Chapter 2: Demanding GD??

418 11 2
                                    

[Dara]

30,000? Grabe naman yun! Ang liit liit ng gasgas nung sasakyan niya eh -__-

Buti na lang talaga nakatakas ako dun sa lalaking yun.

Kahit anong gawin nyang pamimilit, wala akong ibibigay sa kanya kasi wala naman talaga akong ganung kalaking pera no! Nag-aaral pa lang po ako eh :l

Hayyy. Nakarating na rin ako sa bahay. Home sweet home :”>

“Hello?!”

Walang ibang tao. Siguro hindi pa dumadating sila umma, appa tsaka yung kapatid kong si Sanghyun.

Pagkatapos kong magbihis, matutulog na lang ako ^___^

[ GD ]

Tumakas ka pa talaga ha, wala kang kawala sa akin ngayon . *evil laugh*

At nandito pa talaga sa wallet mo yung school ID mo ha? Lagot ka talaga sa akin ngayon :))

Pasilip ng info ha?

Ikaw pala si Sandara Park, third year ka pala at dun ka pala sa exclusive school for girls nag-aaral ha?

At ano to?

May cellphone number pa!

Matawagan nga >:)

*enters phone number and calls Dara*

[Dara]

*ring ring*

Ano ba yan?! Ang sarap sarap na ng tulog ko oh. Mag-iisang oras na akong tulog! Bakit kailangan akong gisingin? -__- At sino naman tong tumatawag sa akin, unregistered number pa?

“Yoboseyo?”

“Hello, Miss Sandara Park.”

“Sino ka? At bakit mo alam ang full name ko? At pano mo nakuha ang number ko??”

“Teka naman, hinay hinay lang. Ako to, si GD.”

“Sinong GD? Wala akong kilalang GD no!”

“Ako yung may-ari ng sasakyan na sa sobrang pabaya mo eh nagkaroon ng gasgas. Oh, tanda mo na?”

“Ha?? Eh pano mo nakuha ang number ko?”

“Eh pano kasi, pagtakbo mo, nahulog mo kaya yung wallet mo. “

“Akin na yan, ibalik mo kasi sa akin yan!! Kailangan ko yan! ”

“Makipagkita ka sa akin bukas. Ibabalik ko ang wallet mo, at pag-uusapan natin kung paano mo mababayaran ang damage mo sa sasakyan ko.”

“Inuulit ko, wala nga po akong ganun kalaking halaga. Nag-aaral pa lang po ako eh! Ibalik mo na po kasi sa akin yan please!!”

*toot toot toot*

"Hello? Hello? Uy! Hello??"

Bwisit, binabaan pa ako oh! Paano ko kaya makukuha yun? -__- 

[ GD ]

Hmmm, ano kayang magandang ipagawa dito sa babaeng to? Maitext na nga lang muna yung mga kabarkada ko since high school.

Guys. Same place, 8 PM. My treat. See you.

Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nakikita itong mga to. Mga business people na rin kasi.

Pagpunta ko dun sa paborito naming restaurant,ginuide na agad ako nung receptionist sa pinareserve kong space para sa amin.

At pagdating ko, bakit wala po yung mga mokong na to? Sabi ko 8 eh -__-

After 15 minutes, may dumating na rin!  Si Taeyang. Walang pinagbago. Trip na trip niya pa rin talagang ayusin ng kung anu-anong hairstyle yung buhok niya. Nakamohawk siya ngayon. Dati, parang nakabraid.

My Love is A  DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon