FIRST STORY: A Fiancé to Pretend

719 30 0
                                    

CHAPTER SEVEN

            Ano ba itong ginagawa ko?! Piping tanong niya sa sarili dahil kahit sinabi na niyang wala siyang oras upang kausapin ito. Pinatuloy pa rin niya ito sa bahay niya at ipinaghanda pa ng maiinom at makakain. At sa ngayon, naghihintay na lamang siya kung anong sasabihin nito pero napansin niyang mukhang wala itong balak na magsalita kaagad. Kaya siya na mismo ang bumasag sa katahimikang lumulukob sa kanila tutal pakiramdam niya nabibingi na siya sa katahimikang iyon.

            “Akala ko–––’’

            “I thought–––’’

            Halos sabay nilang wika, at kahit na nga sa magkaibang lengguwahe pa ang mga nasabi nila iisa lang ang ibig niyon sabihin.

            “You go–––’’

            “Ikaw na–––’’

            Again, they duet! At sa pagkakataong iyon siya naman ang nag-ingles at ito naman ang nagtagalog. At iyon ang naging dahilan upang magtawanan sila nito at maibsan ang tensiyong nagsimula ng manahimik silang dalawa!

            “Hay! Mauna ka na nga!” natatawa pa rin niyang turan.

            “Hindi, ikaw na!” sagot nito na natatawa man, ngumiti na lang ito na nagpakabog naman ng kanyang puso.

            Shit! Ano ka ba naman, Mariafe! Pwede bang mamaya na iyang kabog-kabog na iyan! Piping saway niya sa sarili at sa pagkakataong iyon tumigil na siya sa pagtawa at medyo pinaseryoso na ang hitsura niya.

            “Okay!” then she takes a deep breath. “First of all, I’m sorry!” she said sincerely.

            “Apology accepted!” he said that made her feel fine. “So, now that you’re forgiven. Siguro naman, pwede mo nang ipaliwanag ang naging dahilan–––’’

            “Sandali nga lang!” sabay taas ng kanang kamay niya sa ere. “Akala ko ba forgiven na ako, eh bakit kailangan ko pang magpaliwanag?!”

            “Well,” sabay kibit balikat nito. “Nakakapagtaka lang kasi ang ginawa mong pag-iwas sa’kin.” Dugtong nito.

            “Excuse me! Hindi naman kita iniiwasan, ah!” depensa niya kahit na nga halatang-halata naman ang ginawa niya.

            “Oh, well so, what did you call for that?” he asked meaning full and as if his making fun of asking her.

            Shit! Again! Nakakainis na ito, ha! Parang may pinapatungkol pa siya sa tono ng pananalita niya! Inis niyang komento sa sarili. “Ah, well…” shit! Naubusan na ako ng “word”! Hiyaw niya sa sarili habang ito ay matamang nakatitig sa kanya o mas tamang sabihing sa mga mata niya. mas lalo tuloy siya hindi nakapag-isip ng sasabihin rito dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya!

            “Lo que en realidad eres bella y gentil dama! Es pore so que me encanta mirar fijamente a usted y a sus ojos cada vez que los veo! Me hizo leer su alma más profunda.” He said in Spanish language that she couldn’t understand. – You really are beautiful and gracious lady! That’s why I love staring at you and into your eyes every time I see you! It made me read your deep soul. –

            “Ha! Anong sinabi mo?” gulat niyang tanong rito at mukhang wala itong balak na sabihin sa kanya kung anong ibig nitong sabihin sa sinabi nito sa kanya. “Hoy! Magsalita ka nga!” pilit niya rito.

AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)Where stories live. Discover now