CHAPTER FOUR
Five days later…
Hanggang sa makauwi na sila ni Roldan hindi pa rin mapawi-pawi ang ngiti sa kanyang mukha dahil sa pagiging sweet nito sa buong durasyon ng kanilang pag-uwi. Mabuti na lang at sabado na bukas dahil tiyak niyang mapupuyat siya sa buong magdamag sa kakaisip rito!
At aminin man niya o hindi, natutuwa na ng lubus-lubusan ang kanyang puso sa mga nangyayari kahit na nga sabihin pang limang araw palang silang nagiging close nito.
Monday to Friday… And for those days, she knew that there is something going on to her that hardly to explain. And she knew when the time goes by! Her crush on him would turn out to something much deeper than ever! Though she’s too scared of it! Still she couldn’t stop it going on it!
Simula noong lunes, ng magkasabay sila sa paglalakad papunta sa hintayan ng bus at nagpakilala nito at pag-aalok nito ng pakikipagkaibigan. Doon na sila nagsimulang magkakilanlan at nang hingin naman nito ang numero niya. Doon na rin sila nagsimulang maging textmate at halos tuwing uwian na lang naroroon ito at sinusundo siya. At ni minsan, hindi sila maaaring umuwi ng maaga dahil lagi na lang itong nag-aayang mamasyal at kumain na muna bago sila makasakay ng bus. At kahit na nga sabihin pang nauuna ang bahay niya sa bahay nito, inihahatid pa rin siya nito hanggang sa gate ng bahay niya at hinihintay pa nitong tuluyan na siyang nakapasok sa loob bago ito umuwi sa bahay nito. Kaya ganoon na lamang ang nadarama niyang kilig sa sobrang concern na ipinapakita nito sa kanya. At higit sa lahat, tuwing umaga sadyang hinihintay pa siya nito sa gate nila upang sabay na silang pumasok.
Tuloy halos araw-araw na lang kung kantiyawan siya ng mga kaibigan at mga katatrabaho niya dahil roon. Kumalat na kasi sa kompanya nila ang tungkol sa kanila ni Roldan at noon lang niya nalaman na kilala pala ito sa ibang bansa! Mahusay kasi itong mag-desenyo ng mga furniture na nagmula sa mga recycle things at doon ito nakilala ng lubos!
At kahapon lamang niya iyon nalaman at pinagalitan pa nga siya ni Kat dahil matagal na niyang crush ito pero kaunti lang pala ang nalalaman niya tungkol rito. Samantalang ito, tatahi-tahimik lang pero may naitatago palang kaalaman at isa na roon ang tungkol sa isang tsismis! Ang sabi raw, si Roldan Camua ay isa sa mga apo ni Don Rolando Camua pero wala namang nagpapatunayan niyon sa magkabilang panig kaya hindi rin gaanong kumalat sa business world. Isa pa, kung titingnan niya ang dalawang iyon, nakatitiyak na siyang hindi sila pagkakamalang mag-lolo.
“Hay! Tsismis nga naman, oh!” nawika niya at patuloy na sana siya sa banyo ng makatanggap naman siya ng isang tawag mula kay Roldan. “Aba! Kakahatid n’ya lang sa’kin, ah! Miss na kaaagad niya ako!” nakangiti niyang turan at agad na sinagot ang tawag nito.
“Hello?” halos pabulong nitong sagot sa kanya pero inignora lang niya ito.
“Oh, napatawag ka!” sagot niya rito. “Siguro nami–––’’ naputol ang sanang sasabihin niya ng muli itong magsalita at ayon na rin sa tono ng tinig nito upang may malaki itong problema. At mukhang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon.
“Please, Mariafe! Lumabas ka lang ngayon sa bahay mo at––– ah, basta! Labas ka na lang! Okay! At ipauna ko na! I’m really, really sorry if I drag you into this mess! I’m sorry!” hayag nito at bago pa siya makasagot at makapagtanong, pinutol na nito ang tawag na iyon at napatitig na lang siya sa kanyang cellphone.
“Gosh! Anong problema niya?!” hindi niya napigilang itanong sa sarili at imbis na pag-isipan na muna niya kung lalabas pa ba siya o hindi na. Naroroon na siya at nakatanaw sa isang lalakeng papalapit sa kanya na may matamis ng ngiti sa mga labi. At bago pa man siya makapag-react ng kahit na ano! Sinalubong na siya nito ng isang halik sa kanyang mga labi! Maganda at banayad lamang iyon ngunit iyon ang nagpayanig ng kanyang mundo!
YOU ARE READING
AT THE BUS STORIES: (A Fiancé to Pretend)
RomantikMariafe and Roldan is living in the same subdivision though. They really don't know each other, but despite of it Mariafe got crush on him since she saw him at the bus where they both riding at. But never in her life that she may picture them as a c...