[ 3rd ]
Himalang hindi nagkagulo ang bahay nila Dara kahit na silang dalawa lang ni Sanghyun ang naiwan rito.
Himala rin na hindi siya kinocontact o pinapatawag ni GD.
Ganito sina Dara at Sanghyun sa bahay nila:
Si Dara ang tagapagluto at si Sanghyun naman ang tagahugas ng plato.
Kapag tinatamad silang parehas ay sa labas na lang sila kakain.
Umabot ang araw ng Sabado.
Kailangan nilang pumunta sa bahay ng tito ng kanilang appa upang bumisita.
Pagdating nila doon ay sinalubong sila ng kanilang eomma.
"Oh Dara, Sanghyun, nandito pala kayo. Tulungan ninyo kami at may darating na bisita ngayon.."
"Talaga po, Eomma? Sino daw po?", pagtataka ni Sanghyun.
"Kababata raw ng tito ng appa ninyo. Parating na rin sila kaya mag-ayos na tayo."
Tumulong na si Dara at Sanghyun sa pagluluto, paghahanda ng mga kubyertos at kaunti na ring pag-aayos.
[ DARA ]
Naku, may dadating daw mamaya.
Nahihiya talaga ako eh -___-
Alam ko na. Pipilitin ko na lang si eomma na payagan akong mag-stay sa kwarto nila ^___^
Nakita ko si eomma, naghihiwa ng mga sahog para sa kakainin ng mga bisita mamaya.
Nilapitan ko siya.
"Eomma.."
"Bakit, Dara?"
"Pwede po ba akong magstay sa kwarto niyo mamaya? Nahihiya po kasi ako eh."
"Dapat tumulong ka mamaya na mag-asikaso sa mga bisita."
"Nandiyan naman po si Sanghyun, kaya niya na po yun."
"Bahala ka. Sige, bantayan mo na lang si Doorami."
"Sige po eomma. Thank you po!"
Yes napapayag ko rin! :D
Nakaupo lang ako sa sofa, nagbabasa ng libro ng may marinig akong kumalampag ng gate.
"Eomma, andito na po sila!", sigaw ni Sanghyun na nakabantay pala sa labas.
"Andiyan na? O sige, papasukin mo na."
Ayun, nagmadali akong pumasok sa kwarto.
Anong gagawin ko dito? -____- walang TV. Tulog pa si Doorami.
Matutulog na lang ako ^____^
Good night kahit hapon pa lang. XD
--
[ 3RD ]
Matagal-tagal ring nagkausap ang tito ng appa nila Dara at ang kaibigan nito. Pati ang mga nangyari noong maliliit pa sila ay naging topic din nila.
Maliit pa kasi noon si Jin Hwan, ang appa nila Dara, noong nagkaroon ng isang aksidente sa kanilang lugar.
Nagbabantay noon ang halmeoni at harabeoji nila Dara sa kanilang tindahan ng bigla na lamang ay bumangga rito ang isang rumaragasang trak.
Ang kaisa-isang anak naman nila na si Jin Hwan ay nasa paaralan ng maganap ang aksidente.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang kanyang ama't ina.
Mula noon ay kinupkop na siya ng kapatid ng kanyang appa na si Changwoo.
Itinuring siya nito na para na rin nitong tunay na anak.

BINABASA MO ANG
My Love is A Dragon
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung isang simpleng estudyante ka lang din na tulad ni Dara, napagbintangang may kasalanan sa likod ng gasgas ng isang mamahaling sasakyan at sinisingil ng pagkalaki-laki ng may-ari nito? At habang nakakulong ka sa mapagmat...