FIRST STORY: A Fiancé to Pretend

3.1K 39 0
                                    

CHAPTER TWO

            “Hi!” panimula niyang pagbati rito na nilangkapan niya ng matamis na ngiti. “I’m Roldan Camua an Architect and–––’’

            “Wait!” awat nito sa kanya na nakataas pa ang isang kamay sa ere na nakaharap ang palad sa kanya. “You’re introducing your self to me?” gulat nitong tanong.

            Hindi kaagad siya nakasagot sa katanungan nito na halata namang nagpapakilala siya. Pero bakit ng magsalita na ito parang maymalisa nagawa niya? O baka naman dahil sa hindi nito pagngiti sa kanya kung kaya’t nakaramdam siya ng kaba sa mga nasabi niya rito. At bigla na lamang lumukob sa buong katauhan niyang maymalisa kanyang nagawa!

            “Ahm,” panimula niya at lihim siyang lumunok upang tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan. “Siguro naman, wala namang masama kung magpapakilala ako sa’yo, hindi ba?”

            Tinitigan lang siya nito at wala siyang nabasang emosyon roon kaya hindi niya alam kung naiinis na ito sa kanya o kung ano pa man.

            “Why?” she asked once more and that time, he is torn into right or wrong. He really doesn’t know what to do or to tell her! If he’ll going to tell the truth, what would she react?! Maybe, she got mad! And if he told her that he had a crush on her, would she believe in him?

            I think she wouldn’t! Sagot ng isang bahagi ng isipan niya ng lubhang sinasang-ayunan niya! Sino ba naman kasi ang maniniwalang may crush siya rito samantalang minsanan lang niya kung makita ito. Hindi rin naman sila nagkaroon ng pagkakataon na maging magka-klase dahil sa magkaibang school sila pumapasok. Although pareho lang ang oras ng pasukan nila, tanging sa labas lang ng bakuran nito niya nakikita ito. At sa tuwing daraan roon ang service nila at elementary pa sila noon pero kaagad na siyang naka-crush rito sa unang kita palang niya!

            Maganda na ito noon pa man kahit may pagkamataray ang facial expression nitogayang sinasabi ng mga kaibigan niya na pawang mga kapitbahay rin nila. Hindi naman iyon nakapigil sa kanya upang hindi ito hangaan. Natigil lamang iyon ng mag-aral siya sa ibang bansa at buong akala niya hindi na niya madarama pa ang nadama niya para rito ngunit nagkamali lang pala siya!

            When the first time that she saw her fully grown up! Much prettier than ever! He eventually and immediately likes her! But still he kept silence and stay at her side whenever he had time. Just like now!

            Ang makita ito sa umaga ang pinaka-pinananabikan niya at kahit isang simpleng ngiti lang ang ibinibigay nito. Ayos na sa kanya basta ang mahalaga nakikita at nasisilayan niya ito. Hindi man niya nakakausap ito, kahit papaano nakakangitian at nagbabatian naman sila ng “magandang umaga” at masaya na siya ngayon. Iba nga lang ang sitwasyon sa ngayon! Napilitan na siyang kausapin ito upang makuha na ang pagsang-ayon nito sa nagawa at nasabi niya sa kanyang lolo. Ngunit mukhang dinadaga na siya dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, na animo’y mangangain na ito ng tao sa sobrang intense ng pagkakatitig nito sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung anong tapang sabihin rito.

            Gulat! Iyon ang nadarama niya sa mga oras na iyon at halos gusto na niyang makasakay ng bus na hanggang sa mga oras na iyon wala pa ring dumarating. Pakiramdam tuloy niya parang sinasadyang tagalan ng mga bus na iyon ang pagdating upang magkasarilinan sila nitong kasama niya. Idagdag pang silang dalawa palang ang naroroon sa hintayan ng bus samantalang five thirty na ng umaga dapat marami-rami na rin sila roon na naghihintay!

            Pero ni isa wala pang dumarating na parang sinasadya o sadyang plinano na ng lalakeng ito ang bagay na iyon! Na pinakiusapan nito ang mga taong naghihintay roon ng ganoong oras na huwag dumating ng ganoong oras o mas maagang dumating roon upang magkasarilinan sila nito!

AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)Where stories live. Discover now