleslady at magbabayad agad.
At pagkabigay ng saleslady, abot agad sa akin -____-
Ang dami niyang pinamili within 2 hours! Mga polo, pants, neckties, medyas, sapatos, lahat na!
Punong-puno yung braso ko ng mga paper bag. Halos wala ng mapaglagyan eh.
Ang bigat na pooo -____-
"Tapos na ako. Dalhin mo na lahat yan sa sasakyan ko, susunod na ako."
Yesss sa wakas, nakaramdam din!
Bumalik na kami sa sasakyan niya.
Pinalagay niya sa trunk yung mga pinamili niya.
Muntik ng hindi magkasya! Bakit kasi ang dami dami niyang binili?
Siya ulit nagbukas nung pinto.
Pero bago ako makapasok, tumunog yung cellphone ko.
Tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Si eomma.
"Yoboseyo?"
"Hello Dara, nasaan ka?"
"Nasa mall lang po, pero pauwi na po ako."
"Sige dalian mo at may sasabihin ako sayo. Mag-ingat ka ha?"
"Sige po. Bye.."
Binalik ko na yung phone sa bag ko. Tumingin-tingin ako sa paligid, wala siya.
Maglalakad na sana ako palayo nang biglang bumusina yung sasakyan niya.
Binaba niya yung bintana sa may passenger's seat.
"San ka ba pupunta?"
"Akala ko po kasi wala ka pa jan kaya hahanapin po sana kita."
"Dalian mo, makikipagkita pa ako kay Daddy."
BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanficAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...