Author's Note: Sorry if natatagalan ang aking pag-upload ng At The Bus Stories, medyo busy lang pero sa mga nakabasa at bumabasa pa. Salamat ng marami sa inyo! At salamat rin sa pagtitiyaga sa akin... hehehe!
Sa may ari ng account na ito, thank you at sorry! hay! Alam mo na iyon! Kaya hindi ko na hahabaan pa ito! Basta, thank you very much! Well, for allowing me to use your page! I sincerely thank you!
So, here's the new chapter of my story! Hope you still read it! Thank you!
... ... ...
CHAPTER EIGHT
Nang sumunod na araw, maaga pa lang nasa gate na niya si Roldan kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang sabayan na ito sa pagpasok. Tutal, kahit anong gawin niyang pag-iwas rito mag-ko-krus pa rin ang kanilang mga landas dahil sa iisang subdivision, bus at halos magkasunod lang ang kani-kanilang pinagtatrabahuan.
“Mamaya nga pala, susunduin kita sa opisina niyo.” Hayag nito matapos nitong makapag-bayad sa kondoktor.
“Okay!” simple niyang sagot.
“Iyon lang?” nagtatakang tanong nito na nagpalingon sa kanya rito.
“Bakit?”
“Well, I expected that you’ll ask something?”
“Like what?”
“Well,” sabay kibit-balikat nito at hindi na iyon dinugtungan pa.
She sighs. “Alam kong may sasabihin ka pa, so spill it out now!” utos niya rito.
He breathe deeply first before he faces her. “Okay! We have a party to attend too.” He finally said it.
“What? Hindi ako pupunta, anoh!” kaagad niyang sagot rito dahil wala talaga siyang balak na makihalubilo sa mga mayayamang tao.
“Well, wala ka nang magagawa sa bagay na iyon.”
“Why?”
“May susundo na sa’tin, dahil kilalang-kilala na ako ni lolo na hindi mahilig um-attend sa mga ganoong okasyon. Kung hindi lang–––’’
“Then don’t!” she cut him off.
“Kasama ka, baka hindi na talaga ako pupunta roon.” Hayag nito na hindi man lang pinansin ang sinabi niya. Kaya hindi na lamang siya nagkomento pa tutal mukhang wala rin naman siyang magagawa sa bagay na iyon.
She accepted to be his girl friend so, panindigan niya ang naging pasya niya!
Sa oras nga ng kanilang uwian, dumating si Roldan na may kasa-kasama nang driver, na naka-suit and tie at nag-aabang na sa kanyang paglabas sa tabi ng isang magara at itim na sasakyan. At ayon na rin sa nakikita niya ng mga sandaling iyon, mamahalin ang naturang kotse at mukhang doon siya isasakay nito.
“Diyan ba tayo sasakay?” kaagad niyang tanong rito ng makalapit na ito sa kanya.
“Oo! Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” nag-aalalang tanong nito.
Diyos ko naman, oh! Sino ba naman ang hindi magugustuhang makasakay sa isang magarang sasakyan?! Lahat na ata ng tao sa mundo ang makasakay sa isang magarang sasakyang ang pinapangarap! Anang isipan niya ngunit hindi iyon ang sinabi niya rito.
YOU ARE READING
AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)
RomanceMariafe and Roldan is living in the same subdivision though. They really don't know each other, but despite of it Mariafe got crush on him since she saw him at the bus where they both riding at. But never in her life that she may picture them as a c...